Grace POV
Ewan ko kung magiging maganda ang kalalabasan nito pero hindi naman masama ang sumubok diba? Saka dati naman ay secretary lang ako. Gusto ko lang ng trabaho na mas sasapat sa pangangailangan namin ng anak ko.
Tatlong araw na rin ang nakalipas simula noong makita noong makita ko si Matthew at masasabi ko ng ayos na ako. Wala na kong dinadamdam pa. Nagresign na rin ako sa pagiging cashier.
Hindi ko naman akalain na bata pala ang magiging boss kung sakali. Pero bakit parang pamilyar siya? Nagkita na baka kami dati? Or baka guni guni ko lang naman. Hays Grace wag kang talandi para to sa anak mo.
" Ikaw na ba yan Grace?" Tanong sa aking ng soon to be boss ko. Teka. Bakit niya ko kilala? Friends ba kami dati? Wala naman akong naalala na may atraso ako o ano.
" Don't you remember me? I'm Nathan,? bestfriend ni Matthew! Nandoon pa nga ako sa kasal niyo noon." Mukhang masaya siya ah! Pero bestfriend siya ni Matthew? Mukhang kailangan kong humanap ng bagong kompanya na applyan? Baka mamaya makita ko na lang si Matthew dito. Magkaibigan sila eh.
" Wag kang mag-alala hindi ko sasabihin kay Matthew. " Aniya.
" Hindi na kailangan nagkita na kami." Sagot ko rito na ikinatango lang ng lalaki. Kung pagkukumparahin sila ni Matthew mas mukhang mabait si Nathan at mas palangiti.
" Bakit ka nga pala umalis noon? Halos mabaliw ang kaibigan ko dahil sa pag alis mo." Pagkwekwento nito sa akin. Nang mapansin niyang hindi na ko kumportable sa mga kinukwento niya tungkol kay Matthew ay tumigil na ito sa pagsasalita.
" Pwede ba akong magtrabaho rito? " Medyo nilakasan ko ang loob ko at kinapalan ko ang mukha ko para lang maitanong ang tungkol sa bagay na yon.
" Ofcourse. Welcome na welcome ka dito. Wag kang mag-alala. Bihira lang pumunta ang kaibigan ko dito." Pagtukoy niya kay Matthew.
" Wag mo sanang sabihin kay Matthew." Sabi ko.
" Makakaasa ka." Ngiti nitong sagot sa akin. Sinabi nitong bumalik na lang ako bukas dahil bukas pa naman ang start ng trabaho ko. Tinanong ko pa nga kung bakit wala ng interview ang sabi nito sa akin ay alam niya na daw ang kakayahan ko at di na kailangan.
Sinundo ko si Miracle sa eskwelahan nito. Ilang buwan na lang ay matatapos na siya sa elementerya. Dalaga na ang anak ko. Pag iipunan ko talaga ang magiging graduation gift ko sa kanya.
" Milk tea, Ma?" Tanong nito sakin ng iabot ko sa kanya ang isang milktea. Parang hindi niya nagustuhan. O baka yung flavor.
" May bago na kong trabaho, bukas." Ngiti kong sabi rito.
" Bagong trabaho? Saan?" Seryoso nitong tanong.
"kompanya. Wag kang mag-alala. Mabait yung magiging boss ko."
" Mabait nga po boss mo. Paano naman yung mga magiging katrabaho mo? Baka hindi sila maging mabait sayo." Hays hindi na talaga siya bata mag-isip. Kaya na bilib na bilib ako sa kanya eh.
" Mababait din yon. Kung hindi mababait edi pababaitin ko. " Sabi ko sabay kindat. Napangiti naman ito.
" Pero Ma paano ka natanggap dun sa trabaho mo?
" Siguro nagandahan sakin kaya tinanggap agad ako. " Pabiro kong sagot sa anak ko.
" Baka manyak, Ma." Malakas tuloy akong napatawa. Sinasabi niya bang manyak ang kaibigan ng papa niya.
" Hindi yun mukha namang mabait." Sabi ko
" Baka mukhang paa." Suhestiyon ng anak ko.
" Gwapo nga eh. " Sabi ko ulit.
" Ma, hanap ka na lang ng ibang trabaho. " Bigla itong nawalan ng gana sa pakikipag usap sa akin.
" Joke lang anak."
" Natatakot ako Ma. Baka mamaya kapag may nakilala kang lalaki. Iwan mo na ko." Lumapit ako kay Miracle at niyakap ito. Ang anak ko talaga. Ang batang ito masyadong mahal na mahal ang mama niya.
Sa pagtulog ay magkatabi kami. Ewan ko ba sa batang to. Ang sabi niya noon ay hindi niya na gusto katabi dahil malaki na siya tapos biglang sasabihin na tabi na daw kami matulog. Ang mga bata talaga. Magulo.
