bc

My Graffiti Girl

book_age18+
15
FOLLOW
1K
READ
student
comedy
humorous
lighthearted
campus
highschool
enimies to lovers
secrets
classmates
friends
like
intro-logo
Blurb

Hindi lubos akalain ng presidente ng Fine Arts club na si Shamae Gomez na ang maayos niyang mundo na gaya ng abstract art ay naging parang expressionism, hindi na niya maintindihan.

Napagbintangan siyang perpetrator ng isang malaking vandalism na biglang lumitaw sa labas ng pader ng classroom nila! Sinugod niya ang nagsumbong dahil bukod sa inosente siya, insulto iyon sa arts enthusiast na kagaya niya. Hindi niya mapapayagang pangalan niya ang masisi sa vandalism na gawa ng isang taong wala yatang creativity sa katawan. Presidente siya ng isang arts club for Pete's sake!

Ngunit napanganga siya nang masapit ang dean's office at makilala kung sino ang nagsumbong. Walang iba kundi ang school heartthrob niyang kaklase na si Lucky Ghoulge Pascua! Suddenly, parang gusto na lang niya itong haplusin na para bang isa itong censored na sculpture.

Galit si Lucky dahil pangalan lang naman kasi nito ang natukoy sa graffiti. At may ebidensiya raw ito na siya raw talaga ang gumawa! Sisiguraduhin daw nitong mapaparusahan siya dahil nadawit ang gwapo nitong pangalan.

At naparusahan nga si Shamae, not based on the school's rules and regulations but as per Lucky's suggestion. For six months ay magiging alipin ni Lucky si Shamae!

Despite Shamae's innocence, wala siyang nagawa kundi tanggapin ang sisi. The vandalism on the wall became a reason for her to be entangled into events she thought she would never experience. Soon it will lead her to a situation where she would have to make a hard decision.

Would she choose to walk away from the paint colors that might give the final touch to her canvas of happiness... or would she choose to risk her life in pursuit for her unexpected magnum opus... which is no less than love itself?

