TRAPPED INSIDE THE NOVEL II: TAMING MY HUSBAND TO SURVIVEUpdated at Jan 6, 2026, 08:17
Kiel Sandoval is a carefree 28-year-old single woman who has never been in love. Pero ilang ulit na siyang kinilig sa mga fictional man na nababasa niya sa mga libro. Iyon siguro ang dahilan kung bakit napakataas ng standards niya pagdating sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Hindi niya nararamdaman ang parehong kilig na nararamdaman niya sa mga bidang lalaki na nababasa niya sa libro, kaya naman sa edad na bente otso ay NBSB pa rin siya.Reading books is her escape lalo na kapag stress siya sa trabaho o di kaya ay binubugbog ng kahirapan. Maliban sa pagbabasa ng libro, she also love spending time with her best friend, Lana Villahermosa. They've first known each other during elementary, pero naghiwalay din agad sila dahil palipat-lipat ang trabaho ng papa ni Lana. Muli silang nagkita during high school and became best friends ever since. They celebrate everything together, at lagi din nilang takbuhan ang isa't isa tuwing mayroong problema. So when Lana experience her biggest heartbreak, si Kiel agad ang nilapitan nito. And to make her best friend feel better, inaya ni Kiel si Lana na magroad trip, isang bagay na madalas nilang gawing magkaibigan. Pero hindi alam ng dalawa na ito na pala ang huling road trip nila dahil naaksidente sila at nahulog ang minamaneho nilang sasakyan sa bangin.Pero mukhang pinaglaruan ng tadhana si Kiel kahit sa kamatayan. Paano ay nang magising siya, nasa loob na siya ng kwento ng huling librong binasa niya. Pero hindi tulad sa mga nakasanayan niyang basahin na libro kung saan nakakakilig at nakakainlove ang male lead, napunta si Kiel sa isang nobela kung saan kinamumuhian ng malamig at istriktong male lead ang asawa niya, and if anything can get worst, Kiel became that hated wife of the male lead. Nagising si Kiel bilang si Zoey, the spoiled heiress of the Villaluna family na walang ibang ginawa kundi magbigay ng sakit ng ulo sa mga magulang niya, at higit sa lahat, sa asawa niyang si Declan Kirovsky.Pero paano kung hindi lang si Kiel ang napasok sa libro, kundi pati na rin si Lana? Nagising kasi ito sa katauhan ni Thalia, the stubborn and hot headed heiress of the Melitante family. Double trouble ba ito? Or double dead ang abot ng magbest friend dahil mismong si Lana din ay napunta sa karakter na kinamumuhian din ng asawa niya, walang iba kundi ni Diego Kirovsky, another male lead in the story at ang nakababatang kapatid ni Declan.Will Kiel and Lana survive their new life, lalo pa at mukhang walang magandang ending na naghihintay sa karakter ni Zoey at Thalia sa libro?