Completed/PTR Stories
💜Begging for his Love
💜My Wife is my Brother\'s Wife
💜Beautiful Mistake
*Cougar Series
💜Week of Temptation
💜Sinful Love
💜List Ride
Free and Completed Stories
💜Confidently Beautiful
💜My Wife is my Father\'s Mistress
💜Hate to Love you (B1)
Mamahalin niya kaya ako kung inumpisahan ko ang lahat sa isang pagkakamali?
Mamahalin niya kaya ako kung ang mga taong iningatan at minahal niya ay sinaktan ko?
Ako si Alea, ang taong..
Kamumuhian mo..
Isusumpa mo..
Pero bago mo ako husgaan...
Basahin mo muna ang kuwento ng buhay ko..
Kung bakit naging MAKASARILI ang pag-ibig na meron ako..
"Marry me. Kung ginagamit ka ni papa para sa sariling kapakanan nito, then gamitin mo rin ako. Ipinapangako kong gagawin ko ang lahat. Gagawin ko ang lahat para matutunan mo akong mahalin,"umiiyak na pakiusap ni Lalaine kay Adrian. Hawak ang lalaki sa kamay at nagsusumamong huwag siyang iiwanan.
"Pareho lang kayong mag-ama, makasarili. Hindi nabibili ang pagmamahal Lalaine. Kusang nararamdaman ito. Hindi ipinipilit, hindi idinidikta ng isip!" mariing sambit naman ni Adrian sa dalaga. Pilit inalis ang kamay nito sa kanyang braso at naglakad palayo.
Hindi nga ba kayang magmahal ng puso sa taong ipinagpipilitan ang sarili para mahalin ito?
Hanggang kailan naman magpapakatanga ang puso sa taong hindi ka naman kayang mahalin ng buo?
Si Lalaine simula't sapol minahal na si Adrian. Pikit matang minahal niya ang lalaki kahit harap-harapan na siya nitong sinasaktan. Nagbibingihan at nagbubulagan siya.
Si Adrian, hindi niya ba kayang mahalin ang isang Lalaine na walang ginawa kundi ang mahalin siya, na pati sarili ng babae ay kinalimutang mahalin para lamang sa kanya.
Pagmamahal bang matatawag ang isang pagsasama? Kung ang lahat ay nag-umpisa sa pagmamanipula ng iba.
Sampong taong gulang lamang si Lorenzo nang mahagip ng mga mata niya si Luna, labing walong taong gulang sa kanilang pamamahay. Dinala ito ng kanyang ama sa kuwarto nila, nataong wala ang kanyang ina at nasa conference sa Maynila.
Musmos man, alam ni Lorenzo na may mali. Alam niyang may ginagawang hindi maganda ang kanyang ama na isa pa naman guro sa kolehiyo.
Hanggang sa naging maugong ang mga ispekulasyon at eskandalong kinasasangkutan ng kanyang ama. At ang nagsiwalat? Ang babaeng kasama nito, si Luna.
Hindi naging madali kay Lorenzo ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Nagtanim siya ng sama ng loob sa mga ito dahilan para maging rebelde siya.
After 15 years, muli silang pagtatagpuin ng kapalaran. Isang sikat na modelo na si Lorenzo. Isang guro na rin si Luna sa liblib na lugar kung saan siya nagtago ng maraming taon.
Matutunaw ba ng pusong nagmamahal ni Luna ang pusong bato at naghihiganti ni Lorenzo? Kung hindi lang edad ang hadlang kundi, ang demonyo rin sa kanilang pagkatao.
Rated SSPG. Not suitable for young readers, below 18.
Walang thrill ang buhay ni Liegh sa loob ng tatlumpu't limang taon ng kanyang buhay. Trabaho, bahay, pagtulong sa pamilya. Ni hindi niya magawang i-enjoy ang sarili. Siya lamang kasi ang inaasahan ng kanyang magulang at mga kapatid na nagsipag-asawa na. Doon lang umiikot ang kanyang mundo.
Not when she met Raphael Olivares, dalawampu"t siyam na taong gulang. Lalaking tila ba walang problema. Namumuhay na tila wala ng bukas! Gumulo hindi lang sa utak niya kundi ginising nito amg natutulog niyang puso.
