Story By wreckshoes
author-avatar

wreckshoes

ABOUTquote
Writing doesn\'t only mean scribbling your thoughts in a piece of paper, but using drops of your blood and sweat as your ink to reach out and inspire other people.
bc
My Graffiti Girl
Updated at Jul 16, 2021, 08:25
Hindi lubos akalain ng presidente ng Fine Arts club na si Shamae Gomez na ang maayos niyang mundo na gaya ng abstract art ay naging parang expressionism, hindi na niya maintindihan. Napagbintangan siyang perpetrator ng isang malaking vandalism na biglang lumitaw sa labas ng pader ng classroom nila! Sinugod niya ang nagsumbong dahil bukod sa inosente siya, insulto iyon sa arts enthusiast na kagaya niya. Hindi niya mapapayagang pangalan niya ang masisi sa vandalism na gawa ng isang taong wala yatang creativity sa katawan. Presidente siya ng isang arts club for Pete's sake! Ngunit napanganga siya nang masapit ang dean's office at makilala kung sino ang nagsumbong. Walang iba kundi ang school heartthrob niyang kaklase na si Lucky Ghoulge Pascua! Suddenly, parang gusto na lang niya itong haplusin na para bang isa itong censored na sculpture. Galit si Lucky dahil pangalan lang naman kasi nito ang natukoy sa graffiti. At may ebidensiya raw ito na siya raw talaga ang gumawa! Sisiguraduhin daw nitong mapaparusahan siya dahil nadawit ang gwapo nitong pangalan. At naparusahan nga si Shamae, not based on the school's rules and regulations but as per Lucky's suggestion. For six months ay magiging alipin ni Lucky si Shamae! Despite Shamae's innocence, wala siyang nagawa kundi tanggapin ang sisi. The vandalism on the wall became a reason for her to be entangled into events she thought she would never experience. Soon it will lead her to a situation where she would have to make a hard decision. Would she choose to walk away from the paint colors that might give the final touch to her canvas of happiness... or would she choose to risk her life in pursuit for her unexpected magnum opus... which is no less than love itself?
like