2nd Spray: Punishment

3765 Words
SHAMAE Napamura ako nang bigla akong matapilok dahil sa paghabol kay Lucky. Kalalabas lang namin sa dean's office. Ang hayop, ang bilis maglakad. Kapag naabutan ko siya, makakatikim talaga siya ng halik---I mean ng mga salitang hindi pa niya naririnig. Gusto kong lukutin ang gwapo niyang mukha. How can he be so cruel for doing this to me? For crying out loud, wala akong kasalanan! At bakit ganoon kabilis na napapayag niya ang dean sa ibig niyang mangyari? Sumasakit na talaga ang ulo ko. Pati ng paa ko. Nagiging emotional na rin ang kili-kili ko, my goodness. "Hoy, hintayin mo ako!" Sigaw ko sa deserted na hallway. Wala akong pakialam kung malakas ang boses ko kahit alam kong on-going pa ang mga klase. Kung hindi lang talaga ako nasisi sa vandalism na yan, nunca na hahabulin ko ang hinayupak na lalaking ito. I still have classes to attend but my reputation is about to collapse. Kailangan ko silang makumbinsi na hindi ako ang may sala by hook or by crook. "Hoy!" Hindi niya ako nilingon. Kaginsa-ginsa'y binuksan ko ang ang bag ko. Pinagbabato ko lahat sa kanya ang lahat ng laman niyon. Notebook, papel, libro, pulbo at kung anu-ano pa. Gigil na gigil na talaga ako. Nasalo niya ang huli kong ipinukol sa kanya. Matalim na ang mata niya nang tumingin sa akin. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Galit niyang asik sa akin. "Salamat sa Diyos, lumingon ka rin," pagak kong sabi na hindi pinansin ang galit niya. Ako dapat ang magalit dahil sa panggugulo niya sa tahimik kong buhay. "I should be the one asking you that question. What do you think you are doing, Lucky Pascua? Hindi porke't sikat ka at tinitingala dito sa school ay pwede mo na akong kayan-kayanin." Kumunot ang noo niya. "Anong problema mo?" I snorted due to irritation. "Seryoso ka bang tinatanong sa akin iyan? Again, ako ang dapat nagtatanong niyan sa'yo!" "What?" Hindi ko inakalang slow pala ang Lucky na 'to. Sayang, gwapo pa naman. "May I remind you, mister, that I didn't agree to be punished. Wala akong kasalanan. I don't deserve this!" Lalong nagkagatla ang noo niya. "But you said back there that you would take the aftermath of your act---" "Dahil wala akong choice! Ginipit niyo ako!" I hissed, almost histerically. Tinitigan niya ako nang matagal. Nailang ako kaya binawi ko ang tingin ko. Hindi ko na tuloy nakita ang reaksiyon niya nang magsalita siya. "Look, you can vociferate your complaints for all I care. Wala ka nang magagawa kundi pagbayaran ang kasalanang ginawa mo." "But I didn't do it!" Halos lumabas ang mga litid sa leeg ko sa pagpipigil na sumigaw at sugurin siya ng sakal. "You did it," tumalikod na ito pero dagli rin siyang humarap nang may maalala. "Sa'yo nga pala 'to," sabay sulyap sa hawak niyang gamit ko. Kandaugaga naman ako sa pagsalo nang ibato niya iyon sa akin. Agad na namula ang buong mukha ko nang nasa kamay ko na iyon. Anong kamalasan ang nangyayari sa akin? "Modess, huh?" Narinig ko pag bulong ni Lucky habang naglalakad palayo. Sinamaan ko ng tingin ang likod niya sabay kuyom sa piraso ng napkin na galing sa kanya. Halos magpapadyak naman ako sa inis habang sinisimot ang nagkalat kong mga gamit sa hallway. Para akong timang. Ako ang nagkalat, ako rin ang pumulot. "Kasalanan mo 'to e! Hoy, tulungan mo ako!" Subalit hindi niya ako pinansin at nagtuloy-tuloy na siya sa paglalakad. Pasakay na siya sa kotse nang maabutan ko siya sa parking lot. Nagulat pa siya nang makita niya ako at hinihingal na pinigilan ang akmang pagbubukas niya ng pinto ng sasakyan. "And where are you going?" "Wala kang pakialam." Aba at bastos ang lalaking ito ah. "You, what are you doing here?" "Wala kang pakialam," ganti ko sabay irap sa kanya. "On second thought, sasagutin ko iyang tanong mo. Nandito ako para sabihin sa'yo na bawiin mo ang sinabi mo kay dean. Sabihin mo na hindi ako ang gumawa ng punyetang vandalism na iyon. Sabihin mo na wala akong kasalanan." Humalukipkip siya na parang nawawalan na ng pasensiya. "And why would I do that?" "Dahil iyon ang totoo!" "If I go to the dean right now, she won't believe in what I would say. Worse, baka bawiin niya pa ang suggestion ko and she would take it upon herself to punish you. Labas na ako dun kung sakali." "And so? What are you trying to say?" Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Agad naman akong napaatras. Nalalanghap ko ang mabango niyang hininga. Bukod doon ay nakakalunod ang mga mata niya, hindi ako marunong lumangoy. At saka yung proximity namin, hindi ko keri. My heart goes sha-la-la-la-la. I mean dug-dug-dug-dug. "I am actually doing you a favor, classmate. Hindi ko alam kung ano pang ipinagpuputok ng butse mo. You could have just thanked me, you know." Napakurap ako. Anuraw? This monster in unbelievable! "Thank you ha?" Halos mapunit ang pisngi ko sa pagpipilit na ngumiti habang nagtatagis ang mga bagang. "You're welcome," aniya pagkatapos ay binuksan na ang pinto ng driver's seat at nagmamadaling pumasok. "Hindi pa tayo tapos mag-usap. Bastos ka talaga e 'no. Lumabas ka diyan!" Sigaw ko habang nagngingitngit na binabayo ang windshield ng bintana ng kotse. Masira sana. Narinig ko ang pag-andar ng makina. Hindi. Hindi maaaring tumakas na lang siya na parang wala lang. Kailangan ko siyang makausap. Mabilis akong umikot ng sasakyan at binuksan ang pinto ng passenger's seat. Luckily, bumukas iyon. Wala akong inaksayang panahon at agad na pumasok. "What do you think you're doing lady?" Nag-isang linya ang mga kilay ni Lucky. "Umuupo. You know, masyado kang ungentlemanly. Hindi mo pa ako pinaupo habang nag-uusap tayo at saka iiwan mo pa ako. Mag-uusap pa tayo." "Wala tayong dapat pag-usapan. Get out!" "Ayoko nga," pang-aasar ko pa. Nag-eenjoy akong panoorin ang pamumula ng tenga niya. Ang cute lang. "You're invading my personal space. At kung hindi ka pa lumabas ngayon---" "Ano? Ipapakaladkad mo ako sa mga guards at sasabihing tinangka kong gahasain ka? Mga gwapo nga naman, they think they are the kings of the world." "Tama lahat ng sinabi mo. But I can do better than your assumption. Perhaps, throwing you down a cliff is a good idea." Tiningnan ko siya sa mata. "Hindi ako naniniwala." "You wanna try me?" "I'm not talking about that. Nagtataka lang ako sa rason mo kung bakit mo ako isinumbong. Alam kong sanay ka na sa mga kabaliwang ginagawa ng mga estudyanteng may crush sa'yo. Sa tatlong taong pananatili mo dito sa school, wala pa akong natatandaang pinuna mo ni isa sa mga iyon. Ngayon lang." "Maybe napuno na ako. After all, tao lang din naman ako. Besides, I am entitled to do whatever I deem fit." "Nah-uh. You're a downright snob and you always will be. Hindi 'yung ganoon lang ang makakapag-provoke sa'yo, masyadong cheap. Anyway, alam kong alam mo na malaki ang posibilidad na hindi ako ang gumawa ng vandalism, you're not even sure if it was me. But you still pushed through probably dahil may gusto kang i-accomplish." "So what are you trying to prove then?" Nananantiyang tanong niya. His sensual eyes gave me a burning once over. Napalunok ako. Suddenly, I felt the need of water. Masusunog yata ako sa init ng tingin niya. "T-That I might have done something very wrong to you. And you're seeking for vengeance." Umiwas siya ng tingin at nawalan ng imik nang ilang saglit. His expression was deadpan, dahilan para mahirapan akong mabasa ang nasa isip niya. Magsasalita na sana ako nang bumaling siya sa akin at tumitig nang diretso sa mga mata ko. May kalakip na amusement ang galit na nasasalamin ko roon. Lucky smirked. "You ruined my favorite shirt. You deserved this." ***** Inaasahan ko nang may hidden agenda si Lucky kung bakit ako ang isinumbong niyang gumawa ng vandalism na iyon kahit alam kong hindi naman niya talaga alam kung sino. Subalit nagulat pa rin ako sa rason niya. Like seriously? Ang lakas pa ng loob niyang magsabi ng, "getting back is not in my vocabulary" ah. "Eh 'di lumabas din ang totoo. Gumaganti ka. All because of your damn t-shirt. This is absurd!" Bulalas ko. "You're right," balewalang tugon niya. Tiningnan ko siya nang matalim. "Kung ganon, pupuntahan ko si dean ngayundin at sasabihin sa kanya ang totoo." I was about to open the passenger's door nang magsalita siya. "Kung paniniwalaan ka niya, that is." Agad naman akong natigilan. Oo nga 'no? Humarap ako kay Lucky. "Kailangan mong sumama sa akin." Tiningnan niya lang ako. "Don't push your luck. Just get out." "Ayoko. Hindi ako lalabas dito hangga't hindi mo binabawi kay dean ang mga paratang mo," pagmamatigas ko at humalukipkip pa. "Okay." May bigla siyang pinindot sa may dashboard ng sasakyan at sa isang iglap ay namalayan ko na lang na umatras na pabagsak ang sandalan ng upuan ko. At kasama ako. "Hee..." Sa hitsura ko ngayon, mistula akong palakang naplakda. Hindi pa ako nakakahuma nang itapat ni Lucky sa akin ang cellphone niya at umilaw ang flash ng camera niyon. "H-Hoy, anong ginagawa mo!" Agad kong tinakpan ang mukha ko at mabilis na bumangon. Tinangka kong agawin sa kanya ang cellphone ngunit maliksi niyang naiiwas iyon. Nasubsob pa ako sa dibdib niyang mabango. Ay, anubayan. Wala na akong nagawa kundi samaan siya ng tingin bagama't gusto ko pang ingudngod ang mukha ko sa kanya. Maygash, manyak na yata ako. Nagkibit-balikat lang siya. "What? You look good in these photos," sinabayan pa niya ang sinabi ng nakakainsultong halakhak. "Siguraduhin mo lang, kung hindi..." "Kung hindi ano?" "Magpapa-picture ulit ako ng mas maganda!" He laughed again. Pupurihin ko sana ang kaguwapuhan niya habang tumatawa, kung hindi lang ako ang tinatawanan niya. "Masaya ka?" Mabilis na nabura ang aliw sa mukha niya. "No. Shimmy your butt now out of here. I need to go." Ako naman ang napasimangot. "No. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ako napapawalang-sala. You know, I shouldn't be punished just because of your whims and caprices. P-Pwede ko namang palitan ang nasira kong t-shirt mo---" "Palitan?" Lalong nagdilim ang panigin niya. May nasabi ba akong mali? "That shirt is irreplaceable. May sentimental value iyon at hindi ko mapapalampas ang ginawa mo." "Ngunit hindi ko sinasadya, Lucky. Sorry talaga. P-Papalitan ko kahit ilan, basta bawiin mo lang ang sinabi mo sa office kanina," habang nagsasalita ay sinisimulan ko nang basagin ang alkansya ko sa isip ko. Alam kong hindi basta-basta ang nasira kong damit. I know it would definitely cost me a fortune. Kung bakit ba naman kasi ang tanga-tanga ko. "Nakikinig ka ba? Sabi ko, ayoko. Sorry to say but whim or otherwise, hindi na mababali pa ang desisyon ko. Snap out of it, lady." Napanganga na lang ako. Nagkulang yata ako ng deskripsyon sa lalaking ito. Hindi lang siya suplado at antipatiko, wala rin siyang puso. "Baki ba ang inconsiderate mo?" Hindi siya natinag bagkus ay nakatitig lang siya sa harapang windshield. "Lucky." No reaction. "Li-it." Still no reaction. "Me-dium---" "Three..." "Ha? Anong three? Alam mo nakikiusap ako sa'yo pero binabalewala mo lang eh. Hindi mo naman ako pinapakinggan. In fact, sarili mo lang ang naririnig mo. Wala ka talagang puso---" "Two..." "At ngayon naman sinasagot mo ako ng mga numero. Hoy, hindi ako sumunod dito para makipagbilangan sa'yo. At saka hindi ako naglalaro ng lotto---" "One! Get out!" "Ayoko---aaaaay!" Bigla niyang iminaniobra ang kotse dahilan upang gumulong ako papunta sa backseat. Nag-bounce ako na parang gummy worm. Hindi, worm lang dahil hindi ako gummy. "You are so stubborn. Now, you have to bear with me." Nakatiwarik akong sumagot. "What? Wait----aaay!" Diniinan niya ang silinyador. Ilang saglit pa at nakalampas na kami ng parking area. Palabas na kami ng gate ng school. "T-Teka!" Nasa main road na kami at parang pabilis nang pabilis ang pagtakbo ng sasakyan. Pabilis din nang pabilis ang paggulong-gulong ko sa kabuuan ng backseat dahil panay ang pakanan at pakaliwa ng hawak niyang steering wheel. Alam kong sinasadya niya iyon. Naiinis man ay wala akong magagawa. Todo-kapit na lang ako, ni hindi ko naikabit ang seatbelt. Ngayon ako nagsisisi kung bakit hindi pa ako bumaba. Mahabang impyerno ang inabot ko sa loob ng kotse ni Lucky. Sa tingin ko, iyon na yata ang pinakamahabang biyahe sa tanang buhay ko kahit ilang minuto lang naman iyon. Eh kasi naman akala ko mamamatay na ako. Buti nga buhay pa ako. "Buhay pa ako," naluluha at natatawang saad ko. Nakatigil na ang kotse. Hindi ko nga lang batid na alam kung nasaan na kami dahil kandahilo ako dahil para akong lumaklak ng alak sa sobrang hilo at naduduling pa ako. Oo, hilong-hilo na ako sa lagay na iyan kaya hindi ako makapagsalaysay nang maayos. Nang luminaw ang paningin ko ay nakita kong nakatunghay si Lucky sa akin. Nakangisi siya at parang naaaliw. For a minute ay nagmukha siyang anghel subalit agad ring napawi ang pananaginip ko nang maalala ang kalunos-lunos kong hitsura. Mistula akong ni-rape ng sampung bakla! Agad akong umayos ng upo. "Muntik mo na akong pinatay!" Asik ko kay Lucky. Ngayon ko lang lubos na naramdaman ang nerbiyos ko. Late reaction ganern. Tinawanan niya lang ako nang pagak. "Mukha kang timang." "Huwag mo akong matawan-tawanan diyan! Mamatay-matay na ako sa nerbiyos dahil sa'yo! Malas ka talaga sa buhay ko!" Pagkasabi ko niyon ay agad na nawala ang ngiti niya at napalitan ng seryosong mukha. Wala naman akong pakialam dahil totoo naman ang sinabi ko. Siya ng nagdala ng lahat ng kamalasan sa akin ngayong araw. Nagulat ako nang walang paalam siyang lumipat sa backseat na kinauupuan ko. Ang mas nakakagulat pa, isinandal niya ang dalawa niyang kamay sa sandalan ng upuan sa magkabila kong gilid. Para na niya akong niyayakap. Ang mas nakakagulat pa sa lahat ay tumitig siya sa akin habang unti-unti niyang inilalapit ang mukha. Anong gagawin niya? Ang bango-bango niya. Ganito ba talaga ang amoy ng gwapo? Bakit ngayon ko lang nalaman? Kung alam ko lang sana, noon pa ako nanggahasa ng mga gwapong lalaki. Bwahahaha, charot. Gosh, I need air. And water. And earth. And fire. Kailangan kong hiramin ang kapangyarihan ng mga sangre para mapaglabanan ang angking pang-akit ng lalaking ito! Pero... parang ayokong paglabanan. Parang... parang ang landi ko na 'no? "A-Anong ginagawa mo?" Ewan ko kung sinadya niya o nag-iilusyon lang ako ng kung-anu-ano pero parang mas naging mapungay ang mga mata niya at nang magsalita siya ay nag-uumapaw na ng kaseksihan ang boses niya. "Ginagawa ko? Ano nga ba'ng ginagawa ko?" Parang saglit pang nag-isip ang bruho. Pagkatapos niyang paglaruan ng kanyang ngipin ang nakakatakam niyang mga labi ay tumingin siya sa akin. Napasinghap ako nang bongga nang bigla niyang itodo ang pagkakalapit ng mukha namin. Holy water, gadali