"Your life is boring! Parang ikaw!" panunuya nito sa kanya. Ayaw man niyang pansinin pero talagang natamaan siya. "I may turn your life into interesting one, gusto mo ba?"
Binalingan niya ito na nakataas ang kilay. Hindi niya maintindihan kung bakit pinag-aaksayahan siya nito ng panahon samantalang 'boring' siya sa kasama.
"Be with me for one week. Ipaparanas ko sa iyo kung paano mahalin, kung paano maging masaya. Just one condition! Kalimutan mo ang lahat. Ako lang dapat, walang iba sa loob ng isang linggo. No family, no work, just have fun with me! Ituturo ko sa iyo ang bagay na nakalimutan mo ng gawin sa buhay mo."
Papayag ba siya? Gugustuhin ba niyang tumakas sa mundong binuo niya para sa sarili sa loob ng maraming taon?
"Isang linggo lang naman! isang linggong pantasya, Liegh. Isang linggong ikaw muna!" piping saad niya sa sarili bago tumango sa lalaki.
Ngunit ang isang linggo ay panandalian lamang. Sa pagbabalik niya sa Pilipinas, muli niyang makakaharap ang mukha ng lalaking minahal niya at naging kaligayahan niya ng isang linggo. Rafael Olivares, will not make her life easy.
Marrying someone and spend a lifetime with the love of your life is anybody's dream. But not with Nathan, because he end up marrying his brother's wife.
And their love life is like a roller coaster ride.
Si Elyssa, nagmahal at nasaktan sa maling tao. Sa muling pagbubukas ba ng kanyang puso, maling tao na naman kaya ang iibigin niya?
Si Alyjah, nasaktan sa kinahinatnan ng kanyang ina. Poot at galit ang itinanim niya sa kanyang puso. Mababago kaya ito ng isang wagas na pagmamahal?
Si Lauro, nagmahal kahit pamilyado. Gustong balikan ang babaeng sa kanya'y bumuo.
Lahat sila ay pag-uugnayin ng isang kasal. Ngunit may mas malalim pa palang ugnayan ang unti-unting mabububungkal.
Sanga-sangang pag-ibig. Sanga-sangang problema. Anong magiging bukas nila?
Kaya ba nilang magpaubaya at magmahal nang buo, kung nababalot sila ng misteryo at sikreto?
Sino ang magtatamo ng kaligayahan?
Sino ang malulugmok sa kalungkutan?
Mapapalaya kaya sila ng isang wagas na pagmamahalan?
She's having sex with him.
But she is not his wife nor a girlfriend.
She warms his bed when he needs her.
Explores the pleasure of each body.
She's a secret--no one needs to know.
Maxine holds a position in the company, which others questioned. They say she was a special appointment. But to her, she climbed the ladder on her own abilities and talent. She alone reached the top. Beside the man she loved in secret for years.
She taught, giving in will make him fall in love. But he never dares to look at her as a woman he can love. Craig had someone in his heart for a long time. Using Maxine is a way out to forget his first love.
Their life is like a bug caught in a spider web. Maxine tried to escape, but she couldn't. She was entangled to her feelings to Craig, who once more, using other women to forget.
But is he really using Sofia? The care he showed to her was way far from he's treating her. And he is openly saying that Sofia is the woman he will marry.
She gave up.
But once she gave up, she learned that she was pregnant with his child. Is she going to tell him? Or should she save herself from all the pain caused by him?
What if his first love comes to the picture again? Is she able to leave without traces?
