Story By Juliana S.
author-avatar

Juliana S.

ABOUTquote
IF I CAN WRITE MY OWN STORY, IT WILL BE PERFECT. CHECK OUT MY WATTPAD ACCOUNT @YourDarkSide13 FOR MORE STORIES!
bc
Superno Academy: Shadow Prince
Updated at Nov 9, 2020, 01:49
"Lalaki ang inyong anak," nakangiting sambit ng komadrona habang ibinabalot sa tela ang sanggol. "May anak na tayo Kier!" bagama't nanghihina ay nakangiting bumaling ang babae sa asawang nasa kanyang tabi. Kapansin-pansin naman ang pagkabalisa ng lalaking nagngangalang Kier. "Hindi ka ba masaya?" nag-aalalang tanong ng babae. Isang pilit na ngiti ang iginawad ng lalaki sa kanyang maybahay. "Masaya ako, Sandra." "Bakit ganoon," sabi ng komadrona habang nakatitig sa sanggol na natutulog na. Naagaw naman ang atensyon ng mag-asawa. "Ano'ng problema?" lumapit kaagad si Kier sa anak. "Wala akong maramdamang kahit ano'ng aura sa sanggol." Natahimik ang tatlo. Lahat ay nakatitig sa sanggol na walang kamalay-malay sa nangyayari sa kanyang paligid. "I-imposible." hindi makapaniwalang bulong ni Sandra. "Pareho kayong makapangyarihan," ani ng komadrona. "Nakakapagtaka at wala akong maramdaman na kahit ano sa inyong anak." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Kier bago binuhat ang sanggol. "Maaari ka nang umalis Elizabeth," malamig na sabi ni Kier habang naglalakad papalapit sa asawa. Yumukod naman ang komadrona. "Masaya ako at nabuo na ang pamilyang matagal n'yo nang pinapangarap." Nang akmang lalabas na ng pinto ang babae ay bigla naman nagsalita ulit si Kier. "Wala sanang makakaalam nang bagay na ito." "Makakaasa kayo." Ilang sandali ang lumipas. Nananatiling nakatitig lang si Kier sa sanggol na nasa tabihan na ni Sandra. "Natatakot ako Kier," basag ni Sandra sa katahimikan. "Paano kung may problema nga sa ating anak? Paano s'ya tatanggapin ng society? Ano na lang ang buhay na dadanasin n'ya?"
like
bc
Say you love me... too
Updated at Nov 9, 2020, 01:45
Hinding-hindi daw sya magkakagusto sa babaeng mahina ang utak, nasa bottom section at palaging lutang. For short, ako iyon. Paano ko ba mapapaibig ang lalaking nuknukan ng sungit at suplado? Lalo na at nakatakda kaming ikasal dahil sa kasunduan ng aming pamilya? Matutunan din kaya nyang mahalin ako? ***** Started: april 6, 2020 Ended: may 13, 2020
like
bc
Alexithymia
Updated at Sep 14, 2020, 03:17
Anong mangyayari kapag nagkakilala ang dalawang tao na magkaiba ng paniniwala? Ang isa ay naniniwala sa pag-ibig habang ang isa naman ay walang kakayahan na makaramdam ng pagmamahal? Nang dahil sa isang pakiusap ng kaibigan, napilitan si Jewel na pumunta sa isang blind date para sabihin na hindi makakarating si Grace. Ngunit iba ang una nyang naramdaman nang makita ang napakagwapong binata na ka-meet sana ni Grace. Muli ay bumilis ang tibok ng kanyang puso at sa pangalawang pagkakataon ay humanga sya sa isang lalaki. Ngunit kaagad naglaho ang paghanga na nararamdaman nya nang makausap ang binata. Napakadirekta nitong magsalita. Prangka at ipinamukha kaagad sa kanya na hindi sya pasado sa qualifications nito sa magiging asawa. Isinampal din kaagad sa kanya na magkaiba sila ng mundo, napakayaman nito samantalang sya ay hindi. Forgetting how handsome this guy is, she left him. Ngunit hindi nya inaasahan na susulpot ito muli sa buhay nya na walang sapat na dahilan. Wala itong ginawa kundi ang sundan sya at kulitin. Hindi man nya gusto ang kagaspangan ng ugali nito, nahulog pa din sya sa mayamang binata. Ngunit habang unti unti syang nahuhulog ay saka nya nadiskubre na isa itong Alexithymia. Paano nya mamahalin ang isang lalaki na walang kakayahang makaramdam at magbigay ng pagmamahal? Masasaktan na naman ba sya?
like