bc

Love Letter

book_age12+
11
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
second chance
goodgirl
confident
inspirational
comedy
twisted
sweet
lighthearted
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Ito ay isang kwento ng inspirasyon ng mga kabataan

Kung gaano kasalimoot ang kinakaharap na buhay ng ating mga kabataan sa lipunang kanilang ginagalawan.

Pagkaraan ng mahabang panahon nagkaroon ng hindi inaasahang reunion ang apat na magkakabigan na kung bansagan ay Kwadro de Jack.

Nagbalik tanaw sila sa mga kalokohan nila during highschool time.

Masayang napag-usapan nila kung paano umikot ang kanilang mundo sa iisang babaeng iniirog nilang apat na lalo pang nagpatatag sa kanilang samahan.

Ang babaeng naging inspirasyon nila na nagpabago ng kani-kanilang pananaw at nagbigay dereksyon bilang mga kabataang walang paki-alam sa mundo.

Ang tanong nasaan na kaya ang babaing iyon?

chap-preview
Free preview
Unang Patikim
Masarap himiga sa duyang nakalambitin sa pagitan ng dalawang puno at magbalik-tanaw sa nakaraan sa ilalim ng mga lilim nito, lalo na at ganitong hapon matapos kumain ng pananghalian kanina kasabay ang aking maybahay at ang dalawa kong anak na kapwa elementary grader pa lang. Ang panganay na si Marnelle  ay nasa unang baitang  na at ang bunso kong si Daniel ay kasalukuyang nagpapasaway sa maestra sa kindergarten. “Tama na yong dalawa.” Sabi ko sa aking mahal na kabiyak. “Ayaw ko kasing nakikitang nahihirapan ka pang manganak, at saka mabuti na yong kakaunti ang anak para mapalaki natin sila ng maayos.” Agaw tulog na ako nang mapalingon  ako sa bandang kusina ng aking hindi naman kaliitang bahay ng marinig ko ang sunod-sunod na putak ng aking dumalagang manok alam ko nagluwal na naman ito ng isang malusog na itlog,   Paantok ulit, aba’y dyaskeng aso ari ay namimigat na ang talukap ng aking mata at handa ng ipikit sana ng dilaan ako sa talampakan. “Sweeee!  Hayoooo! loko kang aso ka kung kelang namamahinga ang tao saka mo iistorbuhin.” Palatak ko. Mabilis tumakbo ang ang gago hindi ko tinamaan, alam  nyang babalibagin ko sya marahil kaya’t ng makitang dinampot ko ang kabiyak na tsinelas  upang ibalibag sa kanya ay mabilis pa sa alas kwatrong kumaripas ng takbo si loko.   Bumalik ako sa pagkakaunat ng higa sa uugoy-ugoy na duyan.   Weeh! ang daming storbo kakabalatay ko pa lang isang ibon naman ang tila nagbagsak ng vintage bomb sa aking kanang balikat, sabooggg. Swerte pa rin at hindi sa bunganga ko pumatak ang bwesit na ipot na ito, pakunswelo ko na lang sa sarili. Naisip ko ayos na rin naman ang buhay ko dito bagamat wala akong magarang bahay kundi isang bahay na yari sa mga nilagari ng manipis  at pinagtagni-tagning kahoy bundok na binubungan ng kugon at masasabi kong mapalad pa rin ako dahil akin ito at hindi ako nakikitira kung kani-kanino lalo na sa mga beyenan ko.   Naalala ko pa na nagtalo pa kami ng aking maybahay tantiya koy mga walong taon na ang nakakalipas bago pa lang kaming ikasal noon.Gusto ko yero sana para bihirang magpalit at hindi ka kakaba-kaba na magising ka isang araw eh nag-aapoy na, ay pihadong tupok ari kapag nagkataon. Huwag naman sanang loobin ng Diyos ang pakiwari ko. Kaya ang aming arawang anluwagi na si ka Isko sampo ng kangyang tauhan ay halos makalbo sa kakamot sa ulo dahil nga bago matapos ang aming pugad ay laging may diskusyon ang gusto ko ay ayaw ng aking ilaw ng tahanan, kaya’t suliras at parlina pa lamang na takiran ng bubong ay dusa ng mainam marahil ay dala ng ipinaglilihi niya na pala ang panganay ko na huli na ng ipabatid niya sa akin.   Suma total alam n’yo na nanaig pa rin ang kagustuhan ng asawa ko na kugon dahil malamig daw sa pakiramdam .Oo nga naman nakuha ko rin ang punto niya. Aba! eh kahit tanghaling tapat nga kami maglampungan ay siguradong hindi pagpapawisan.   