Liwanag sa Dilim ng Pag-ibigUpdated at Apr 22, 2024, 09:18
Dahil likas na sutil, lumayas si Mariela sa buhay ng mga magulang para hindi matuloy ang sariling kasal sa lalaking nadiskubre niyang hindi niya pala mahal. Kahit takot siya sa Tiya Tina niya, roon sya nagtago dahil alam niyang iyon ang huling lugar na iisipin ng ama't ina na pupuntahan niya.
Sa lugar na iyon na malayo sa kabihasnan, naranasan niyang maarawan, magtrabaho, pawisan at madisiplina. It was as if she just had a new life. She was learning things that were new to her at unti-unti na niya itong ini-enjoy. Lalo pa nang makilala at napalapit siya kay Iscaleon Torrevilla, ang gwapong probinsiyano.
Pero mukhang hindi lahat ng bagay ay ganoon kadali lang matutunan-because she was learning matters about love the hard and heartbreaking way!