chap-preview
Free preview
1st Spray: Graffiti Wall
SHAMAE Hapon na nun. Karamihan sa mga estudyante ng paaralan namin ay nakauwi na. Kasalukuyan kong binabaybay mag-isa ang bakanteng hallway. Nang walang anu-ano'y may nadama akong kakaiba. Parang.... parang... bakit parang ang ganda-ganda ko? Charot. Maganda talaga ako pero hindi iyon ang dahilan kaya napalingon ako sa likod ko. Nabigla lang ako nang makitang may dalawang binatilyo ang tumatakbo sa may dulo ng corridor patungo sa nilalakaran ko. May fun run ba? O alay-takbo ganern? Dahil nalilito ay mabagal na rin akong tumakbo habang nakalingon pa rin sa dalawang lalaking sa tingin ko ay estudyante rin. Mistula tuloy akong runner na may stiff neck. Sumenyas sa akin ang isa na pawis na pawis at mukhang kinakabahan. 'Yung isa naman ay sumenyas sa akin na pawis na pawis at mukhang kinakabahan. Actually, pareho lang sila ng ginawa, inulit ko lang para maintindihan niyo, ehe ehe. "Ha? Ako?" Itinuro ko pa ang sarili ko habang tumatakbo pa rin. This time ay parang sumasayaw na ako ng "Running Man." Tumango sila at kinambatan akong tumigil. Kaagad naman akong tumalima. Bahagya akong hinihingal kaya ipinatong ko ang mga kamay sa mga tuhod ko. Mas lalo nilang binilisan ang pagtakbo. Noon ko lang napansin na may hawak silang... Insecticide? Nang mapatapat sila sa gawi ko ay walang kaabog-abog na nahulog ng isa ang hawak na insecticide. Sinulyapan ko ang naiwan nila sa sahig. Hindi pala ito isang insecticide kundi spray paint. Mabilis akong yumuko at agad iyong pinulot. "Hoy, 'tong pinta niyo nahulog!" Hindi nila ako pinansin at walang lingon-likod pa rin silang tumakbo. Tinawag ko pa sila nang ilang ulit pero hindi na sila lumingon hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Naiwan akong nakanganga na lang. "Anong problema ng mga yun? Pinahinto ako tapos maghuhulog lang pala ng pylox?" Natauhan lang ako nang may lamok na sumuot sa ilong ko. Agad akong napabahing. Now what? Anong gagawin ko sa pylox na ito? Siguro itatapon ko na lang paglabas ko mamaya. Tama, isa akong makakalikasang mamamayan at hindi ko hahayaang may pakalat-kalat na basura sa paligid. Nga ba? I shrugged as I continued to walk, tangan pa rin ang spray paint. Uuwi na lang ako bago pa ako mapraning dito. Baka sa mga sandaling ito ay galit na si Mama dahil medyo late na naman ang uwi ko. Baka hinahanap na rin ako ng dalawang kampon ng dilim sa bahay. Seriously natatakot na ako sa dalawang iyon. Hindi kaya may mali na sa pag-iisip nila at kailangan nang dalhin sa mental hospital? Nakalabas na ako ng school building nang biglang kumulog. Sumabay pa ang pag-ihip ng malamig na hangin. Madilim na rin ang paligid dahil mag-a-alas sais na. Bigla akong kinabahan. Napuna kong nag-iisa na pala akong naglalakad sa campus ground. Mas binilisan ko na lang ang paghakbang. Bigla kong naalala ang pagpatay na napanood ko sa telebisyon kaninang umaga. Mahirap nang mag-isa nang ganitong oras. Dumaan din sa isip ko ang hitsura ng nakakatakot na schoolmate ko. Si Sheena na binansagang Sadako ng school. Nanindig ang mga balahibo ko. Diretso ang paningin ko at mas bumilis pa ang paghakbang. Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko nang may kumaluskos sa likuran. I heaved a sudden and deep breath. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng mga hakbang pasunod sa akin. Tinanggal ko ang takip ng spray paint, gagawin kong pananggalang kung sakali. Pero sa panginginig ko ay dumulas sa mga kamay ko ang pylox at takip. "s**t," mabilis kong pinulot ang pylox na gumulong paabante. Sinunod kong tiningnan kung nasaan ang takip pero hindi ko mahagilap. Nakayuko ako nang maulinigan ang mabilis at papalapit na paghakbang. Bago pa ako makahuma ay may humawak na sa balikat ko. "Miss, excuse me---" "Ay shutang inabels!" Napalingon ako nang wala sa oras nang marinig ang boses-lalaki na iyon. Magsasalita na sana ako pero mabitin iyon sa lalamunan ko at napanganga na lang ako. Gosh, is this even happening? Dear Lord, kung panaginip man ito, sana panaginip na lang talaga. Nawala ang kaba ko dahil sa inaakalang panganib. Pero ngayon ay kinabahan naman ako in a different way. Mas dumoble pa. "Ah, hehe. I-Ikaw pala, L-Lucky..." Hindi tuminag ang lalaking kaharap ko. Nakaka-memerize talaga ang mata niya. It's like a vacuum that usurps your own eyes and taking your vision to a different world. Bumaba pa ang paningin ko sa matangos niyang ilong, manipis at mapula niyang labi at saka sa kanyang baba. Babang kulay blue. Sinasabi ko na nga ba e. Kill me now. Noon ko lang napansin na nakataas pa rin ang braso ko paharap. Hawak ko ang spray paint na walang takip at nakatapat sa kanya. "Ang ganda nitong spray paint 'no? Kulay blue, hehehe," nag-aalangang sabi ko saka isinayaw ang spray paint gaya ng ginagawa ng isang character sa game na 'Dumb Ways To Die.' "What the hell did you just do?!" Umalingawngaw sa buong school ground ang madagundong na boses na iyon kasabay ng pagkulog at pagkidlat. Bigla niyang binitawan ang hawak na takip ng spray paint at tumingin sa shirt niyang puno ng pinta. Pagkatapos niyon ay nanlilisik ang mga matang tumingin siya sa akin. Nag-anyong-halimaw siya sa paningin ko nang mga sandaling iyon. "I-I'm so sorry!" ***** "Miss Gomez." Naputol ang pagbabalik-tanaw ko at bahagya pa akong nagitla nang makita ang nakakunot-noong mukha ng dean ng school. "I'm sorry?" "I said are you listening, Miss Gomez?" "Y-Yes, Ma'am." Kahapon lang nangyari ang insidenteng iyon. Naalala ko lang iyon kanina nang bigla akong hiramin ng isang estudyante sa klase namin. Hindi ko naman inakala na iyon pala ang magiging bunga ng pagkakasuong ko sa problemang ito. Utang na loob wala akong kasalanan! Malinis ang konsensiya ko! Hindi ko siya pinatay! Okay medyo OA. Hindi naman ganoon kagrabe. But damn, nakasalalay dito ang reputasyon ko bilang isang mabuting estudyante. Magkakaroon ako ng bad records kapag hindi ko mapapakiusapan ang dean namin, presidente pa naman ako ng isang club. Patay ako kay Mama nito. Kasalukuyan akong nasa loob ng office ni dean at nakaupo sa harap ng desk niya. Iginala ko ang paningin ko. Bukod sa dean na nasa harap ko, meron din doong dalawang academic staff, kabilang dito ang guidance counselor. Sa tapat naman ng glass door ay nakasandal sa isang file cabinet ang isang estudyanteng lalaki at nakapamulsa. Nang magtama ang paningin namin ay agad kong iniiwas ang tingin ko. Alam kong may kasalanan ako sa kanya kahapon pero kailangan niya ba talaga akong isumbong? Isinumbong niya ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa pero iginigiit nila! And I am fuming irked now towards him. Akala ko okay na kami kahapon e. Hindi naman siya nagsalita nang humingi ako ng sorry. Sabi ko papalitan ko ang damit niyang na-spray-an ng hawak kong pinta. Pero nilayasan na lang niya ako nang walang paalam. Narinig ko pa siyang umusal ng "damn" bago siya nakalayo. Bagama't batid kong galit siya ay inakala kong kakalimutan niya na ang nangyari. Ngunit na-realize ko na kung sa akin nangyari iyon, baka mabugbog ko pa ang gumawa nun. And hey, hindi ko ba nasabi na sikat siya sa buong school? Oh well, ngayon alam niyo na. In-spray-an ko lang naman ng pylox si Lucky Ghoulge Pascua. Siguro nasaling nang bongga ang ego niya. I should know, he's a first-rate snob after all. So chances are gaganti siya. But I didn't expect this was his retaliation. Nakakaloka. Ang sakit sa pwetan. Kanina pa kaya ako nakaupo sa upuan at ini-interrogate ng mga tao dito. "Ang ginawa mo ay malaking pagsuway sa patakaran ng eskwelahan. Hindi mo ba alam ang rules and regulations, Miss Gomez?" "Alam na alam ko po, Ma'am. Kaya po labis akong nagtataka kung bakit napagbintangan po akong gumawa nun. I am still in my right mind para gawin ang kalokohang iyon. Para na rin po akong kumuha ng bato na ipupukpok sa ulo ko," matatag kong depensa. May pabato-bato pang nalalaman ang lola mo. Ang taray. "Well as I said, mapipilitan kaming ipatawag ang mga magulang mo at malamang sa malamang, baka ma-suspend ka," pag-iignora ni dean sa sinabi ko. Obvious naman na hindi siya naniwala doon. Ibig sabihin, sa tingin niya ay nasisiraan na ako ng bait? Naghimagsik ang kalooban ko. "Ma'am, hindi nga ako ang gumawa nun, maniwala naman kayo sa akin oh." "Kung hindi ikaw eh sino? And how can you explain Mr. Pascua's attestation?" Pananalakab ni dean sabay tingin kay Lucky. Umayos naman ng tayo si Lucky at tumikhim. I glared at him but he just looked nonchalantly at me. How dare him. Muli akong binalingan ni dean. "Well, Miss Gomez?" Nawalan ako ng sasabihin. Now what? "S-Siguro po gusto lang niya akong gantihan, Ma'am. Na-spray-an ko po kasi siya ng pylox. Pero hindi ko naman po sinasad---" Itinaas bigla ni dean ang kamay bago ko pa matapos ang sasabihin ko. "You are saying that you didn't do it and yet may hawak kang spray paint that time?" "Gumanti? Dear lady, getting back is not in my vocabulary. 'Such a waste of time. Ginawa ko lang ang sa tingin ko ay tama. After all, nadawit pa ang pangalan ko dito. So it is my concern to save my image," sabat naman bigla ni Lucky kaya sa kanya naman ako napabaling. Tiningnan ko siya nang matalim. "Tama? Ni hindi mo pa nga napapatunayan na ako ang gumawa ng kalokohang iyon e!" "Hindi pa ba sapat na ebidensiya na may hawak kang spray paint na kulay blue at kulay blue rin ang mga vandalism na nasa dingding na iyon? Meron pa ngang initials na S.G. eh. It's yours Miss Shamae Gomez," parang nang-iinsultong pakli niya. "Tanga ba ako na gagawin ang kalokohang iyon pagkatapos ay ilalagay ko pa ang initials ko? Hindi mo ba naisip yon, Mr. Lucky Pascua?" Nanggagalaiting sumbat ko. Bwisit na lalaking 'to. Ako lang ba ang may initials na S.G.? Maaari din naman iyong Sobrang ganda o di kaya ay Sexy Goddess. Something Good. So Gorgeous. So Galing. So Gaga or whatever to that effect! My point is hindi lang naman ako ang may ganoong intials. Urgh! Nagkibit lang siya ng balikat. "A desperate person is not in her right mind I suppose." "Hindi ako desperado sa'yo! Ang kapal naman ng mukha mo! I may be many things but I won't stoop down to that level! Hindi porke't gwapo ka ay---" "Miss Gomez, tone down your voice or I'll call this rendezvous adjourned and you know what will happen," pababalang saway ng dean sa akin. There was that unmistakable stern in her voice na agad nakapagpatahimik sa akin. "I-Im sorry, Ma'am. Na-carried away lang ako, you know," sabi ko. Nakakainis talaga. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng mga taong napagbibintangan at basta na lang ikinukulong. Naghuhuramentado ang kalooban ko ngayon pero parang wala akong kalaban-laban. Feeling ko ay bibitayin ako anumang oras. Kaloka talaga. "And don't argue with Mr. Pascua. Sagutin mo ang itinatanong ko, Miss Gomez." Natigilan ako. Pagkuwa'y, "Ano nga ulit 'yung tanong mo, Ma'am?" Napahilot sa kanyang sentido ang ginang. Napailing naman si Lucky. Sorry naman. Hindi naman ako perpekto 'no. "I said, kung hindi ikaw ang gumawa non, bakit kako ikaw ay may hawak na spray paint?" "Ma'am in-explain ko na ang side ko regarding this. Naglalakad ako kahapon ng hapon sa corridor nang may bigla akong nakitang dalawang estudyante na lang tumatakbo papunta sa akin. May hawak silang spray paint," mahabang ulit ko sa paliwanag ko na ikatlong beses ko na yatang nasabi. "Paano napunta sa'yo ang spray paint?" Sabad ng guidance counselor. "Nahulog po kasi ng isa 'yung sa kanya, Ma'am. Pinulot ko po iyon at tinawag sila, ilang ulit ko pa po iyong ginawa pero tumakbo lang sila na parang walang narinig hanggang sa mawala sila sa paningin ko." Tumango-tango ito. "Pero bakit hindi mo sila hinabol?" Ang tapang ng punto nito. Napipilan ako dun. Bakit nga ba? Bakit hindi ko naisip 'yun? E sa hindi ko naman ine-expect na ganito ang kahihinatnan ng lahat! Totoo pala ang sinasabi nilang "expect the unexpected." "H-Hindi ko po naisip iyon," nauutal na lang na nasabi ko. "Para sa isang matinong dahilan, that's too lame, Miss Gomez. You should have thought for a more acceptable alibi," anang naiiling na dean. "Pero iyon po ang totoo, Ma'am," parang maiiyak na tugon ko. Desperada na talaga ako. Hindi ko na alam pa ang sasabihin ko para makawala sa sitwasyong ito. Damn that pylox! Kung bakit ba naman kasi pinulot-pulot ko pa. Maaari ko naman sanang hinayaan na lang. Isa pa ang Lucky na 'to! He doesn't deserve his name because for me, he is a jinx! "Maniwala po kayo, Ma'am. Hindi po magagawa ng isang tulad ko ang ganoon," dagdag ko pa sabay props ng teary eyes ko. Halatang nag-isip si dean dahil natahimik siya bigla. Tiningnan ko siya nang may pag-asam. "Let me tell you something, Miss Gomez," panimula ni dean. This is it. "Mientras nagdadahilan ka, mas lalo lang lumalapit ang lahat sa posibilidad na ikaw talaga ang gumawa nun." What?! Nawindang naman ako dun. "Pero Ma'am hindi naman---" "Stop it, Miss Gomez. I won't hear it." I felt the need to beat the table. This is unfair! "That's why we need to check the CCTV, Ma'am," matigas na suhestiyon ko. Tumawa ang guidance counselor. "You won't give up, will you? You are very much aware na hindi nag-operate ang security room kahapon dahil pinalitan lahat ng mga CCTV camera due to maintenance. There's no way it could have been recorded kaya malakas ang loob mo para gamitin itong alibi." Nanubig ang mga mata ko. "I swear, hindi ko po ginawa iyon! With all due respect, I'm sorry, Ma'am but you are barking at the wrong tree." "Then prove your innocence, habang hindi pa natatapos ang pulong na ito." Malapit na akong mawalan ng pag-asa. Lord tulungan mo po ako, huhuhu. Nang may mag-'ting' sa utak ko ay nabuhayan ako ng loob. "Ma'am what if may witness sa nangyari at mapatunayan kong inosente ako sa nangyari?" "May witness nga, Miss Gomez. Kaya nga nandito si Mr. Pascua para hindi ka na makawala sa kasalanang nagawa mo." "Y-Yung dalawang kalalakihan, Ma'am. If I could see their faces I think I can---" "Don't push it, lady," sinamaan ko ng tingin si Lucky bago hinarap muli ang dean. Talagang gusto ng lalaking ito na makita akong nahihirapan ah. Bwisit siya. "Ma'am?" Sabi ko sa dean. "Mr. Pascua is right," payak na tugon nito. Nawalan na talaga ako ng sasabihin. Grabe, nagkasala ako nang ganon-ganon lang. I can't imagine. "Anyway, I think we're done here. Miss Gomez, you have to take the corresponding punishment and sanction for your actions." Wala na. Wala na talaga. Talo na ako. Wala naman palang silbi ang pag-uusap na ito. Marahil ipinatawag lang nila ako upang hiyain. Damn! "Ma'am I would take the consequences kahit na alam ko naman po sa sarili kong hindi ako ang gumawa nun. Ang hiling ko lang po sana ay huwag na itong umabot sa magulang ko," mahina kong pakiusap dahil drained