Kabanata 1
“Ulitin mo nga ang sinabi mo, Mariela?”
Nagulantang na bulyaw ni Roland, ang ama ni Mariela. Halos mapatid nito ang mga litid nito sa leeg dahil sa ibinalita niya.
“I said i’ve change my mind. Ayoko nang magpakasal kay Daniel,” kaswal na tugon niya na para bang umayaw lamang sa isang piraso ng candy.
Nanlaki ang mga mata nito. “What! No, Mariela, you can’t do this!” muling singhal nito.
“Pa,” palatak ni Mariela, “you’re overreacting! Hindi ba mas okay nga iyon? Habang maaga, na-realize ko na hindi ko pala siya mahal!”
Namumula na ito sa galit nang ibinagsak nito sa pinggan ang kubyertos na hawak.
“Na-realize mo nang maaga?” Napatayo ito pagkatapos idiin ang huling salita. “Goodness, Mariela! Everything has been set already! Araw nalang ng kasal ninyo ang hinihintay ng lahat! Naipamigay na rin ang mga invitations!”
“Roland, please…” Pakiusap ni Maureen nang makita ang hitsura ng aswa na halos ma-high blood dahil sa anak.
“Pa, what do you want me to do? Magpakasal sa kanya pagkatapos ano? Para pagsisihan ko lang habambuhay?” depensa ng dalaga.
Pinalo no Roland ang mesa na ikinapatda ng dalawang kaharap. “Talaga bang sagad sa balat ang kasutilan mo, Mariela?’
“Anak, ano nalang ang sasabihin sa atin ng pamliya ni Daniel? Nakakahiya pati na rin sa mga imbitado,” sabi ng kanyang ina.
“Kaya nga ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa inyo para hindi nakakahiya kung tatanggihan ko sa mismong harap ng altar si Daniel,” pangangatuwiran niya.
“Aba’t…! Talagang ginagalit mo ako!” Akmang sasampalin siya ng ama nang pigilan ni Maureen ang kamay nito.
Napapailing na parang bale-wala na ibinaling ni Mariela ang pansin sa pagkain.
“Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa anak mo, Maureen! Kung puwede lang na isama sa mga mongha iyan, matagal ko nang ginawa! Beinte-uno na, napaka-iresponsable pa at ang kitid ng utak!” sigaw ni Roland. Parang sumisikip ang dining area sa taginting ng boses nito.
“Roland, pabayaan nalang natin si Mariela. Wala tayong magagawa kung hindi na niya mahal si Daniel,” pakiusap ng esposa.
Umigkas ang isang kamay nito. “Kaya naging spoiled iyan dahil sa kakukunsinti mo! Tingnan mo ngayon, tayo ang nahihirapan.”
Sa loob ng unang tatlong taong pagsasama ng mag-asawa, hindi pinalad na magkaanak ang mga ito: Kaya nang dumating si Mariela sa buhay nina Maureen at Roland, pinagbigyan ng mga ito kahit ang pinakamaliit na kapritso ng anak. Lumipas ang maraming taon hanggang dumating sa puntong wala nang pinakikinggan si Mariela.
Pinukol ng masamang tingin ni Roland ang dalaga. “Hindi isang laro ang pag-aasawa, Mariela! Huwag mong ilagay sa kahihiyan ang pamilya natin!”
Nagbuntong-hiniga siya. “Kaya ko nga ginawa ito, Pa, para iiwas kayo sa kahihiyan pero hindi Ninyo ako maintindihan!”
Halos umusok ang bumbunan nito sa galit nang sabihin niya iyon.
“Sa halip kasi na negosyo natin ang pinag-aaralan mo, puro pambubulakbol ang inaatupag mo! Pagkatapos, bigla kang susulpot dito at sasabiin mong nakipagsundo ka ng kasal sa isang lalaking kahit minsan ay hindi umakyat ng ligaw dito sa bahay!”
Napangiwi ang mukha niya sa inis.
“Eh, malay ko ba na infatuation lang ang naramdaman ko sa kanya? Saka hindi ba dapat matuwa kayo dahil umurong baa ko sa kasal?”
“Infatuation is a thing for teenagers! Ang sabihin mo, you’re irresponsibly impulsive with your action! Alam mo ba ang pinasok mo? Commitment, Mariela! A lifetime commitment! Pagkatapos ngayon ay bigla kang magbabago ng desisyon na parang isang bagay lang na puwedeng ayawan kapag nagsawa ka na?”
Umikot ang mga mata ni Mariela na parang kaedad lamang niya ang kausap.
”I know, I know! Kaya nga ako umaatras because I’ve just realized that I’m not ready for that stupid kind of thing!”
Napaupo si Roland sa silyang inupuan kanina. Naisabunot nito ang mga daliri sa buhok dahil sa katuwiran ng anak.
"And now you call it stupid?"
“And what am I going to call it? A blessing?”
“Huwag kang pilosopo!”
“I’m not! You’rebthe one pushing me to be cynical!”
“Stop it, Mariela!”
“Okay!” lukot ang mukha na tugon niya.
Natahimik ang matandang lalaki. At nang mag-angat ng ulo, sinipat nito ng masamang tingin ang asawa. “Hindi ko alam kung kanino nagmana ng ugali ang batang iyan.”
“Huwag mo akong tingnan nang ganyan, Roland! Nahaluan din ng dugo mo si Mariela.” Napikon na depensa ng ginang.
“Sino ba ang nag-spoil diyan?” buwelta ng lalaki.
Nagkasalubong ang mga kilay ni Maureen.
“Aba, huwag mong isisi sa akin lahat kung bakit nagkaganyan iyang anak mo! Malaki rin ang kinalaman mo kaya tumigas ang ulo niyan!” ganting sabi nito.
Muling natahimik ang kaniyang ama. Samdaling nagging blangko ang paningin nito, tila nag-iisip ng malalim.
“Gusto kong makausap si Daniel at ang mga magulang niya,” pagkuwan ay saad nito nang makaapuhap ng desisyon.
May pag-aalala sa mukha ni Mariel nang sabhin nito iyon. “Pero, Pa, ayaw ko na siyang makita! Siguradong hindi sila papayag na hindi matuloy ang kasal!” aniya.
“Expect the worst, Mariela! Hindi simpleng bagay ang ipapakiusap natin sa kanila. After all the time and effort, they worked out to make the wedding well-planned, sasabihin nating hindi na matutuloy dahil ayaw mo na! Sa tingin mo ba, madaling sabihin iyon?”
“Pero-“
“Hindi ko kayang maging bastos, Mariela, at basta na lang tatalikuran ang isang bagay na napakaimportante sa ibang tao! Kaya bukas na bukas din ay tawagan mo si Daniel. Sabihin mong isama niya ang kanyang mga magulang pagpunta rito, maliwanag?” matigas ang boses na utos nito.
Padaskol na binitawan niya ang kubyertos na hawak at padabog na lumabas ng dining room.
“Mariela! Bumalik ka rito!” Halos maputol ang hininga ni Roland sa pagsigaw niyon. Ngunit parang wala siyang narinig.
Kinabukasan, patakas na nilisan ni Mariela ang bahay nila. Hikab siya nang hikab habang mabilis na minamaneho ang kanyang blue violet Hyundai Accent nang umagang iyon patungong Nueva Ecija, ang bayan na kinalakhan ng ama niya.
Nag-aalinlangan man, iyon ang alam niyang paraan upang takasan si Daniel. Sa katulad niyang sanay sa buhay sa siyudad at tadtad ng kapilyahan ang utak, hindi madali para sa kaniya ang manatili sa bahay ng kaniyang Tiya Tina, ang nakababatang kapatid ng ama.
Bata pa lang siya, ayaw na niyang makikita kahit ang anino ng tiyahin. Takot na takot siya rito at ang iba pa niyang mga pinsan.
Matandang dalaga kasi ito at sobrang istrikta. Daig pa nga yata nito ang robot dahil sa de-numerong kilos.
Pati mga gawaing bahay ay inoorasan nito na kapag hindi iyon natapos sa eksaktong oras ay nagtatatalak na ito. Tuloy, walanag makatagal na kasambahay sa tiyahin.
Mag-a-alas-diez na ng umaga nang marating niya ang bayan ng San Isidro. Napakatahimik doon, mayroon pa palang lugar na ganito.
Suddenly, a fine tap of the cool wind on her shoulders made her feel somewhat at home.
Ilang sandal lamang ay naroon na siya sa tapat ng bahay ni Tiya Tina. It was an old up-and-down house na isang larawan mg payak at tahimik na pamumuhay.
Sinipat niya iyon at hindi niya napigilan na mapabuntong-hininga. Naroon pa rin ang pamilyar na takot sa dibdib niya na malimit niyang maramdaman noon.
Bigla niyang naalala ang Diyos nang mga sandalling iyon. Ano ba talaga ang kailangan niyang ipagdasa-ang makatagal siya rito o ang tiyahin ang makatagal sa ugali niya?
Whatever, napailing na sabi ng utak niya.
Pinatay niya ang makina ng sasakyan at umibis mula roon. Sa laki ng trangkahan niyon, imposibleng , marinig kaagad sa loob ang katok niya kaya inapuhap niya ang makalumang doorbell sa gilid ng pader ayon sa pagkakatanda niya.
Natatabunan na pala iyon ng malalagong halaman. Pinindot niya oyon nang sunod-sunod.
Habang naghihintay, muli niyang binigyang pansin ang kabuuan ng bahay mula sa labas. Maraming bagay ang pumasok sa isip niya; bahay-ampunan, kumbento, piitan.
Hindi yata niya kayang tumira roon kahit isang saglit. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. Marami ngang puno at halaman sa paligid niyon, ngunit parang hindi nakakapasok ang sariwang hangin.
Marahi kung nagkataong isa siyang takas na kriminal mula sa bilangguan, maaari pa.
Sa katunayan, puwede rin iyong pagtaguan ng mga taong hinahabol ng mga pinagkakautangan o kaya ay pagkublihan ng mga babaeng saw isa pag-ibig at sumumpang hindi na muling magmamahal hanggang kamatayan.
Umandar ang pagiging pilya ni Mariela. Brokenhearted kaya si Tiya Tina kaya galit sa mundo?
Naputol lamang ang mga iniisip niya nang marinig niyang may nagtatanggal ng padlock sa tarangkahan.
Napatunganga siya nang bumungad si Tina. Tinuka yata ng langkay-langkay na uwak ang puso niya nang makita ito. Napahawak siya sa dibdib. Kahit pala ilang taon na siyang hindi naligaw sa lugar na iyon, hondi pa rin nagbabago ang epekto ng presence nito sa kanya.
“M-mano po, Tiya Tina.” Napilipit ang kaniyang dila nang abutin niya ang kamay nito.
Hindi siya kaagad tinugon nito. Pinagmasdan lamang siya nito mula ulo hanggang paa.
Napalunok siya. Pakiramdam niya ay nalaglag ang panga niya sa talampakan dahil sa ginawa nito.
“Hindi ko inaasahan ang pagdating mo. Anong hangin ang nataboy sa’yo rito?” walang kangiti-ngiting sabi nito, sabay talikod. “Pumasok ka.”
Sumunod siya rito, hila ang traveling bag. Astig talaga.
Hindi niya napigilangng mag-isip nang gayon dahil sa reaksyon nito nang makita siya.