May isang metro ang taas ng koncretong palibot bago itinuloy na sa mga tinabas na tabla ang dingding nito pataas, madali kasing mabubulok kung isasagad ko sa ibaba na kahoy rin. At ang kalahating pasunggab naman ang  kinalalagyan ng mga silid namin, Naka angat ito ng may isang metro din sa lupa na sinahigan naman ng tinilad na kawayan. May silong na lagayan ko ng araro, suyod,singkaw ng kalabaw at dito rin matatagpuan  ang ilang mga pugad na yari sa hinabing dahon ng niyog na itlugan ng ilang inahin kong manok. Paboritong pahingahan narin ito ng ligaw kong mag-anak na baboy.   Sa simpleng bahay na ito namin inasimbol ang dalawa naming masayahing mga supling. Kahit masasabi ang una'y kalahati na laang yata ang aking pinaghirapang idagdag pa nagsubi na kasi ako sa kanyang sinapupunan sa mga upahang kwarto sa Maynila. Sabi-sabi ng matatanda ay buo na ang katawan kaya’t paa at kamay na lamang ang aking inasintang ilapat.   Simple lang ang naging buhay namin mula ng kami’y magsama sariwang gulay at isda ang madalas pangtawid-gutom. Kung makatikim man ng karne ay kapag naiimbitahan lamang kami sa mga handaan, Ang bigas naman ay sarili ko na ring ani galing sa aking isang ektaryang palayan .   Pwede kong ipangalandakan sa mundo at sabihing “Napaswerte ko sa pagkakaroon ng isang kabiyak na masasabi kong bigay sakin ng Diyos”, kuntento na kami kung ano man ang mayroon, siguro yon ang naging common dinaminator naming mag asawa, ang pagiging payak kong mamuhay.   Siya nga pala biniyayaan din ako ng isang tricyle na  pinanalunan ko sa raffle noong pyesta ng barangay. Ito ngayon ang pang hatid sundo ko kay Misis sa eskwelahang pinapasukan niya na hindi naman kalayuan sa lugar din namin. Mayroon din akong isang kalabaw na katulong ko sa bukid na minana ko sa nasira kong ama.  Dapat sanay sa kapatid kong bunso ibibigay ang isang ektaryang lupang ito sa Laguna subalit mas pinili pa niya ang lumang bahay namin sa Muntinlupa na pag-ari pa ng aming mga Lolo na ipinamana sa aking ina.   Mayroon din akong mga alagang baboy na pambenta isali ko na ang mga biik ng aking inahing napakasipag manganak, mahilig kasing magpabulog kaya’t mayat maya e buntis. May gulayan din ako sa likod bahay, sobra pa ang ibinubunga nito dahil madalas ay tuwa ang mga kapitbahay namin dahil hindi naman ako maramot lagi silang may ambos kapag namuti ako. Gaano nng ipamigay ang isang upo o kalabasa, kung gusto mo ng talbos ng kamote abay kuha, wanto sawa wag mo lang hablutin kasama ang ugat.  Anupa’t masasabi kong hindi ko ginugutom  ang aking pamilya, Iyon nga lang highschool lang ang natapos ko. Hindi gaya ni misis na pinag-aral ng magulang hangang makatapos ng kolehiyo kahit nakapag deposito na ako.   “Beep, beep,” ito pa ang isang storbo. Sino kaya ang binubusinahan ng mga tarantadong ito sa ganitong hapon hindi kaya nila alam na karamihan sa mga nakatira dito ay nagsi-siesta..   “Beep, beep, beep, putcha! sa tapat pa ng bakuran ko” bumalikwas ako sa pagkakahiga ngitngit na sinilip ang kinahihimpilan ng sasakyang kumakabila sa bakod na  kawayang pina gapangan ko sa mga sitaw at upo.   Napansin ko sa naka-awang na bintana  ang driver  nito na palinga-linga. Kulay itim ang pajero kasing itim ng driver, este ng salaming suot ng lalaki. Napangiti ito ng mahagip niya ng tingin ang  mukha kong  nakapagitan sa tarangkahang kawayan. “Kilala ba ako ng tarantadong ito?” Tanong ko sa sarili habang sinipat ko siya ng mabuti .   “Anak ng pitong kuba, Pimentel!” Naisigaw kong bigla habang papalabas sa aking lunga ng mahitsurahan ko siya. Nilapitan ko ang sasakyang nakaparada sa kabilang ibayo ng kalsada. ‘Kumusta ka nang kologo ka? Ka chat lang kita sa f******k  last week ah, tinotoo mo nga na sasadyain ako dito ha, Hindi ka ba nahirapang hanapin ang tarima ko?