na ang power ko. "But that can't be, Miss Gomez. We need to take your parents here. You did a mistake and it's their right to know what is happening to you inside the campus." Nanlumo ako. "Don't you really want your parents to know about this?" Lahat ng mata sa silid na iyon ay natuon kay Lucky na kasalukuyan nang palapit sa akin habang nakapamulsa. Alam kong out of character na ang obserbasyon ko pero bakit ang gwapo ng mokong? Lalo na't ngayon ko lang siya natitigan nang malapitan at nakausap nang matagal. Naiinis ako sa sarili ko dahil imbes na kagalitan siya dahil sa pamamahamak niya sa akin ay pinupuri ko pa. Stupid, stupid me. "Well?" Nasa harapan ko na pala siya at titig na titig sa mga mata ko. Na-conscious ako bigla. Tumikhim ako. "O-Oo." Hinarap nito ang dean. "Ma'am, I have a request if you will let me." "Spill it, Mr. Pascua." "I have a better idea for her punishment," a gleam lingered on his wicked eyes and I know right that very moment something's gonna happen against my will. Masama 'to. ***** 2 hours earlier... Pagkatapos ng flag ceremony ay nagmamadali akong pumunta sa locker ko para kunin ang mga libro ko. Hindi pa naman ako late para sa first period sa umagang ito.. It's just that masyadong istrikto ang homeroom teacher namin, ayaw nito ng nale-late. Pagkatapos kunin ang kakailanganing libro ay lumabas na ako ng locker room. Malapit na ako sa room namin nang mapansin kong maraming estudyante ang patungo rin doon. Na-curious ako kaya binilisan ko pa lalo ang paghakbang. Pagsapit ko doon ay nagulat ako sapagkat maraming estudyante ang kinukuyog ang room namin. Ni hindi ko na nga makita ang loob ng room sa dami ng nakaharang. Ang nakikita ko lang ay ang signage sa taas ng pinto na nagtataglay ng grade at section namin which is 10-A. Namamatay na ako sa curiosity kaya kinalabit ko ang isang estudyante na nakiuusyoso rin na sa tingin ko ay grade twelve student, base na rin sa suot niyang uniform. "'Te, anong meron? May artista ba sa room namin?" Saglit muna akong tinitigan ng kaharap ko bago nagsalita. "Thank you for that wonderful question," nagpose pa ito na parang sumasagot sa isang Q and A. "But before I will answer that, let me tell you first that you are so beautiful. I wish I were as beautiful as you." Napahawak ako sa dibdib ko. I was flattered, really. Hindi ko alam kung binobola lang ako ng babaeng ito pero wala akong pakialam. Napuri e, ano ba. "Salamat pero sagutin mo na ang tanong ko, 'te," disimulado kong turan. "Tungkol sa tanong mo, may naglagay ng graffiti sa dingding ng classroom niyo. It says, 'I love you Lucky Ghoulge Pascua forever. Like dah, sister. Ang cheap ng gumawa. Wala yatang creativity sa katawan at ito pa ang naisipang gawin," umirap pa siya sa hangin. Naaaliw ako sa babaeng ito. Pero sang-ayon ako sa sinabi niya. Ang cheap nga ng kung sinong vandal na iyon. Like dah talaga. Narinig ko pa ang bulungan ng mga estudyante lalo na ang mga babae. "Sino kaya ang babaeng ito at inilagay pa talaga ang initials? Hindi na nahiya." "At nag-resort pa talaga sa vandalism ah. Hindi niya ba alam na ipinagbabawal iyang ganyan dito?" "Ang ambisyosa naman niya." "Oo nga. Dapat sa akin lang si Lucky eh." "Pero mas ambisyosa ka namang haliparot ka." "Ewan ko sa'yo!" "Siguraduhin niya lang na maganda siya at karapat-dapat kay Lucky. Kung hindi..." "Kung hindi ano?" "Babagsak sa kamay ko si Lucky. You know sa ganda kong ito na mas higit pa kay Aphrodite, hindi malayong mangyari iyon." "Ay wow. Nahiya naman ako sa ganda mo. Ikaw na 'te, ikaw na ang bukod-tangi at pinakaambisyosa sa lahat." Natawa na lang ako. Ang pinakamamahal lang naman nilang Lucky Pascua ang pinag-uusapan dito kaya ano