na lang ang space namin! I can't breathe! Akala ko talaga ay hahalikan niya ako nang gumalaw siya pero assuming lang pala ako. Gumilid pakaliwa ang mukha niya at parang may ibubulong. Nararamdaman ko pa ang mainit niyang hininga sa leeg ko na nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa akin. Sinasalakay ng mga alien ang buo kong sistema. Tumatayo ang mga balahibo ko at parang nakikiliti ang tiyan ko huhuhu. "Alam mo, classmate, patikim lang 'yong ginawa ko. Bale inkling sa mga gagawin ko pa. Kumbaga, sinasanay lang kita. Your punishment, remember?" Ha? Okay medyo off-tangent ang sinabi niya, ang mabilis niyang pagpapatakbo ang tinutukoy niya eh... pero ano raw? Punishment? "It makes sense," narinig kong usal ng dean habang nag-uusap sila ni Lucky. Gustong-gusto kong mag-eavesdrop kaso ang layo nila sa akin bukod pa sa sobrang hina ng boses nila. Maliban doon ay may glass partition sa harapan ko. Pinalayo muna kasi nila ako sa kanila kasi baka marinig ko raw ang pinag-uusapan nila which I find absurd because sooner or later ay sasabihin rin naman nila sa akin iyon. Namamatay na ako sa curiosity dito pero kailangan ko muna silang patapusin. Ilang sandali pa ay sinenyasan na ako ng dean na lumapit. Atubili akong sumunod. "Miss Gomez." "Yes, Ma'am?" "Your punishment..." "What about it, Ma'am?" "I think it would be better if you'll hear it from Mr. Pascua." Humarap ako kay Lucky na seryosong nakahalukipkip habang naka-dekwatro. "Tell me." Muntik pa akong mapatayo nang sabihin niya sa akin ang punishment ko. No, I can't believe it! "Ayoko! Hindi ako papayag!" "It's up to you," balewalang tugon niya. "Ma'am, hindi ka man lang ba tututol?" Nagtatampong tanong ko kay dean. Bakit ang unfair naman yata? Nagkibit-balikat ito. "I think it's for the best." "P-Pero hindi po maaari iyon." "Is there something wrong with it, Miss Gomez?" Natameme ako. Nang hindi ako makasagot kay dean ay kay Lucky ako bumaling. "This is blackmail!" "I don't think it's blackmail. It's more of a compromise. Kapalit ng hindi pagkakasumbong sa magulang mo, I should have the tyrannical regime over you within six months' time. As easy as that." "Hindi ganon kadali iyon gaya ng sinasabi mo!" "Well, you have no choice but to concede with it. Or else..." Napakurap pa ako nang maalala ang nakakabwisit na sandaling iyon. Nang tingnan ko si Lucky ay nakabalik na siya sa driver's seat at parang natutuwa sa pagkatahimik ko. "I didn't agree with it. And I never will do. Not now, not ever!" "You bet?" "Talaga." "Okay. How about if I drive you home right now and tell it straight to your parents so we could get it done and over with?" Napamulagat ako. Ansave? "B-But you can't do that!" "Of course, I can. I can do anything I put my mind to," and then I saw that triumphant yet vicious smile curved on his lips. ***** Lulugo-lugo akong naglalakad pauwi sa kalsada ng subdivision. Galing ako ng computer shop para gumawa ng project. Iyon na lang ang ginawa ko imbes na bumalik pa sa school kanina. Sa kasamaang palad, hanggang humapon na ay wala pa rin akong natatapos dahil sa kakaisip sa problemang kinakaharap ko. Wala ako sa katinuan at nakatingin lang nang diretso sa sa daan. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayaring kababalaghan sa akin. Yes, kababalaghan talaga. Kung ikaw ba hindi ka matatakot kung i-proclaim mo ang sarili mo na wala sa katinuan? "Hindi ako baliw!" Bigla kong kausap sa sarili ko. "Nababaliw ka na e!" "Hindi 'no!" "Wushu! Kung hindi, bakit ka pumayag na ganon-ganon na lang?" "Ineng, sinong kausap mo?" Nginitian ko ang matandang kaharap ko. Shocks, nakakahiya. "Ah, hehehe. Wala po," nag-peace sign pa ako at nagmamadaling naglakad. See? Nakakatakot ang nangyayari sa akin. Na-trauma na yata ko sa mga kamalasang sinapit ko kani-kanina lang. Hindi talaga ako makapaniwala, mga bes. Nagkaroon ako ng problema nang ganon-ganon na lang. I will have to face the consequences of an act I didn't do. And worse, pumayag akong ma-punish. Bwisit naman kasi. Natakot kasi ako kanina. Pagkasabi na pagkasabi ni Lucky na ihahatid niya ako pauwi ay mabilis na nagtangka akong tumakas at agad na hinawakan ang handle ng pintuan ngunit nakalimutan ko na hi-tech nga pala ang kotse ni Lucky. May power-lock iyon kaya hindi ko nabuksan. Nag-hysterical na ako sa loob ng kotse ngunit tumigil din ako nang mapagod at ma-realize na wala iyong maitutulong sa sitwasyon. Nakiusap na lang ako kay Lucky. Un-Lucky-ly, isang buong SONA na yata ang katumbas ng mga sinabi ko, tiningnan niya lang ako nang blangko at tinanong kung papayag na akong maparusahan. Siyempre, tumanggi pa rin ako 'no! Ayun, sinimulan niyang andarin ang sasakyan. Naloka na naman ako. Agad kong nakiusap na itigil niya ang kotse subalit hindi siya nakinig. Ang tanging konsolasyon ko lang kanina ay iyong ideya na hindi niya alam kung saan ako nakatira pero agad iyong nalusaw nang makita kong ang daan papunta sa amin ang tinatahak namin. Holy Neptune, how did he know where I live? Shems! Grabe palang manakot ang gwapong ito. Dahil sa gipit na gipit na talaga ako, kahit tumututol ang lahat ng buhok ko sa kili-kili ay pikit-mata akong sumigaw. "S-Sige! Payag na ako! Payag na ako basta itigil mo itong kotse at bababa na ako!" Muntik pa akong masubsob nang magpreno siya. "How can I make sure that you won't take back what you said?" Naaalala ko pang tanong niya. "Mister, ako'y isang Pinoy na may puso, diwa at isang-salita." Nagdududa muna niya akong tiningan. Pagkalipas ng isang sandali ay sumagot siya. "I don't trust you but I'll hold on to that. You know kahit pa tumutol ka, wala kang magagawa. Binigyan lang kita ng pagkakataon para pumayag for formality's sake. Pero kung sakali mang suwayin mo ako, hindi ako magdadalawang isip na kontakin ang mga magulang mo. At sisiguraduhin kong pagsisisihan mong kinalaban mo ang isang Lucky Pascua." Pagkasabi niya niyon ay nakarinig ako ng mahinang "tick," indikasyon na na-unlock na ang mga pinto. Wala akong inaksayang panahon at kagyat na lumabas. Hindi pa ako nakakaharap nang mabilis na humarurot ang sasakyan. Nasagap ko tuloy ang napakaraming usok. Kaasar. Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang pagngingitngit ko. What should I do? Naku, kung makikilala ko lang ngayon ang gumawa ng vandalism na iyon, mapiprito ko siya nang buhay. Siya ang gumawa ng krimen tapos ako ang magdurusa? Nasaan ang hustisya? Napabuntunghininga na lang ako at napatingala. Madilim na madilim na ang kalangitan. Mapapagalitan na naman ako ni Mama nito. Itinuloy ko na ang paglalakad at ilang sandali pa ay nasa harap na ako ng gate namin. Isinara ko iyon matapos makapasok. Binabaybay ko na ang bakuran nang may sumitsit. "Sino 'yan?" Walang sumagot kaya naglakad na ulit ako. Nasa tapat na ako ng punong-sampalok namin nang may sumitsit ulit. Medyo natatakot na ako kaya tinangka kong tumakbo na ngunit kahahakbang ko pa lang ng isang paa nang mayroon akong matapakan. "Ano 'to? Pwe! Ang baho---aaay!" Sa isang iglap ay naramdaman ko ang pagkahulog ng bag ko at ang paghila ng kung ano sa isang paa ko. Waaa! Mamamatay na ako! Pagmulat ko ng mga mata ay baligtad na ang mundo ko at may naririnig din akong matitinis na hagikhik. Oh, no. Not again. "Mamaaa!" Atungal ko. ***** End of Chapter 2
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD