Grace POV
Mag-isa ako sa opisina ng boss ko. Ang sabi kasi nito ay may kameeting lang daw siya at babalik din agad hindi ko na daw siya kailangan samahan kaya niya na naman. Mas inuutos lang siya sa akin at yun ay ang imisin ang opisina niya na wala naman masyadong dumi.
Medyo naiilang nga ako kasi sabi nito Nathan na lang daw ang itawag ko sa kanya. Tutal magkaibigan na kami. Pero sabi ko naman para naman atang mali iyon kasi boss ko siya at secretary niya lang ako. At ano na lang din ang iisipin ng ibang tao diba? Baka ano pang isipin nila at ayokong machismis ang boss ko dahil sakin.
Sa pag-aakalang ang boss ko ang dumating ay napangiti ako. Ang bilis niya naman pero ng makita, ibang tao iyon. Oo iba dahil ibang iba na to sa Matthew na nakilala ko. Yung Matthew na nirerespeto ako. Yung Matthew na hindi ako hinusgahan noon. Pero basura na lamang ang tingin sakin ngayon.
" And you're still working here. Tell me anong plano mo. Paiibigin mo din? Tapos huhuthutan mo ng pera? Ganun ka diba?" Natatawang sabi ni Matthew sa akin sabay ngisi.
" Wala po dito si Sir Nathan kung gusto niyo siyang makausap bumalik na lang po kayo." Magalang kong sabi. Tumawa ito ng mahina dahil sa sinabi ko. Na para bang may nakakatawa akong sinabi. Bakit ba siya nagpunta rito? Para maliitin ako ulit? Para sabihin ulit ako ng masasamang salita? Para ipamukha sakin kung gaano ako kawalang kwentang babae? Para saan?
" Tell me, magkano ba? Magkano Grace para layuan mo ang kaibigan ko? Para hindi mo siya maloko katulad ng ginawa sa akin? Magkano?" Bigla akong napipi dahil sa sinabi nito. Ang sakit niya naman niyang magsalita. Ganon na ba ang tingin niya sakin mukhang pera.
" Nagtatrabaho ako ng maayos... " Medyo nautal pa ako sa pagkakasabi noon.
" Nagtatrabaho huh? O baka ang kaibigan ko ang tinatrabaho mo. Bakit? Hindi ka na mapakain ng lalaki mo? Wala na kayong makain? Kaya ang kaibigan ko naman? Dahil gusto mo ulit makaranas ng sarap? Ganun ba?" Dahil nasa harap ko na ito hindi ko napigilan na sampalin si Matthew.
" Wag mo kong pagsalitaan ng ganyan! Dahil wala kang alam! Hindi mo alam ang pinagdaanan ko. Wala kang alam! Saka hiwalay na tayo diba? Ano namang kung landiin ko si Nathan? Kung maging kami? Ano ngayon sayo?" malakas tong natawa dahil sa sinabi ko.
" At umaasa ka pang papatulan ka pa ng kaibigan ko? Kung magugustuhan ka man niya baka sa pangkama ka lang. Hindi niya mamahalin ang isang babaeng katulad mo. Dahil ako? Pinagsisihan kong minahal kita noon! Na pinakasalan kita. Nagsisisi ako na nakilala pa kita. Dahil wala kang kwentang babae. You're a slut and w***e. I wish I never love you. "
Dahil sa sinabi nito ay nasampal ko ito ulit. Pero tila wala lang sa kanya yon. At bigla na lang akong tinalikuran dahil may tumawag sa kanya. At mukhang sinadya niya pa talagang iparinig sakin ang usapan nila.
" Yes hon papunta na ko diyan. Susunduin ko kayo ni mommy." Saka ako nito iniwan. At hindi na ko nilingon pa. Dahil ba sa hiwalay na kami at hindi na ako ang asawa niya pagsasalitaan niya na ko ng ganoon? Na para bang hindi ako naging parte ng buhay niya. Na para bang hindi niya ko minahal miski kaunti lang.
Noong bumalik ang boss ko ay kaagad ako nitong napansin.
" Tell me umiyak ka ba?" Naninigurado nitong tanong. Mabilis akong umiling. Ayokong aminin ang totoo. Dahil kapag sinabi kong umiyak ako. Tatanungin niya naman kung bakit.
" Sinabi sakin ng mga empleyado na pumunta dito si Matthew. Kung ano ano na naman ba ang sinabi niya sayo?" Nag-aalala nitong tanong.
" Wala na naman yun sakin. Sanay na ko." Sabi ko at mapaklang tumawa.
" Hindi ko alam kung paano niya nagagawang sabihin sayo ang mga salitang yon na para bang hindi ikaw ang babaeng minahal niya noon. " Napapailing nitong sabi.
" Hayaan nalang natin siyang maging masaya sa buhay niya ngayon. Baka hindi lang talaga kami ang para sa isa't isa. " Mapait kong sabi. Pinilit ko pang ngumiti kahit na ang totoo ay durog na durog na ang puso ko.