ang dapat asahan? He is the heartthrob and apple of the eye of every girl in this school. At inaamin kong isa na ako dun. Who in the right mind would never fall for this awesome guy? Bukod sa gwapo, macho, misteryoso at suplado ay sikat at mayaman pa ito. He is the complete epitome of a prince charming. Nakisiksik ako sa kumpulan ng mga estudyante dahil gusto kong makita ang graffiti. Tama nga ang sinabi ng grade twelve student na babae. Kay lalaki pa ng mga letra na pumuno sa malawak na dingding. Effort kung effort. Pero sa hindi ko malamang dahilan ay sumikdo ang dibdib ko. Lalo na nang mapuna ko ang pinta. Ipinilig ko na lang ang ulo ko. Siguro nagkataon lang. Ilang sandali pa ay dumating ang isang guro at pinapasok na ang mga estudyante sa kani-kanilang mga classroom. Pumasok na rin ako sa room namin. Nandoon na ang lahat pati ang teacher namin. Agad na akong umupo sa tabi ni Kristel, ang bestfriend ko. "Have you seen it?" Agad ko namang nakuha ang tanong niya. I rolled my eyes. "Dear, sino ang hindi makakakita niyon kung nakabalandra mismo sa dingding ng classroom natin?" "Just confirming. Anyway, nasan kaya si Lucky? Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya ang tungkol dito?" Inilibot ko ang tingin ko. Wala pa nga siya sa room. Hay, buti naman wala pa siya. Hindi pa ako handang makita siya pagkatapos ng nangyari kahapon, nakakahiya. Nagkibit-balikat ako. "Siguro magwawala at kakaladkarin ang salarin at dadalhin sa isang waxing salon. Pagkatapos ay ipapa-wax ang lahat ng buhok nito sa katawan." Nagtawanan kami. Napagalitan pa kami ng guro dahil dun. Ilang saglit pa ay nagsulat na ang guro sa whiteboard. Hindi pa lubusang nagsisimula ang discussion nang may isang estudyante ang lumitaw sa pintuan. Bahagya pa itong hinihingal. "Yes, anything?" Baling dito ng guro namin. "P-Pinapatawag po ng dean ng school si Shamae Gomez." Agad akong nanigas sa kinauupuan ko. Anong kailangan ng dean sa akin? Tumingin ako kay Kristel pero umiling lang siya, senyales na hindi niya alam ang nangyayari. Tumingin ako sa mga classmates ko pero nakatingin lang silang lahat sa akin. "Miss Gomez, go now. Naaantala ang klase ko," untag ng guro. Hindi na ako nagdalawang-isip at agad na tinungo ang dean's office. Habang papalapit doon ay lalong lumalala ang sasal sa dibdib ko. May ideya na ako sa sadya nila sa akin. On the second thought, sana nagkakamali lang ako. I need to make sure. Nanginginig pa ako nang pihitin ang seradura ng pintuan. Tumambad sa paningin ko si dean na seryoso ang mukha, dalawang academic staff at si Lucky na naka-poker face pero kitang-kita ko ang pag-iigting ng panga niya. Atubili akong lumapit kay dean. "P-Pinapatawag niyo raw ho ako, Ma'am?" "Please sit down, Miss Gomez," agad akong tumalima. "I hope you have an idea kung bakit kita pinatawag." Umiling ako. The dean sighed. "Can you explain to me why did you do that?" "H-Hindi ko po alam ang sinasabi niyo." "Don't deny it, Miss Gomez. Nandito si Mr. Pascua para patunayan na ikaw ang gumawa ng vandalism na iyon," saglit pa itong sumulyap kay Lucky bago tumingin ulit sa akin. "Now, explain to us. Why did you do that?" "H-Ho?" Naku po. Why do I have this feeling na ako ang maipapa-wax nang wala sa oras? Good Lord, help me. ***** End of Chapter 1

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
491.2K
bc

A Night With My Professor

read
534.2K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.4K
bc

A night with Mr. CEO

read
177.8K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

SECRET AGENTS AND COLD HEART

read
181.1K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
897.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook