Story By ram sirbreath
author-avatar

ram sirbreath

ABOUTquote
Aliping walang kabuluhan at isang manlalakbay. Isinusulat lamang ang mga bagay na naglalaro sa isipan, batay sa mga nasasaksihan sa kapaligiran habang nakikipamuhay pansamantala sa mundong ibabaw.
bc
Halik
Updated at Oct 5, 2021, 08:42
“Bakit kasi ipinanganak ka na Mayaman at Maganda Irene Mae Florendo?” Asik niya sa kanyang repleksyon sa salamin ng kanyang tukador na naglalaman ng sari saring make-up kits, lotion at mga imported na pabango na siya mismo ang endorser. Ngayon ay lalo niyang naramdaman na hindi pala sa lahat ng oras ay masaya ang maging mayaman at maganda. "Saan ako maghahanap ng lalaking magpapangap na asawa ko na hindi ako pagnanasaan at iimbutin ang aming kayamanan? " Paulit ulit na tanong niya sa isipan dahil ilang araw na lang nakatakda na siyang umuwi sa kanila pagkatapos ng limang taong pagkawala niya. Isa siyang dalagang ipinanganak na matatawag na may gintong kutsara sa labi subalit mas pinili nyang mamuhay ng solo at maging isang independent at huwag umasa sa yaman ng kanilang angkan kaya mas pinili niyang lumayo. Dahil sa isang pagkakamali at kasinungalingan, hindi niya sukat akalain na magugulo ang kanyang tahimik na mundo dahil sa isang nagbabagang HALIK na noon niya lamang natikman sa buong buhay niya.. ******** Paano niya itatago ang lihim sa kababatang matagal ng nais ipakasal sa kanya ng kanyang angkan. Ang abogadong si Francis Escriber ang binatang ubod din ng yaman sa kanilang lugar. Makakaya ba niyang saktan ang matalik na kaibigang si Nouer Palomar at lumabag sa kanilang kasunduan dahil lamang sa isang lalaki?. Sino at ano ang pagkatao ng mahiwagang lalaki na nag-iwan sa kanya ng isang halik na hindi niya makalimutan. Ang lalaking kanyang ginamit sa paghabi ng isang kasinugalingan upang makuha ang yaman na nararapat sa kanya? Paano niya tutuklasin ang maitim na balak nito?
like
bc
Love Letter
Updated at Aug 20, 2021, 03:48
Ito ay isang kwento ng inspirasyon ng mga kabataan Kung gaano kasalimoot ang kinakaharap na buhay ng ating mga kabataan sa lipunang kanilang ginagalawan. Pagkaraan ng mahabang panahon nagkaroon ng hindi inaasahang reunion ang apat na magkakabigan na kung bansagan ay Kwadro de Jack. Nagbalik tanaw sila sa mga kalokohan nila during highschool time. Masayang napag-usapan nila kung paano umikot ang kanilang mundo sa iisang babaeng iniirog nilang apat na lalo pang nagpatatag sa kanilang samahan. Ang babaeng naging inspirasyon nila na nagpabago ng kani-kanilang pananaw at nagbigay dereksyon bilang mga kabataang walang paki-alam sa mundo. Ang tanong nasaan na kaya ang babaing iyon?
like
bc
BLIND DATE
Updated at Aug 17, 2021, 12:11
Paano mo paibigin ang lihim mong minamahal kung ang karibal mo mismo ay ang sarili mo? Isang pag -ibigang pinaglaruan ng tadhana. Mahal kita pero mahal mo siya. Mahal ko siya pero mahal din kita. Mahal mo siya pero mas mahal kita. Mahal kita dahil mahal mo siya. Ah ewan! bahala kayo basta ang mahalaga nagmamahalan. kung naguguluhan pa rin kayo abangan nyo na lang.
like
bc
Sinner or Saint
Updated at Aug 17, 2021, 09:38
PAUNAWA! BAWAL NA BAWAL BASAHIN NG MENOR DE EDAD AT MAKIKITID ANG ISIP. MAY MGA SALITA ITONG HINDI ANGKOP SA MGA BATA ANG ISIP. Ito ay isa lamang maiksing kwento na maaring nangyari sayo sa kanya at sa kanila. Bago mo husgahan ang iyong kapwa alamin mo muna ang kanyang buong pagkatao. Dahil hindi lahat ng gumagawa ng kawalanghiyaan ay ginusto niya bagkus may mga baga'y na kahit ang hindi natin gustong gawin ay pikit mata nating ginagawa dahil sa mabigat na kadahilanan. Katulad rin ng maiksing kwentong ito bago mo sabihing malaswa at panget ay basahin mo muna ng buo upang malaman mo kung bakit nagwagi ito sa isang patimpalak noong taong dalawampu at labing tatlo.
like