" Sabihin mo lang sakin, Grace. Ilabas mo lang lahat ng sakin na nararamdaman mo. Makikinig ako. " Sabi sakin ng boss ko. Tanging simpleng ngiti na lamang ang isinukli ko rito.
Jessica POV
" Masaya ako na wala ng nararamdaman ang anak ko sa babaeng yon kundi galit. Mahal na mahal niya ang babaeng yon noon. Mabuti nga at nawala na ang pagmamahal na yon." Napangiti ako sa sinabi ng mommy ni Matthew. Gustong gusto niya talaga ko para sa anak niya.
" Masaya din po ako na nagawa na din akong mahalin ni Matthew at ang anak namin. Pero hindi po mangyayari yun kundi dahil sa tulong niyo. I love you so much Tita." Malawak na ngiti ang isinukli nito sa akin.
" Mabuti na lang talaga at nagawa kong bilugin ang utak ng anak ko. Siyempre mahal na mahal ako noon maniniwala yon sa lahat ng sasabihin ko. Wag kang mag-alala Jessica hanggat nandito ko sayo ang anak ko. " Sabi pa ni Tita.
Maya maya pa ay dumating na si Matthew. Mabuti na lang at tapos na kami ni Tita magpaayos.
" Sunduin na natin si Ashley? " Tanong ko kay Matthew. Tumango lang ito. Ang anak namin ay Grade 6 bat half day lang dahil nasa private school at siyempre gawa na din ng pera. Spoiled na spoiled din ito pagdating sa kanyang lola. At mahal na mahal din ni Matthew ang bata.
" Daddy! " Tuwang tuwa ang bata ng makita si Matthew. Sinalubong naman ni Matthew ang yakap ng bata. Napapangiti na lang kami ni Tita Matilda habang pinagmamasdan ang scene. Ang sweet lang kasing tignan.
Pagkatapos yakapin ang daddy niya ay lumapit na sakin ang bata.
" Wow perfect score again."
" Yes mommy. Im perfect again! Ako pa ba." May pagyayabang nitong sabi. Last year niya na as an elementary student. And im so proud of my daughter. Pati si Matthew ay proud na proud din sa anak namin.
" Where do you want to eat? Jollibee? " Pang-aasar ni Tita Matilda sa anak ko. Alam naman niyang ayaw ng bata doon.
" Eww lola ayoko po don. Puro poor people any kumakain doon." Sabi ng anak ko at umirap pa.
" I know. I'm just teasing you Apo. Sabihin mo sa daddy mo kung san mo gusto at doon tayo kakain." Sabi pa ni Tita Matilda sa bata.
Nang makababa kami ng sasakyan ay may lumapit na batang pulubi. Napangiti ako ng sigawan ito ng anak ko.
" Eww lumayo ka nga sa akin. Kadiri ka! Madami kang germs. " Sigaw pa nito sa bata. Binigyan na lang ng pera ni Matthew ang batang pulubi para umalis na.
Nang makapasok kami sa restaurant ay halos mapatingin na sa amin ang lahat ng tao. Malamang inggit na inggit na sila.
" Ashley. " Pagtawag ko sa anak ko. Ngumiti lang ito sa akin. Manang mana talaga ito sa akin. Pati sa kagandahan.
" Apo sabihin mo na lang kung anong gusto mong gift sa graduation mo at bibilin yun ng lola mo para sayo." Sabi ni Tita Matilda sa anak ko.
" Gusto ko na pong ikasal sila mommy at daddy." Dahil doon ay natahimik kami. Lalo na si Matthew wala itong imik.
" Other than that apo. "
" Shoes po bags and other things. I want those expensive brands. Ayoko po sa mga cheap brands." Sabi ko ng anak ko at pasimpleng umirap. Manang mana talaga sakin.
" Kung yan ang gusto mo. Yan ang ibibigay ni lola." Sabi ni Tita Matilda. Spoiled na spoiled talaga ang anak ko sa lola niya.
Nang makauwi na kami sa mansyon ay tahimik pa rin si Matthew kaya noong nasa kwarto na kami ay hindi ko naiwasan na komprontahin ito.
" Mahal mo pa rin ba si Grace? "
" Stop asking some s**t questions, Jessica." Inis nitong sagot sa akin.
" Yung totoo mahal mo pa rin ba siya?"
" Pwede bang wag kang sumigaw naririnig ka ng anak natin." Pakiusap nitong sabi sa akin.
" Sabihin mo kasi sakin. Mahal mo pa rin ba siya? Mahal mo pa rin ba ang walang kwentang babaeng yon?" Naiiyak ko ng tanong.
" I don't, hindi ko na siya mahal. Kayo na ang mahal ko. Mahal na mahal ko kayo ni Ashley. " Saka ito yumakap sa akin. Dahil nakatalikod si Matthew sa pinto. Hindi nito kita ang mommy niya. Samantalang ako ay napangiti na lang kay Tita Matilda.
" Wala na sakin si Grace. She's just a trash to me. Pagkatapos ng ginawa niya sakin noon. Hindi ko na siya mapapatawad pa at magagawang mahalin pa ulit. Kung naramdaman man ako sa kanya ngayon galit na lang yon."