SHAMAE
"Bakit kasi late ka na namang umuwi bata ka? Iyan, iyan kasi..." anang nanenermong tinig.
Nakatayo ako sa gitna ng sala. Nag-aagaw na inis, galit, sama ng loob at kagustuhang gumanti ang nararamdaman ko kaya alam ko sa sarili ko na nagmistula nang abstract painting ang mukha ko. Kanina ko pa isinusuntok ang kaliwang kamao ko sa kanang palad ko habang nakatingin kay Mama Marjorie na nakapamaywang sa harapan namin.
Imbes na maawa sa kalagayan ko ngayon ay parang nase-sense kong pinipigilan lang ng dakila kong ina ang mapabunghalit ng tawa sa sinapit ko. Gulo-gulo ang buhok ko, nakasabit sa kanang balikat ang bag na walang laman, nasa paanan ang isang supot na pinaglagyan ng mga gamit ko na inimis ko matapos mabubo sa putikan, putik-putik din ang mga paa ko na may suot na iisang sapatos dahil hindi ko pa nahanap ang isa na natanggal kanina nang ibitin ako patiwarik. Higit sa lahat, amoy tae ng baboy ako! Nais kong magwala lalo na nang marinig ko ang impit na hagikhik sa side ko.
"Mama naman eh! May ginawa nga akong proyekto," Atungal ko. Iniisip ko na nga ang problema ko kay Lucky, may panggulo pa. "Bwisit talaga ang mga iyan!"
"Shamae! Ilang ulit ko na bang sinabi sa'yo na huwag mo nang papatulan iyang mga iyan? Mas isip-bata ka pa kaysa sa kanila e," Nanlalaki ang butas ng ilong na talak ni mama.
Lalo naman akong naaning. "Ma! Kita mo naman ang ginawa nila sa akin, kinukunsinti mo pa! Ilang ulit ko ring sasabihin sa inyo na baka lumaki silang abnormal kung ganyan at ganyan na hinahayaan niyo sila. Tingnan mo ang hitsura ko---"
"Hep hep! Istap!" Sansala ni mama na nagdikit ang kilay. "At ilang ulit ko ring sasabihin sa iyo na huwag mo akong didiktahan dahil ako ang nanay mo. Naiintindihan mo ba?"
Napatango ako. "Pero Ma, tingnan mo naman ang sinapit ko. Sa tingin niyo ba, may nakakatuwa sa hitsura ko?"
"Meron."
May napabunghalit ng tawa sa side ko kaya dumako roon ang nanlilisik na mga mata ko. Sa unang tingin ay para silang mga anghel na nanggaling sa langit na walang bahid ng kasalanan. Parang mga tuta na sobrang cute at walang kakayahang gumawa ng masama. Pero kung inaakala niyong kasing-bait sila ng dinosaur na costume nila, nagkakamali kayo. Dahil nagtatapos sa mga mapanlinlang na hitsura nila ang konsepto ng kabaitan. They are actually wolves wearing the sheep coat. They are impulsive, manipulative and deceitful. They are no other than the Gomez twins---Shane and Kristine---the devil personified. Kung hindi ba nama'y paano nila kinayang magset-up ng patibong para sa akin? Patikim lang 'yung kanina. May mas malala pa kaysa dun. I should know, dahil maraming beses na akong nabiktima. Hindi ko alam kung anong nagawa kong kasalanan at binigyan ako ng mga demonyitang kapatid at dalawa pa talaga. Kung pwede lang ako pumatay ng tao, naku!
"Anong nakakatawa? May nakakatawa ba, ha?" Nanlalaki ang butas ng ilong na singhal ko sa kanila.
Hindi man lang sila natinag. Bagkus ay nakangiti lang silang umiling-iling, sabay pa talaga.
"Anong wala?" Parang baliw na asik ko pa. Later, I realized na parang inamin kong katawa-tawa nga ako. Lalo silang napabungisngis. Halos maglabas naman ng apoy ang mga mata ko. "What the f---"
"Shamae!" Saway ni mama.
""That's bad. Don't say bad words, ate Shamae," ani Shane na animo'y santa na walang bahid-kasalanan. Kung ibang tao ang makakakita ay aakalain mo talagang ang bait-bait. But I knew better than that. Don't condemn me why I react like this towards them because I have my reason. I have been too long a recipient of their wickedness. Yet until now, nagugulat pa rin ako sa mga kaya nilang gawin.
"Oh, my baby," saad ni mama at nilapitan pa ang dalawa upang hawakan sa mga mukha. Napaikot ang mga eyeballs ko. ""Tama ang kapatid mo, Shamae. Tingnan mo, mas marunong pa ang mga 4-year old kaysa sa'yo. Atsaka huwag kang magsasalita ng masama lalo na't sa harap pa nila. Kaya siguro ganyan sila dahil kagagawan mo rin."
Napanganga ako. "So, ako pa ngayon ang masama e ako na nga ang naperhwisyo? Mama naman e. Just for once, pwede bang kumampi ka naman sa akin?"
Naghihinampong akong sumalampak sa sahig at nag-acting na parang naiiyak.
"Tigilan mo 'yan Shamae. Mukha kang si Sisa," natatawang pakli ni mama kaya agad din akong tumayo. Nakakainis talaga. "Atsaka hindi kita kakampihan dahil alam kong alam mong mas matured ka kaysa sa mga kapatid mo. Kung nagpapasensiya ka na lang diyan e 'di walang problema. Kaso, mas bata ka pa kaysa sa kanila."
"As if naman na hindi pa ako nagpasensiya sa lagay na 'to?" Nangingitngit na bulong ko.
"Anong sabi mo?"
Maasim ang ngiting humarap ako kay mama. "Wala Ma. Ang sabi ko ang cute-cute talaga ng mga kapatid ko," lumapit ako sa dalawa. "Pakurot nga..."
Siniguro kong mahigpit ang pagkakakurot ko sa mga pisngi nila at masaktan sila. Narinig ko ang pagdaing nila but I was unfazed. Matapos kong sabay na kurutin ang mga pisngi nila ay sabay na hinawakan ko ang mga iyon sabay disimuladong tinapik---nang malakas. "Ang cute niyo talaga."
Nakatalikod ako kay mama kaya libre ang panlilisik ko ng mga mata sa kanila.
"O siya, tama na iyan, Shamae. Baka mabaklas mo pa ang mukha nila sa kakakurot mo. Halata pa namang pinangigigilan mo. Buti na lang mabait ang mga kapatid mo," puna ni mama. "Diba babies?"
"E-he-he. Opo, mama," tagilid ang smile na chorus ng dalawa. Kung ine-expect niyong iiyak sila, sorry to dissapoint you pero hindi. They have their way of retaliating better than crying. Sooner or later, makakaisip na naman sila ng kalokohan.
For the meantime, humarap ako kay mama. "Ma, ano ba. You're practically spoiling these two. Baka dumating ang araw, hindi ka na nila pakikinggan dahil sa tingin nila ay tama lahat ng ginagawa nila. You need to teach them a lesson too once in a while. Hindi naman ganyan sa'kin noon. I think you have a better way of raising me then, kayo ni Pap---"
I held my mouth too late. Nang tingnan ko si mama ay nakatitig lang siya sa akin. Kahit hindi ko natapos ang sasabihin ko, alam kong may nasaling sa kanya.
Kagyat na tumiim ang ngipin ko at naikuyom ko ang mga kamao ko. "S-Sorry Ma. I didn't mean to..."
"Ano ka ba, anak. Bakit ka nagso-sorry? Ikaw talaga. Sinabi ko lang na huwag mong papatulan ang mga kapatid mo, kung anu-ano nang sinasabi mo. Hahaha.."
She's laughing but I know she's just feigning it. Lalo akong nakonsensya. Sa mga nangyari noon, alam kong si mama ang higit na naapektuhan.
"Ma---"
"Kayong talagang mga bata kayo. Kinukunsimi niyo ako. O siya, babalik na ako sa kusina. Inaantala niyo ang trabaho ko e. Baka malapit nang makaluto si Aling Simang ng hapunan, huwag nang kung anu-ano ang ginagawa niyo diyan. Kakain na tayo," malapit na sa pintuan ng kusina si mama nang lumingon siya. "Wala na akong maririnig na away, naiintindihan niyo ba, Shamae, Shane, Kristine?"
