Chapter 1 : Ang Muling Pagkikita ni Matthew at Grace
Grace POV
" Miracle nasan ang papa mo? Bakit mama mo na lang lagi ang sumusundo sayo? Wala ka bang papa?" Tanong ng isang bata sa anak ko.
" Ewan ko at wala akong balak malaman kung nasaan. Ayos na sakin na kasama ko si mama. Saka bakit mo ba tinatanong ha?" Naiinis na tanong ng anak ko sa bata.
Mukha talagang pinaglihi ko ito sa sama ng loob. Kapag tinatanong lagi na lang galit at ako lang ang kinakausap ng maayos.
" Ang maldita mo naman, nagtatanong lang naman eh. " Sabi ng bata sabay kamot sa ulo at tumakbo na paalis.
" Bakit kasi sila tanong ng tanong. Nakakairita kaya." Bumubulong bulong ito habang naglalakad.
" Anong gusto mo sa birthday mo, anak?" Tanong ko rito ng makauwi kami sa bahay. Hindi sumagot ang anak ko at tinanggal muna ang sapatos niya.
" Wag na maghanda, Ma. Bayad mo na lang kay Aling Mirna. Bubungaan ka na naman non tapos sasabihin di ka nagbabayad ng renta at ipababaranggay ka." Simple nitong sagot.
" Huh? Hindi pwede yon, anak. Maghahanda pa rin ako para sayo. Spaghetti at chicken?" Ngiti kong tanong.
" Ewan ko sayo Mama. Tatanong tanong ka po tapos ikaw pa din magdedesisyon." Natawa na lang ako.
" Wow sipag naman."
" Sakto lang, Ma."
Simula pagkabata pansin ko ng bihira lang itong ngumiti. Lalo na kapag ibang tao ang nakakausap palagi itong nagsusungit.
Habang kumakain kami ay tahimik lang si Miracle. Sanay akong ganito ang anak ko. Pero hindi ko rin maiwasan mapaisip paano kung lumaki itong masayahing bata.
Noon palang ay naipaliwanag ko na sa kanya kung bakit hindi namin nakakasama ang papa niya at nakakasigurado ako na naiintindihan niya naman lalo pat hindi siya matanong pagdating dito.
" Mama." Natigil ako sa paghuhugas ng pinggan ng yumakap sa akin mula sa likuran.
" Ano yon?"
" Mag-aaral ako ng mabuti para sayo. Ako po ang magbibigay ng magandang buhay na deserve mo. Hindi po natin kailangan ang tatay ko." Pagkatapos kong banlawan ang aking kamay ay hinarap ko ito at niyakap.
" Naman. Kaya na natin na tayong dalawa lang at sapat ka na sakin."
Sa tuwing naaalala ko ang dahilan kung bakit kami lang ng anak ko ang magkasama ngayon ay hindi ko maiwasan ang maiyak. Ang mga natanggap kong p*******t noon habang nasa sinapupunan ko si Miracle.
" Ikaw na babae ka! Kumikilos ka! Hindi ka reyna dito. Kung tutuusin asawa ka lang naman ng anak ko at hindi kita gusto. Siguro kinulam mo ang anak ko kaya ikaw ang nagustuhan niya! Gold digger!" Sigaw ng ina ni Matthew sa akin.
" Aba bilis bilisan mo diyan marami ka pang lalampasuhin sa taas. Maglilinis ka pa ng inidoro. Pero ito ang tatandaan mo! Wag na wag kang magsusumbong sa anak ko kundi makakatikim ka talaga sakin. "
Tiniis ko ang lahat noon dahil mahal ko si Matthew. Mahal na mahal ko ang asawa. Sinabi ko noon kay Matthew na humiwalay kami ng bahay pero ang sabi niya sakin gusto niya na kasama pa rin ang mama niya.
Kaya hindi na ko nagpumilit pa alam ko naman kung gaano niya kamahal ang mama niya. Alam ng mama ni Matthew noon ay na Buntis ako pero kahit alam nito ang kalagayan ko ay patuloy pa rin akong sinasaktan.
" Eto ang tandaan mo! Kapag nakapanganak ka na. Makakalayas ka na sa pamamahay na to at maiiwan samin ang bata. Hindi ka nababagay sa anak ko ha! Tandaan mo yan! Si Jessica ang babaeng gusto ko para sa anak ko!"
Ni isa sa mga katulong sa mansyon noon ay walang naglakas ng loob na isumbong ang nangyayari sa akin sa mansyon. Dahil takot sila kay Donya Matilda. Takot sila sa mama Matthew. Takot na mawalan ng pagtatrabaho.
Sa sobrang takot ko noon ay noong umalis sila para mamili ay tumakas ako sa mansyon. Natatakot ako na baka kapag nagtagal pa ako doon ay kung ano ng mangyari sa baby ko. Kaya nga laki ang pasasalamat ko ng walang deperensiya si Miracle ng ipanganak ko ito.
KINABUKASAN maaga akong nagising may pasok pa nga pala si Miracle. Gulay ang niluto ko para sa almusal namin. Yung karne kasi ay ipinabaon ko na sa kanya sa eskwela. Ayos lang sa akin kahit hindi nakakakain ng masarap as long na ang anak ko ang nakakaranas.
" Mama, gulay na naman po? Pinabaon niyo na naman sakin yung karne." Seryoso nitong sabi.
" Hayaan mo na. Ayos lang naman ako."
" Lagi mo naman sinasabi yan Mama. Na ayos ka lang. Na okay ka lang. Baka nga po nagkakasakit ka na eh. Di mo lang sinasabi sa akin. " Ang swerte ko talaga na naging anak ko siya na dumating siya sa buhay ko.
Hinatid ko na rin ito sa school. Humalik muna ito sa pisngi ko bago tuluyang pumasok sa loob ng eskwelahan. Muli itong lumingon para kumaway. Napangiti ako dahil doon. Habang naglalakad sa may gilid ng kalsada ay tulala ako.
Kailangan ko ng mas magandang trabaho para maibigay ang pangangailangan ng anak ko. Ang lahat ng kailangan niya. Para maranasan niya rin ang buhay na nararanasan ng ibang bata.
Tatawid na sana ako pero di ko napansin na may padating na sasakyan. Muntik na tuloy akong mabangga. Hanggang sa lumabas na ang may ari ng sasakyan.
At sa kamalas malasan ba naman bakit siya pa? Tumalikod na ako. Pero tinawag ako nito.
" Grace." Boses ng lalaking iniwan ko 12 taon na ang nakakalipas. Ang lalaking minahal ko ng sobra pero sigurado akong nasaktan ko din ng sobra dahil sa pang-iiwan ko sa kanya noon.
Patuloy lang ako sa paglalakad ng may humawak sa braso ko. At pagtingin ko si Matthew na nga iyon. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa mga mata niya.
" We have to talk." Aniya. Paano kapag nalaman niya ang tungkol sa anak namin? Paano kapag nalaman niya ang tungkol kay Miracle? Kukunin niya ba sakin ang anak ko?
" Wala tayong dapat pag-usapan." Nagmamatigas kong sabi.
" Meron about the annulment papers. Gusto ko ng mapawalang bisa ang kasal ko sa walang kwentang babae kagaya mo." Para kong sinaksak ng libo libong patalim dahil sa narinig.
" Oo nga pala..." Yun na lang ang nasabi ko. After 12 years masasabi kong ang laki na ng pinagbago niya. May anak na kaya siya?nagkatuluyan kaya sila ni Jessica?
Gusto ko sana sabihin ang dahilan kung bakit ko siya iniwan noon, ang lahat ng ginawa ng nanay niya sakin noon pero alam kong hindi niya naman ako paniniwalaan. Siguro mas mabuti pang itago ko nalang lahat iyon.
Ang tagal na palang nakahanda ng annulment papers. Ang kulang na lang talaga ay ang pirma ko doon. Nang makita ko ang mga papel na iyon ay pinigilan ko lang talaga ang sarili ko na iyak. Ayaw kong mag mukhang kaawa awa sa harapan ni Matthew. Ayoko mapahiya.
" Ayos na? Pwede na ba kong umalis?" Tanong ko kay Matthew. Wala pa ring reaksyon ang mukha nito. Tumayo na ako at tumalikod.
" Ang pakasalan ka ang pinakatangang naging desisyon ko sa buhay ko. Now I'm happy to tell na may pakakasalan ko si Jessica by the way may anak na kami babae. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin Grace bakit mo nagawang iwan noon at bakit mo nagawang ipalaglag ang baby natin."
Ipaabort ang baby? Sino ang nagsabi sa kanya noon? Kasinungalingan na naman ng nanay niya? Ano pa bang mapapala ko kung magpapaliwanag ako diba. Tuluyan ko na itong iniwan sa restaurant. Mabuti na lang talaga ay hindi pako late sa trabaho ko. Isa kasi akong cashier. Habang nagtatrabaho ay pinilit kong umakto ng ayos sa harap ng mga nagbabayad.
Pagkatapos ng trabaho ay sinundo ko na si Miracle. Ang napansin agad nito ay ang mga mata ko. Imbes na magtanong pa ay niyakap na lang ako ng anak ko. Dahil sa yakap niyang iyon ay gumaan na ang pakiramdam ko.
Patawad anak ko hindi ko magawang sabihin sayo na nagkita na kami ng papa mo. Pasensya ka na kung hindi ka nagawang ipaglaban ni mama..