KINABUKASAN maaga akong nagising sa pagtapik tapik ni Miracle sa mukha ko. Ang batang to. Alam ng natutulog pa ang mama niya.
" Mama gising na. May pasok ka pa sa trabaho at may pasok pa ko sa school." Seryoso nitong sabi. Saka ito dumiretso sa banyo para maligo na. Nagulat ako ng paglabas ko sa kusina ay may luto na. Kaming dalawa lang naman ni Miracle ang naririto kaya malamang ang anak ko nga ang nagluto.
Paglabas nito ng kwarto ay bihis na bihis na at nakaipit na rin ang buhok niya. Dati rati ako pa ang nag-aayos ng buhok niya ngayon kaya niya na ng mag-isa. Ang bilis talaga lumipas ng panahon. Baka isang araw ipakilala na lang nito ang boyfriend niya.
Ako naman ang naligo. Inayos ko talaga ang sarili para presentable akong tignan. Sabay kami ni Miracle kumain. Gaya ng nakasanayan ay tahimik lang kaming dalawa. Walang gustong magsalita o magtanong ng kung ano.
Hinatid ko na ito sa school nila. Humalik muna ito sa pisngi ko. Akala ko nga ay didiretso na ito. Ngunit sumigaw muna ito habang nakatingin sa akin.
" Goodluck Mama. Kaya mo po yan." Ang ibang mga nanay doon ay napapatingin na lang. Ang iba ay inirapan pa ako. Dahil masyado daw akong papampam dahil sa suot ko. Pake ko naman sa kanila? Hindi naman revealing ang suot ko. Pang office nga. Sinabihan pa ko na feelingera.
" Goodmorning kuyang Guard." Bati ko sa Guard ng kompanya. Montero Group of Companies.
" Wait siya ba yung bagong secretary? Imfairness. Maganda siya."
" Saka mukha namang mabait. Okay na yan kaysa dun sa dati na mukhang kulugo."
Dali dali akong pumasok ng elevator. Mas mabuti na yung maaga kaysa late. Nakahinga na ko ng maluwag ng makarating ako sa office ng CEO.
" Goodmorning po Sir. " Bati ko rito.
" Goodmorning too. " Ngiti nitong bati sa akin.
" May dumi po ba sa mukha ko?" Nagtataka kong tanong. Panay kasi ang tingin nito sa mukha ko.
" Ah wala naman. Nagagandahan lang ako sayo." Pabiro nitong sagot. Ang una nitont inuutos sa akin ay ipagtimpla siya ng kape. As usual yun naman talaga.
Pero nagulat ako ng pagbalik ko sa office ay may kausap na ito. At yun pa ang lalaking ayokong makita. Hindi namin inaasahan na makikita namin ang isa't isa. Binigyan ako ni Nathan ng tingin na tila humihingi ito ng tawad sa akin.
" She's your new secretary? Hindi ako makapaniwala na tumatanggap ka na ng basura sa kompanya mo noon." Sabi ni Matthew habang meron itong nang-aasar na ngiti sa labi.
" Shut up dude. She's still your wife." Medyo inis ng sabi ni Nathan sa kaibigan.
" Simula ng iwan niya ko noon hindi ko na siya asawa, Nathan. Ayoko sa mga babaeng manloloko. So watch out dude baka mamaya may mawala dito sa opisina mo. Mali ka ng napiling sekretarya. " Sabi pa ni Matthew. Pinilit kong hindi maapektuhan sa kanyang mga sinasabi.
Kahit na ang totoo ay gusto ng maiyak dahil sa mga naririnig kong salita mula sa kanya. Hindi na talaga ito ang Matthew na kilala ko. Ibang tao na siya. Tuluyang ng nabilog ng demonya niyang ina ang utak niya. Kung ano anong kasinungalingan na ang sinabi sa kanya ng ina niya na pinaniwalaan niya ng ganun ganun na lang.
Nagulat ako ng biglang tumayo si Matthew at saka nito binaling ang tingin sa akin.
" Akala mo ba hindi ko alam ang ginagawa mo? Hindi lang pagiging sekretarya ang habol mo diba? Gusto mong akitin ang kaibigan ko. Para ano? Para sa pera? Tutal diyan ka naman magaling."
" Dude tama na hindi porket naghiwalay na kayo gaganyanin mo na siya. " Sabi ni Nathan.
" Basta binabalaan na kita Nathan. Wag kang magpapaakit sa babaeng yan. Malay natin baka ilang lalaki na ang nakagamit diyan. Concern lang ako sayo dahil kaibigan kita. " Sabi nito sa boss ko bago tuluyang umalis.
" Im sorry Grace hindi ko naman alam na pupunta siya rito. " Sabi ng boss ko sa akin. Pero hindi ito pinansin at lumabas muna ako ng kanyang opisina para pumunta sa powder room. Nilock ko muna ang pintuan. Saka ako humarap sa salamin at doon na lamang napaiyak.