Napatango ako. Napa-oo rin ang dalawang bubuwit.
Nang mawala sa paningin ko si mama ay napabuntunghininga ako. I've got out of line a while back. Minsan talaga, may pagka-outspoken ako.
"Hala ka..."
Bigla akong napatingin sa kambal. Naninisi ang mga ngisi nila, jerking their forefingers towards me.
"Ano?"
"You made mama sad."
"So kasalanan ko?"
"Sino pa nga ba?" Ani Kristine. Kung sumagot siya parang hindi siya four years old ah.
"Excuse me, kayo ang may kasalanan nito. Ang kukulit niyo kasi."
"Bad bad, ate Shamae," pumapalatak pa si Shane habang umiling-iling. Mayamaya ay hinawakan nito ang kakambal sa braso. "Lumayo ka sa kanya, Kristine, baka mahawaan tayo ng kasamaan ni ate. Atsaka ng kabahuan niya. Eeew."
"Oo nga. Amoy baboy. Hahaha."
Nagbulungan pa sila sabay tingin sa akin. Pagkatapos ay malademonyong nag-duet sa paghalakhak ang dalawa. They have something up their sleeves again, sigurado ako.
"Anong binabalak niyo, ha?"
Umiling sila. "Ang sama mo talagang mag-isip, ate. Tara na nga, Shane," hinila ni Kristine si Shane. Pinagmasdan ko silang maglakad hanggang sa tumigil sila sa paanan ng hagdan at lumingon sa akin nang nakangisi.
"Ano na naman?"
"Ang panget mo!" Biglang sigaw ni Kristine.
Dagling nanlaki ang butas ng ilong ko. "Anong sabi mo?"
"Sabi ko, ang pangit mo! Bingi!"
"Aba't! Hoy!"
Gumalaw ako upang tumakbo sana but the next thing I knew, sumubsob na ako sa sahig nang dala sa paa ang center table! Nakatali sa paa ng mesa ang shoelace ko!
Nakita kong nag-apir ang mga impakta at tumatawang umakyat ng hagdan. Ikalawa na ito sa mga ginawa nila sa akin ngayong araw. At sinasabi ko sa inyo, these are just the mere tip of the iceberg.
Pumikit ako nang mariin. "Mamaaaa!"
*****
I was awaken by the alarums and excursions of my siblings. Isusubsob ko pa sana ang mukha ko sa unan pero nakakarindi na ang naririnig kong ingay ng kambal. Ang lakas ng tawa nila. Teka? Bakit parang ang lapit-lapit nila sa akin? The last time I checked, nasa loob ako ng kwarto ko. Don't tell me they tresspassed again?
Biglang nagmulat ako ng mata. Ang nakangising mukha nina Shane at Kristine na nakatunghay sa akin ang nabungaran ko. Napabalikwas ako ng bangon. Lumayo sila paatras at tumayo nang tuwid.
"Anong ginagawa niyo rito?"
Hindi sila sumagot. Nagdududa ko silang tiningnan mula ulo hanggang paa. Parang may ikinukubli si Shane sa likod niya.
"Ano iyang tinatago niyo sa likod niyo? May ginawa kayo, 'no?"
"W-Wala. Ang sama mo talaga mag-isip, ate."
"E anong ginagawa niyo rito?"
"Dinalhan ka lang namin ng pagkain. Breakfast ka na po, ate."
Napatingin ako sa sidetable. May nakatray ngang pagkain doon. May isang baso ng umuusok na gatas, may tatlong piraso ng Spanish bread at isang slice ng hinog na mangga.
Parang may kakaiba sa kambal na ito ah. Masyado silang mabait ngayon at hindi ako kumbinsido. Nagdududa pa ring tumingin ako sa kanila.
"Sigurado ba kayong wala kayong inilagay sa mga pagkain na 'to?" Nanliliit ang mga matang usisa ko. Natural na maging mailap ako pagkatapos ng mga ginawa nila sa akin kagabi.
"W-Wala 'no. Kahit tanungin mo pa si Aling Silma. Siya ang nag-akyat niyan," defensive na sagot ni Kristine.
Saglit ko pa silang tinitigan pagkatapos ay dumampot ako ng isang Spanish bread. Kumagat ako doon habang pinapakiramdaman ang sarili. Sa awa ng Diyos ay hindi naman bumula ang bibig ko. Nakahinga ako nang maluwag. Sunod-sunod ang naging pagsubo ko. Nilingon ko sila.
"Oh, ano pang ginagawa niyo dito?"
Hindi sila sumagot at nagtinginan sa isa't isa. Parang nag-usap pa sila sa pamamagitan ng mga mata bago tumingin ulit sa akin na parang pinipigilan ang pagngisi.
"Ano na?"
"Sige na nga. Aalis na kami. Tara, Kristine."
Bago sila lumabas ng pintuan ay lumingon muna sila sa akin. "Ang ganda mo ngayong umaga ate, hehe."
And then the door went shut. Nababaghang sumubo ako ng mangga. Himala, ngayon lang nila ako pinuri. Pailing-iling kong dinampot ang cellphone ko na nakapatong sa tabi ng tray. Pagpindot ko ng home button, bumulaga agad sa akin ang isang text message ng isang unknown number.
'Meet me at the coffee shop in front of our school at 6:30 am sharp. -Lucky'
Nangunot ang noo ko. Paano niya nalaman ang phone number ko? Tsaka kung mag-utos ang lalaking ito para siyang hari ah. Ni hindi man lang bumati ng good morning. Anong akala niya sa akin, alila? Mukha niya. Binibwisit niya ako umagang-umaga.
Magta-type pa lang sana ako sa keyboard nang tumunog ang message notification ko.
'Where are you? I'm on my way to the coffee shop. I hope you didn't forget about our agreement. You know what will happen if you don't concede.'
Bigla akong natauhan sa sinabi niyang iyon. Mabilis kong tiningan kung anong oras na. Eksaktong alas-sais!
"Shocks! Ni hindi pa ako nakaligo!"
Hindi ko na naisip na mag-reply pa bagkus ay mabilis akong tumalon ng kama at nagmamadaling pumasok sa banyo. Maghihilamos na lang ako nang mapasulyap ako sa salamin.
I screamed at the top of my lungs.
"What the heck did they do to my face?!"
*****
Nakabusangot ako nang makatugpa ako sa harap ng Coffeeven, ang coffee shop na tinutukoy ni Lucky. Saktong alas-sais y medya ay nasa entrance na ako. On my way here ay pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko. Hindi sa maganda ako kundi dahil sa kakaiba ang mukha ko. Bagama't kinuskos ko na ang iginuhit na eyeliner ng mga impaktang iyon sa mukha ko, hindi pa rin ito lubusang natanggal. Kaya ang nangyari, nagkalat sa mukha ko ang mga natitirang eyeliner. Nagmukha pa akong dalmatian. Nawalan na ako ng oras na tanggalin ito dahil kay Lucky. Nakakabadtrip.
Hindi pa tuluyang nagbubukas ang coffee shop pero may dalawang customer na sa mga mesa sa labas. They are taking a swig from their coffees with gusto.
Nasaan si Lucky?
Bago tuluyang pumasok ay pasimple akong sumilip sa glass door. May dalawang nakatayo sa counter at may dalawa pang service crew na nag-aayos ng mga mesa at upuan. But there was no sign of Lucky inside. Pinagtritripan ba ako ng lalaking iyon?
Kunot-noo akong pumasok sa loob at dumiretso sa counter. "Excuse me."
Tumingin sa akin ang babaeng crew na kasalukuyang ino-operate ang brewer. Saglit na kumunot ang noo niya nang makita ako. Mayamaya ay ngumiti siya. "Yes Ma'am? Can I have your order, please?"
"Ahm..." Sumulyap ako sa menu. Yayamang naiinggit rin akong magkape, oorder na rin ako. "Isang Caramel Macchiatto, Miss."
Habang inaasikaso ng ibang crew ang order ko ay nagtanong ako sa babae. "Ahm, miss. May dumating ba dito kaninang matangkad na lalaki?" Iminwestra ko pa kung gaano siya katangkad. "Athletic ang katawan, katamtaman lang ang puti niya, tapos matangos ang ilong, mapungay ang mga mata tsaka... mapula ang mga labi."
Nang tingnan ko ang crew ay kakaiba ang ngiti niya sa akin. May nasabi ba akong mali? "It looks like you adore this man so much, Ma'am."
Nang ma-realize ang ibig niyang sabihin ay agad akong napailing. "Hala, hindi ah. Nagkakamali ka, Miss. Hindi ko crush 'yun ano. D-in-escribe ko lang siya."
"Wala naman akong ibig sabihin sa sinabi ko, Ma'am," she laughed and gave me a knowing smile afterwards. Tsk. "Ano naman pong kailangan niyo sa lalaking sinasabi mo?"
"Sinabi niya kasing pumunta ako dito dahil papunta na daw siya. Pero it seems na wala pa siya so..."
"Lucky Pascua," saad niya.
Bahagyang namilog ang mga mata ko. "You know him?"
"Bakit naman hindi, Ma'am? Regular visitor siya dito atsaka balita ko sikat siya diyan sa katapat na school."
Tumango ako. "So wala nga siya dito?"
"Nandito siya kanina, Ma'am. Lumabas lang sandali dahil may nakalimutan daw. Sabi niya babalik siya tsaka binilin niya rin na kung may darating daw na babae ay hintayin siya. Obviously, ikaw 'yun. Umupo ka na lang sa isa sa mga upuan diyan while waiting, Ma'am. Your coffee will be served in a minute."
Sinundan ako ng tingin nung crew habang papunta ako sa isang mesa. Kahit nang makaupo na ako ay pasulyap-sulyap pa rin siya sa akin habang nakapaskil sa labi niya ang kakaibang ngiti. Wait, baka dahil sa mukha ko kaya siya tingin nang tingin?
Nang maalala ang ginawa ng mga kapatid ko ay kumulo na naman ang dugo ko.
Nasa mesa ko na ang umuusok na kape nang ilabas ko sa bag ang salamin at wipes. Humigop muna ako bago humugot ng isang piraso ng wipes.
Todo talak ako habang pinupunasan ang mukha ko. Natusok ko pa ang butas ng ilong ko. Ang sakit huhuhu. "Mga bwisit na 'yun. Impakta talaga. Isa pa talaga, ipapatapon ko na sila sa Pluto. Naku, sinisira nila ang mala-diyosa kong ganda---"
"You're here."
Nasansala ang pag-aalburuto ko nang may magsalita sa likuran ko. Baritono at hindi maipagkakailang gwapo ang boses nito. Tiningan ko siya sa repleksiyon ng salamin.
Humarap ako kay Lucky. "Oo, nandito nga ako. Common sense, ano ba."
He just twitched his lips instead of saying anything in return. Umupo siya sa katapat kong silya and for a matter of seconds ay pinagmasdan niya ang mukha ko. Iniiwas ko naman ang paningin ko. Gosh, bakit siya ganyan? Inaakit ba niya ako? Chos.
"Your make-up looks ghastly," mayamaya ay komento niya.
My bubble suddenly burst. Pinanliitan ko siya ng mata. "Mind your own business."
Mapang-insultong tumaas ang kaliwang kilay ni Lucky. "Just to remind you, you are technically my business, lady."
"Pardon?"
"I expected you to have a bout of selective amnesia..." ipinagdiinan niya talaga ang word na 'selective', "kaya ipapaalala ko ulit sa'yo. You will be my slave for six months as a payment for my ruined t-shirt at alternative punishment sa ginawa mong pagsuway sa rules ng school. And your service starts officially today."
"Agad-agad?" Gulat na tanong ko.
"Yes. I'm a man who values time so much and I don't want any second of my time goes to waste. Which reminds me, may atraso ka pala sa akin."
"Excuse me, I came here just in time. Sumunod ako sa sinabi mo."
"It's not about that. Alam mo bang sa tanang buhay ko ay wala pa ni isang nagtangkang pumintas sa akin?" Nakita ko ang panlilisik ng mga mata niya.
"So? Anong kinalaman ko dun?"
Pambiihirang lalaki na 'to. Nais niya pa yatang magmayabang sa akin. If that's the case... may justice hahaha.
Mabilis na dinukot niya ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon niya. May pinindot siya doon bago iniabot sa akin iyon. Nagtataka ko namang inabot ang aparato at agad na tiningnan ang screen.
Nagdikit ang kilay ko. Bukod sa nakasave na pangalan ko na "My Slave" (ang walanghiya) ay ang dalawang text message niya sa akin ang agad na nagpakita. Alas singko y medya ang nauna niyang mensahe, bale trenta minutos din ang lumipas bago niya ipinadala ang pangalawa. Wala naman na akong nakitang kakaiba.
"Marunong akong magbasa. Naintindihan ko lahat ng sinabi mo dito," iniabot ko na sa kanya ang cellphone pero hindi niya tinanggap.
"Sigurado ka bang binasa mo lahat?"
"Yeah."
Parang nainis siya sa kawalang-interes ko. "I sent you a message. Naghintay ako ng mahigit isang oras para sa 'matinong' reply mo pero wala ni isa kahit man lang 'yung guarantee na pupunta ka dito."
"Iyon ngayon ang ipinagpuputok ng butse mo? Ala e, sorry na. Hindi na po mauulit, kamahalan."
"No, not that. Alam kong alam mo kung bakit. Huwag kang magmaang-maangan, Miss Gomez."
Clueless akong tumitig sa kanya. Promise, hindi ko talaga alam ang pinagsasasabi ng lalaking ito. Masyado naman niyang kinakarir ang pagiging superior sa akin. Porke't may kasalanan ako sa kaniya?
"Hindi ko alam."
Lalong tumalim ang mga mata niya. "Are you sure? Well, basahin mo nga sa harap ko ang mga messages diyan sa hawak mo."
Noon ko lang napansin na nasa akin pa rin ang cellphone niya. Agad kong binasa sa kaniya ang mga mensahe niya.
"...you know what will happen if you dont concede..." In-scroll ko pa pababa at nagulat ako nang may nakita akong isang reply. Isang reply na galing sa... sa akin?
Wait, sa pagkakatanda ko ay hindi na ako nagreply dahil sa pagkaaligaga. Anong ibig sabihin nito?
Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya.
"May isa ka pang hindi binabasa, Miss Gomez. I'm waiting."
Napalunok ako. Halos ayokong bigkasin ang nakasulat sa message box pero nagbabanta ang titig ni Lucky.
"S-Sino... ka? A-ang pangit... mo..."
Uh-oh.
Napaangat ang tingin ko kay Lucky. Hindi na maipinta ang mukha niya.
"Now tell me, Miss Gomez. Am I supposed to feel insulted?"
"Ah eh. Eh kasi... He-he-he."
Biglang namawis ang kili-kili ko. Sigurado akong hindi ako ang nag-reply pero may ideya na ako kung bakit nagkaroon ng ganoong message sa inbox ni Lucky.
Those cotton-picking scab!
"What? Cat got your tongue?"
Dahil walang maisagot ay diretso kong nilaklak ang laman ng tasa ko. Hindi ko na naramdaman ang init niyon dahil sa pagkahiya.
Tumikhim ako.
"Makabisita nga dito sa susunod. Ang sarap pala ng kape nila rito. Parang hindi kape... parang caramel hehe," kung anu-ano nang lumabas sa bibig ko para mailayo ang usapan.
"Gusto mo?" Alok ko kay Lucky pero na-realize kong naubos ko na pala lahat kaya inabot ko na lang sa kanya ang plastic na kutsara. He just stared at it nonchalantly.
Dahil sa wala nang akong maisip pagbabalingan ng kaba ay ang mug na lang ang pinanggigilan ko. Nagkunwari akong busy sa paghigop sa mug.
Mayamaya ay nagsalita si Lucky, ignoring my nonsensical remarks.
"I won't let that pass and I'll make sure you will pay for it. Next time perhaps. Anyway, are you ready?"
"Ha?"
Ready saan?
*****
End of Chapter 3