Paano nga ba magmahal ng taong kay hirap abutin?Ikaw sa lupa, habang siya'y tinitingala. Siya na mahal ng lahat, habang ikaw lihim na nangangarap."Is this how you repay me? For all the help I gave you, you betrayed me? You are the same as the others...you inflict pain on me!"Hindi magawang magsalita ni Anais. Gusto man niyang magpaliwanag ay tila nakagapos naman ang dila niya sa tikom na bibig. Tanging pag-iling lang habang umiiyak ang nagawa niya. Gusto niyang magmakaawa. Gusto niyang pawiin ang sakit na nakikita niya sa mga mata ng lalaking minamahal. "Ang babaeng gaya mo ay hindi na kailanman magbabago! I am sure now, your body wants me. Why acting innocent? You love how I touched you before. Stop resisting, it's not you!"Limang taon na ang nakararaan simula noong mawalang parang bula si Flynn sa buhay niya. Ngunit heto ngayon ito, nagbabalik ito para durugin muli ang kanyang puso. Gusto niyang iwasan ito, ngunit paano? Kung simula noon, hanggang ngayon, ito pa rin ang nilalaman ng kanyang puso.Ngunit hindi siya nabigyan ng pagkakataon. Nawalang parang bula si Flynn. Gaya ng umpisa nila, ang taong mahal niya'y hirap na namang abutin. Sa rami ng bituin sa langit, hindi niya alam kung saan o kanino ito kumikinang.Mabibigyan pa ba ng pangalawang pagkakataon ang pag-iibigan nila? Kung sa muli nilang pagkikita, mas maraming sikreto ang mabubunyag na siyang dudurog sa kanilang dalawa. Paano ang puso niyang hanggang ngayon pangalan ng lalaki ang nakatatak?
May mga nakaraan tayong pilit kinakalimutan. Nakaraang sumusubok sa ating katatagan.
Paano kung ang nakaraan na iyon ay mag-iwan ng malaking sugat. Sugat na kahit maghilom man ay mag-iiwan naman ng malaking pilat. Pilat na magpapaalala ng sakit at poot na dala ng masamang nakaraan.
Kaya mo bang magmahal at magpaubaya?
Kaya mo bang magpatawad at tanggapin kung sino man siya?
Kaya mo bang kalimutan ang poot at pagkasuklam para mahalin siya?
Can you fully give your heart to the person you hate the most?
Credit sa book cover @soapflipsandflops
One sided love is not easy. Iyong taong mahal na mahal mo ay may mahal na iba. Ang mas masakit, hindi niya kayang suklian ang pag-ibig mo kahit na sa iyo na siya.
Hanggang kailan ka magmamakaawa? Hanggang kailan ka makikiamot ng isang pagmamahal na alam mong sa umpisa pa lang ay wala na!
Walang patutunguhan, walang kang makakamtan kundi sakit at hinagpis lamang.
Hanggang kailan mo susubukang mahalin siya? Hanggang sa wala na bang matira?
Kakapit ka pa ba sa taong walang ginawa kundi ang saktan ka?
Magentha Anjelu Inocencio Dugay. Maid for short. Isang masayahin at puno ng buhay na dalaga. Mataas ang pangarap para sa sarili at sa inang pilay na nagsusumikap siyang mapag-aral. Ngunit nang iginupo ito ng sakit ay napilitan siyang mamasukan bilang katulong sa pinakamayamang angkan sa Isla ng Tanaw. Kailangang tustusan ni Maid ang pangangailangan ng ina sa gamutan.
Magsisilbi sa umaga, mag-aaral siya sa hapon hanggang gabi. Akala niya ay ganoon lang kadali.
Ngunit isang Storm De Luca-- thirty years old at nakababatang kapatid ng kanyang amo na si Rainnah ang gugulo pala sa inakala niyang tahimik na mundo sa mansyon. Tila bagyo kasing sinalakay ni Storm hindi lamang ang buhay niya kundi, ang bata niyang puso. Pilitin man niyang iwasan ito, minahal ng labing pitong taon niyang puso ang bagyong dumating.
Kaya nga lamang, katulad din pala ng bagyo si Storm. Pagkatapos manalakay, iiwanan siyang sawi at guho ang mundo.
Makakabangon pa ba si Maid sa pagiging maidly in love? O katulad ng ibang delubyo. Pabalik-balik ang bagyo na mananamantala sa kanyang puso?
Nagkita, nagkakilalan, nagka-ibigan.Nagmahalan at nagsumpaan. Pero mananatili ba iyong buo kung isang nakaraan ang kanilang kalaban.Paano mo isasakatuparan ang isang pangakong sa umpisa pa lamang ay isa nang kahibangan?Paano mo iibigin ang isang balang papatay sa iyo at maging dahilan ng iyong kasawian?Paano mo mamahalin at kakapitan ang isang baril kung ang gantilyo nito ang iyong kamatayan?Ang baril at bala ay dapat magkasama, ngunit kay Gun at Bullet, ang baril at bala ang dahilan ng hindi nila paglaya. Sapagkat ang mundong ginagalawan ay salungat sa isa't isa.Si Bullet na anak ng mafia boss at natatanging tagapagmana ng posisyon. Si Gun naman ay isang anak mayaman na lalamunin ng poot at suklam na halos hindi na makaahon doon. Maikukuwento pa ba nila ang pag-ibig sa kabila ng magkaibang mundong kanilang ginagalawan?
Sa mambabasa ng kwentong ito. Gusto ko kayong handugan ng isang kwento na magpaparamdam sa inyo ng labis na pagmamahal, labis na sakit, labis na kilig pero higit sa lahat gusto kong may mapulot kayong aral sa kwentong ito. Mga kuwento na dadalhin kayo sa iba't ibang dimensiyon ng emosyin, ng pag-ibig, pagpapaubaya, pagpapatawad at higit sa lahat pagmamahal sa sarili.
Love is not just love. May mga pagdadaanan, may pagsubok. May masasaktan at may sasaya. Ang importante, maging maligaya sa huli. Mahanap mo ang kaligayahan kahit nasaktan ka.
Enjoy reading.
Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan...
Isang babae ang magbabagong anyo.
Mahinhin, hindi makabasag pinggan.
Ngunit sa kabilugan ng buwan.
Lumalabas ang kanyang kalibugan.
Paano kung sa ilalim ng bilog na buwan,
Mabighani ang isang bilyonaryong walang kaalam-alam.
Na ang sekretarya niyang parang manang na timang.
Ang babaeng makakasiping niya sa kalibugan...
este kabilugan ng buwan.
Si Jack Cole na isang bilyonaryo at si Sue Soh na pinaglumaan ng panahon. Pagtatagpuin, para sa isang kakaibang kuwento ng pag-ibig at katatawanan. Magiging maayos kaya ang kanilang pag-iibigan?
Uminog ang mundo ni Chester at Annie sa kanilang bestfriend na si Alex, lalo na noong maulila ito at naiwang nag-iisa.
Minahal nila si Alex at tanging ang kapakanan nito ang kanilang iniisip. Dahil doon, naging kupido si Annie sa mga kaibigan para parehong lumigaya.
Ngunit, mapaglaro ang tadhana. Sa isang gabing pagkakamali, tila gumuho ang mundo kay Annie. Sinisi niya ang sarili sa paghihiwalay ng mga kaibigan, at lalo siyang kinain ng kanyang kunsensiya noong mapag-alamang buntis siya.
Sampong taon ang nakalipas. Hindi handang makita ni Annie si Chester. Hindi siya handang ipaalam ang sikretong matagal niyang itinago.
Paano niya haharapin si Chester, kung ang napakagandang pagkakamali ay unti-unting mabubulgar sa mismong harapan nito?
Unang pag-ibig, unang pasakit. Unang bumuo ng iyong pagkatao, una ring dumurog dito.
Paano mo bubuuin ang lahat, kung ang asawang ginawa mong mundo ang wawasak ng iyong pangarap.
Si Lea, nagmahal, nagsakripisyo. Ngunit sinuklian ng pasakit sa puso.
Hanggang kailan niya ipaglalaban ang asawang hindi na siya magawang panindigan pa?
*Ito ang una sa serye na dudurog sa inyong pagkatao. Magmumulat sa ating pagkatao na hindi sa lahat ng oras ay pagmamahal ang mananaig kundi kailangan rin na unahin na bigyang halaga ang sarili*
Nakatali sa isang kasal, ngunit may ibang mahal.
Lumayo ngunit muling bumalik, para sa pag-ibig na gustong makamit.
Isang babaeng ilalaban ng patayan ang asawang kanya man, puso naman nito ay hindi niya kayang hawakan.
Sina Julie An, Leandro at Jinkee, mga magkakaibigang ginulo ng sanga-sangang kasinungalingan at masalimuot na nakaraan.
Sasaya pa ba sila o patuloy na sasaktan ang isa't isa?
Kaya bang itago ni Leandro ang damdamin para sa babaeng buhay niya noon, buhay pa rin niya ngayon?
Hanggang kailan naman pananatilihin ni Julie An ang sarili sa pagiging kabit? Kung pagsira sa pamilya ng lalaking mahal ang kapalit?
Babala:
Consist of Cheating, betrayal, s£x, at iba pa.
Kung sensitive ka, huwag ka ng magbasa baka putukan ka ng ugat sa ulo. Kasalanan ko pa.
Let's be open minded. Nasa atin pa rin kung saan tayo tatayo at manindigan pagkatapos ng kuwento. Alam natin ang tama at mali. Reyalidad ito ng mundong ginagalawan natin. Ang tanging magagawa natin ay salaminin ang buhay ng mga karakter at tumayo sa paninindigan na meron tayo.
Bawal ang basher. Bawal ang nega. Bawal kang magbasa kung di mo maintindihan ang gustong iparating ng kuwento. Enjoy reading.
Napilitan lamang magpakasal si Vanessa dahil sa utang na loob sa matandang pinagsisilbihan niya. Hiniling nitong pakasalanan niya ang apo nito habang ito ay nabubuhay pa. Alam niyang hindi rin sang-ayon ang apo nito sa kasal. Ngunit pareho nilang pinagbigyan ang huling kahilingan nito.
Sa araw ng kasal, hindi man lamang niya natunghayan ang mukha ng binata. Dumating lamang ito at pumirma sa papeles para sa kanilang kasal at agad ring nawalang parang bula.
Nang mawala ang matanda ay agad siyang nakatanggap ng papel mula sa asawa. Dinidiborsyo na siya nito at ang masaklap ay pinapalayas na rin siya sa mansiyon.
Hindi niya pinirmahan ang divorce paper, pero tinupad niya ang kagustuhan nitong umalis siya sa mansiyon. Nagtungo siya sa Maynila upang makipagsapalaran. Gamit ang naipong pera, ibinuka niya ang pakpak para sa pangarap.
Noong maayos na siya, maging ang buhay pag-ibig niya. Siya naman na muli siyang ipinahanap ng asawa. Hindi para pabalikin sa buhay nito kundi para tuluyang wakasan ang ugnayang kasal sa pagitan nila.
Kaya niya bang ibigay ang hiling nito? O mananatili siyang, The Billionaire's Unknown Wife.
(R18)
Pinangako ni Shaira Maine Tamayo sa sarili at sa Diyos na kapag umabot siya ng trenta at hindi pa muling tumibok ang kanyang puso, hindi pa nahihimas ang kanyang malulusog na s**o, ang kanyang p********e ay hindi pa nabibinyagan at nadidiligan o napapasukan ng kahit anong ulo, ibubuhos niya ang kanyang buong buhay sa pagsisilbi sa Diyos. Hindi na niya tatangkaing maghanap pa ng lalaking bibilog sa kanyang ulo at papasok na lang sa kumbento.
Ilang beses na rin kasi siyang tumawad sa Diyos para maghanap ngunit wala talaga. Inabot na nga siya ng tatlumpu't lima. Hanggang sa maka-engkwentro niya ang dalawampu"t walo na si Eduardo Juaqine Saavedra. Nasa simbahan siya para sana kausapin ang namamahala sa kumbento nang hilain siya ni EJ at ipinakilalang girlfriend nito sa mga kasama. Ang masaklap ay kinuha pa nito ang first kiss niya sa harap ng Diyos at sa hindi kilalang mga tao.
Her last ride became a lust ride when things getting hotter between them.
Hanggang saan mapupunta ang huling pagkakataon niya sa pag-ibig? Kung ang nakakalokang nakaraan nilang dalawa ay manumbalik?
Hoy baboy.
Tabatchoy.
Piggy, oinky.
Itawag na sa akin lahat.
WALA AKONG PAKI!
Spell that out!
E so what kung mataba ako. I'm beautiful and sexy. Sexy on my own way!
Ako si Diozza.
Diyosa ng ganda, diyosa ng kaseksihan.
Diyosa ng kakapalan ng mukha!
I'm confidently beautiful. So walang kokontra!
Samahan niyo ako sa aking mundo. At ang paghahanap ko sa magiging prince charming ko.