Story By AINCOGNITOM
author-avatar

AINCOGNITOM

ABOUTquote
LEAVE THE TABLE IF RESPECT IS NO LONGER BEING SERVED.
bc
VENGEANCE
Updated at Jan 22, 2021, 02:26
R**e. Yan ang dahilan kung bakit namatay ang kaisa-isang kapatid ni Timotheus na siyang nag-iisang rason kung bakit pinipilit niyang maging isang mabuting tao sa kabila ng itim na itim na dugong dumadaloy sa mga ugat niya. Barkada. Sarili niyang mga kaibigan ang siyang dahilan kung bakit tumigil ang tibok ng puso ng pinakamamahal niyang kapatid. Mga kaibigan niya na pinagkatiwalaan niya. Mga kaibigang tinuring niyang kapatid pero sa huli'y pinili paring pagtaksilan siya. Kaya ngayong wala na ang kaisa-isahang tao na nagpapanatili ng kabutihan sa puso niya at gumagabay ng tamang daan ay tila ba nawalan na ng saysay ang mga pangarap niya. Ang noo'y malinaw pa sa tubig na ambisyon ay unti unting lumalabo. Ang mga ngiti na sobrang liwanag ay unti unting dumidilim. Ang mga matang naging bintana sa kung ano man ang tunay niyang nararamdaman ay naging sarado. Ang mga desisyon na tila ba di sigurado. Pero isang bagay lang ang sinisigurado niya. Lintik lang ang walang ganti.
like