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.   “Madali lang hanapin basta sigurado ang pakay, kilalang-kilala ka pala dito sa lugar niyo ikaw ba ang barangay Kapitan dito?” Nakangisi niyang sagot sa akin.   “Ugok! Kahit nga barangay tanod hindi ako sumali Barangay Kapitan pa kaya? Bumaba ka na diyan at dini tayo sa loob ng aking bakuran magbulahan.”   “Hoy tukmol, kumusta! Sigaw ng isang lalaking nakasalamin din, hindi ko namalayan ang biglang pagbukas ng tented na bintana sa likurang bahagi ng nagmamaneho.   “Dyasking Morales kamote ito, kasama rin pala.” Palatak ko ng balingan ko siya ng tingin.   “Surpriseee!” Sigaw naman ng isa pang ulong biglang sumulpot na naman sa bintana, nakasalamin ito na de grado.   ”Wahhh! kumpleto na naman ang kwadro de Jack.” Sigaw kong labis ang kasiyahan.  “Mendozang kologong henyo bumaba na kayo dito isa-isa lang at hindi ko kayo aatrasang tatlo” umasta akong makikipag boxing sumuntok ng kaliwat kanan sa hangin.   Napabunghalit ng tawa ang driver, “kailan ka pa naging palaaway?” singit ni Premier Pimentel habang bumababa sa driver seat bumaba na rin ang dalawang ugok na kasama niya na nasa likurang bahagi na animo’y mga amo. Biglang patakbong sumugod si Flakes Morales at akmang bibigwasan ako ng isa sa panga pero ng malapit na ibinuka ang mga kamay “Huli ka balbon, na mis ka namin Manong” Parang batang yumakap ito sa akin at isinubsob pa ang mukha sa aking dibdib. Isa-isang naglapitan ang mga ito  at niyakap ako ng mga buhong.”Kuyaaaa!’ sigaw pa ni Janrae na aakal mo’y namatayan.   “Mga kuyakoy kayo” banat ko ng kumalas ako sa kanila.   Porket ako ang pinakamatanda sa grupo Kuya ang nakasanayang itawag nila sakin kahit magkaka-eskwela kami mula first year hangang makatapos ng highschool, na istak kasi ako nang isang taon bago mag first year.   ==== “Ano ga ang atin at bakit nilusob niyo ako dito?” Pasuplado kong tanong  pagkatapos kong maibaba sa harapan nila ang isang case ng malamig na San Miguel beer at isang balot na mani na binili ko sa tindahan ni aling Iska. “Ayaw yatang dalawin natin si kuya umuwi na nga tayo”Narinig kong sagot ni Flakes na parang nagtatampo pero hindi ko na pinagpapansin.   “Tungkol ba doon sa napag-usapan natin na gusto ka naming isali ka sa grupo.” Wika ni Premier. Habang ang dalawang kolokoy na si Flakes at Janrae ay nagpapasikatan sa pagbubukas ng beer gamit ang ngipin.   “Grupo?” Nagtataka kong sagot   “Yong pinag-usapan natin last week sa facebook.” Pagbibigay dagdag inpormasyon ni Premier upang maalala ko.   “Ay yon ba, biruan lang yon seneryoso n’yo naman.” Baling ko sa kanya habang pinupunasan ko ang bunganga ng bote na iniabot sa akin ni Janrae gamit ang laylayan ng aking damit. “Hindi nga! Walang biro tol, mahusay kang magsulat kaya alam namin na mapapakinabangan ka ng grupo.” Ani Premier na disidido talaga akong mapapayag sa gusto nila. “ Retero na ako diyan tol malamang kinakalawang na ako. During highschool day’s lang natin ako mahilig gumawa ng makabagbag damdaming  love letter  inspired eh.” Wika ko na sinundan ko ng ngiti at kinindatan ko ang dalawang koloko’y na tumutunga na rin ng malamig na inumin.   “Kaya nga po pinuntahan ka namin Mister Crisostomo Ibarra. Kikita tayo sa pagsusulat ayaw mo ba nang extra income? Nataon kasing nag click ang pages nitong si Premier andaming reader's,  sSyang naman kung itatago mo na lang yang talento mo.” Dagdag panghihikayat ni Flakes.   “Kailangan ka nga grupo kuya sige na naman, Please!”Singit naman ni Janrae na animo’y naglalambing.   “Tama na nga yan, hindi ko kailangan ang extra income, hmm pero sige pag-iisipan ko. Maiba tayo, aba’y humigit kumulang isang dekada rin tayong hindi nagpangi-pangita iyan pa ang isasalubong ninyo sa akin, kumustahan blues naman tayo.” Pag-iiba ko ng paksa.   “Kumusta ka na Janrae?” Baling ko sa gawing kanan.   “Sikat na Editor in Chief  na yan pare sa isang pahayagan sa Baguio.” Si Premier ang sumagot. “Wow! Hanep naman si boy henyo, sabi ko na at mapapakinabangan mo yang kalokohan mo sa mga animated stories, dyaryong pambata ba yan”.dagdag kong kantyaw sa lalaking mas kumapal pa ang salamin keysa noong highshool day’s namin.   “Information Technology Graduate ako pre bukod sa pagsusulat graphic artist  din ako.” Dagdag nito.   “Kumusta naman ang kita?”   “Well as of now, ayos naman.”   “Musta pamilya, ilan na beybe mo?” Sunod kong tanong.   “Yon ang masaklap, walangdyo! Mukhang  ayaw na yatang bumaba ni kumaring Isabela sa eroplano” singit ni Flakes.    ”Flight attendant  ba ang Mrs mo? Muli kong tanong kay Janrae.   “Yup, Laging malayo kami sa isat isa.” Malungkot nitong sagot.   "Ah ganun ba", Iba naman ang hinarap ko baka magkaiyakan na kami eh. “kaw naman kamoteng flakes?”   “Pare, pwede bang si Premier muna ang inbistigahan mo? Siya  naman ang leader ng grupo.” Sansala ni Flakes sa aking tanong. ”Nasa Canada ang Misis niyang si Kassandra pre. Baka mabalitaan na lang natin na prinotesta na yan ng asawa.” Paliwanag naman ni Premier tungkol kay Flakes.   “Baka pinitisyon.” Napabunghalit kami ng tawa sa pagtatama ni Janrae kay Premier.   “Ikaw pare kumusta ang buhay mo?” Seryoso kong baling kay Premier.   “Ito namumulot na lang ng pera.  Nasa Italy si Misis ako nasa bahay lang nag-aalaga ng mga bata. Ayaw ko na nga minsang tangapin ang padala niya. Sobra-sobra na nga yata ang pera namin sa kota ng bangko.” Mayabang na pahayag ni Premier pero alam ko naman na asensado na ito dahil magara ang kanyang sasakyang nakaparada sa gilid ng aking bahay.   ”kakaingit naman kayo.” Nakangiti kong wika masaya ako sa mga naging buhay ng aking mga kaibigan at lahat sila ay pawang umasenso. Pero sa kabila noon ramdam ko ang kanilang mga pangungulila sa mga kabiyak.   “Ikaw pre kumusta naman ang buhay-buhay natin?” Balik na tanong sakin ni Premier.   “Tama lang nakakaraos din naman kahit heto mahirap pa rin. May dalawa na akong anak kasama ni Misis sa school dahil parehong nag-aral na kaya mag-isa ako ngayon dito sa bahay.  Mabuti kayo mga nakapag-aral, samantalang ako huling apak ko ng eskwelahan noong magkakasama pa tayo. Ganun yata talaga ang buhay malas ako sa career isang maglulupa lang ang binagsakan ko” Seryosong pahayag ko sa kanila.   “Okey lang yan pare ang mahalaga tuloy ang buhay huwag ka ng malungkot". Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Premier sa balikat ko na para bang inaalo ako.   “ Can we toossss?” Sigaw na tanong ni Flakes na para bang gustong ibahin ang paksa ng usapan dahil baka magkaiyakan pa kaming apat.   “Okey kampay.” Sigaw naman ng mahilig sa hapong charakter na si Janrae.   Matapos ang tagiktikan ng nag-umpugang mga bote sabay-sabay kaming tumunga ng serbesa   “Pare naalala nyo ba Si Mia Jane?”pag-iiba ng usapan  ni Premier   “Sino yon?”  kunwari kong tanong.   ”Tarantado kunwari ka pang hindi mo kilala ang crush ng bayan at kaisa-isang prinsesa natin.” pagtutungayaw nito.   Nagkatawanan kaming apat.   Nagbalik sa ala-ala namin sino nga ba si Mia Jane? Ang babaing lalong nagpatibay ng aming samahan at nagpatatag ng aming grupo. Siya ang nagbigay ng Inspirasyon sa aming apat upang ang mga dating pasaway na mga kabataan at sakit ng ulo ng aming mga maestra ay maging dangal ng mga magulang sa banding huli.   Kung hindi siguro namin siya nakilala baka pariwara na kaming apat na Kwadro de Jack kung bansagan sa eskwelahan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rewrite The Stars

read
95.3K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
240.1K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
67.0K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook