Chapter 3: Ang Pagiging Mabait ng Boss ni Grace sa Kanya

1513 Words
Grace POV " Sabay na tayo maglunch." Yaya sakin ng boss ko. Gustuhin ko mang tumanggi ay di ko magawa siyempre boss ko ito at isa lang naman akong secretary. Malaki ang pasasalamat ko na hindi na bumalik pa si Matthew. Dahil sa susunod talaga hindi ko na hahayaan pa na bastos bastusin niya na lang ako. Pero mukhang mali ata ang desisyon ko na pumayag dahil sa restaurant na napili ng boss ko nandoon din si Matthew at ang asawa nito. Kitang kita ko ang kakaibang tingin ni Matthew sa akin. Ang asawa nito ay hindi pa makapaniwala base pa lang sa mga tingin nito. Agad din niyang ibinaling ang atensyon kay Matthew na nakatingin pa rin sa akin. " Hon let's eat susunduin pa natin si mommy" Sabi pa ng asawa ni Matthew sa kanya. Mabilis nitong tinuon ang atensyon sa asawa at tumango. Samantalang ako ay sumunod na sa boss ko para sa table namin. Medyo nahihiya pa nga ako dahil sigurado akong pangmayaman ang restaurant. Pakiramdam ko ay di ako nababagay sa ganitong lugar. " Sir sa iba na lang kaya." Sabi ko sa boss ko. " Sir? Grabe ka naman Grace para namang magkalayo ang age natin. Nathan na lang." Natatawa nitong sabi. Sinabayan ko na lamang ang tawa nito. Maya maya pa ay may lumapit ng waiter at hiningi nito ang order namin. Ang boss ko na ang umorder para sa akin. Hindi ko rin alam ang mga pagkain dito, baka mamaya kung ano pang maorder ko. Nagulat ako ng biglang lumapit sa amin ng boss ko ang asawa ni Matthew. Kung hindi ako nagkakamali ay Jessica ang pangalan niya. Siya yung gustong gusto ng mama ni Matthew para anak niya. Hindi ko tuloy maiwasan manliit. Damit palang nito. Ang ayos palang niya. Walang wala na ako. " Nathan." Bati nito sa boss ko at nakipagbeso. Pero ng ibinaling na ang tingin sa akin ay mabilis itong umirap. Sigurado naman akong kilala niya na ko. " Jessica, meet my secretary Grace." Pagpapakilala ng boss ko sa akin sa babae. Pasimpleng tumawa ang babae saka binaling ang tingin sa boss ko. " Ofcourse I know she's my Matthew's ex wife." Sabi pa ng babae at pasimpleng humagikgik. " Oh by the way. I just want to say thank to you na pinirmahan mo na ang annulment papers so pwede na kaming magpakasal ni Matthew kaya mabubuo na ang pamilya namin. Tutal iniwan mo naman siya para sa ibang lalaki diba. Pinalaglag mo pa nga ang anak niyo diba." Dahil sa hindi ko na kinaya ay tumayo ako at sinampal ang babae. Hindi ito makapaniwala sa ginawa ko at binigyan ako ng masamang tingin. Agad na lumapit si Matthew at kinamusta ang asawa. Napakasama ng tingin sa akin na parang ako ang nauna at hindi ang asawa niya. Ay hindi pa pala asawa kasi hindi pa sila kasal. " Wala kang karapatan na insultuhin ako at wala kang alam." Sabi ko kay Jessica. Niyaya ko na ang boss ko na umalis na kami. Paalis na sana kami ng may humawak sa braso ko. Si Matthew iyon. " Bitawan mo ko." " Not until you say sorry to Jessica." Sabi ni Matthew nasa likod nito si Jessica na kunyari ay natatakot pa sa akin. " Bakit ako magsosorry sa babaeng yan? Kung tutuusin siya ang una. At kulang pa nga ang isang sampal para sa panlalait niya. " Matapang kong sabi. " Hindi yon panlalait. Nagsasabi lang siya ng totoo." Walang emosyong sabi ni Matthew. Parang sinagasaan ng track ang puso ko dahil doon. " Bitawan mo si Grace dude. Si Jessica ang nauna. Wag mong isisisi sa secretary ko ang lahat. Yang kasama mo ang pagsabihan mo. " Sabi ng boss mo. Wala namang nagawa si Matthew kundi bitawan ako. Ang sakit pala na makita yung taong mahal mo na may mahal ng iba at hinayaan niya lang na lait laitin ka ng kasama niya. Niyaya ko ang boss ko na sa isang simpleng fast food na lang kami kumain. Ang sabi niya naman kunh sinabi ko lang daw agad hindi niya na kami pumunta pa sa restaurant na yon. " Wag kang mag-alala mas maganda ka don." Wala akong imik habang iniintay namin ang order. " Wala kong laban. Mas mayaman yon." Sagot ko na lang. " Yun na ba basehan ngayon? Paano naman ang ugali? Sa totoo lang mas gusto kong kayo pa rin ni Matthew ngayon kaysa naman si Jessica. Ewan ko ba kay Matthew kung bakit niya nagustuhan ang babaeng yon. " " Wag na lang po nating pag-usapan." Mahina itong napatawa at saka tumango. " Ako na po magbabayad nung sa akin. " Sabi ko. " Ako na. Saka magkaibigan naman tayo diba?" Tanong nito sa akin. " Anong magkaibigan? Diba boss lang kita? " Mataray kong tanong. Malakas itong tumawa kaya napatingin sa amin ang ibang customer. " Diba pinagtanggol kita kanina? Saka ayaw mo ba kong maging kaibigan? " Natatawa nitong tanong. " Basta magkaibigan na tayo. Hindi mo lang ako boss kundi kaibigan na rin." Pagpupumilit pa nito. Pagkatapos ay bumalik na rin kami sa kompanya. Ang mga empleyado ay panay ang tingin sa amin. Yung iba nga ay nanjujudge pa ang tingin. Pero ang sabi ng boss ko ay wag na lang daw pansinin na sinunod ko naman. Naging maayos ang isang araw ko sa pagtatrabaho. Pero bigla na lang akong nalingat sa oras. Kailangan ko nga palang sunduin ang anak ko. Dali dali akong sa boss ko. Tinatawag pa nga ako pero di ko na lang ito pinansin. Mas importante ang anak ko baka magtampo na iyon sa akin. Ayaw ko pa namang nagkakamtampuhan kaming mag-ina. Dumiretso na ako sa bahay. Naabutan ko ang anak ko na tulog sa sofa. Siguro napagod sa kakaaral. Kailangan kong magluto ng masarap na ulam para sa hapunan. Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan itong natutulog. " Ma, anong oras na?" Nagulat na lang ako ng may magtanong sa akin. " 8 na." Sagot ko dito. " Ma, bat hindi mo ko nasundo?" " Sorry anak. Promise hindi na mauulit." Paghingi ko ng tawad. " Ayos lang po." Masaya ako na nakikita itong ngumingiti na kahit papaano. " Ma, may problema ba?" Bigla ko kasing naalala si Matthew. Paano ko kaya sasabihin sa anak ko na nakita ko ang papa niya. Na nagkita na kami ng ama niya. " Wala naman. At kung meron man yakang yaka na ni mama yon." Ngiti kong sagot rito. Tumango lamang ang anak ko saka ngumiti. Siya talaga ang milagro sa buhay kapag malungkot ako napapasaya niya ko. Ang anak ko. Ang Miracle ko. Miracle POV Oo gusto ko pong makasama ang papa ko. Gusto ko siyang makita. Pero natatakot akong tanungin kay mama kung nasaan siya. Dahil kapag tinanong ko. Malulungkot lang ang mama ko. Iiyak siya. At ayoko kong mangyari dahil si mama lang ang meron ako. Siya lang yun nandiyan sa tabi ko at mahal na mahal niya ko. Minsan nga naiisip ko kung ano kayang pakiramdam ng merong papa? Yung may papang susundo sayo kapag uwian niyo na sa school yung may kasama kang papa sa father's day at sa iba pang importanteng days. Ayaw ba samin ng papa ko? Ayaw niya ba kaming kasama ni mama? Ayaw niya ba sakin? Hindi niya ba kami mahal? O baka may iba na siyang pamilya. Kaya nakalimutan niya na kami. Gustuhin ko mang tanungin si mama ko pero hindi ko magawang kasi masasaktan lang siya. Iiyak lang siya. Minsan nga nakikita ko siyang nakatingin sa kung saan at basta na lang may tutulong luha sa mga mata niya. Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero di ko magawa dahil malalaman niyang nakikita ko siyang mahina. Alam kong ayaw niyang magmukhang mahina sa harap ko. Sa tuwing birthday ko ang laging wish ko sana makasama na namin ni papa ang papa ko. Sabi kasi nila kapag nagwish ka magkakatotoo yun pero hindi naman kasi hindi naman natutupad yung wish ko. Gusto ko lang naman makasama yung papa ko. Pero bakit hindi pwede? Bakit yung ibang bata nakakasama nila yung papa nila? Bakit ako hindi? Bakit sakin di pwede? Bakit hindi namin nakakasama ni mama ang papa ko? Bakit ganon? Ang daya naman. Ang swerte nga nung ibang bata diyan na kahit hindi ganon kabuti ang papa nila at least nakakasama nila. Kasi ako miski isang beses hindi ko pa nakakasama ang papa ko. Lumaki ako na hindi masyado pinapakita ang emosyon ko sa ibang tao dahil alam ko na kapag pinakita ko sa kanila pwede nila yung gamitin laban sakin. Kaya mas mabuting itago ko na lang. Ayokong asarin nila ko na wala akong papa. Malapit na ko gumraduate ng elementary. Ang hiling ko lang sana na sana kasama ni mama si papa at silang dalawa ang magsasabit sakin ng mga medalya. Pero mukhang malabo iyon mangyari dahol mukhang malabong makasama ko pa ang papa ko. Dahil ayaw niya samin. Ayaw niya samin ni mama. Pero kahit ganon mahal na mahal ko pa rin siya. Sobra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD