M2M - Tagalog Love Story Writer
⚠PAALALA: Ang kwentong ito ay Rated SPG na hindi angkop sa mga batang mambabasa.
➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡
Hindi alam kung ano ang sasabihin ni Joshua kay Richard. Hindi niya alam kung saan mag-uumpisa, hihingi ng tawad dahil sa nagawa nilang dalawa o kaya'y magpapasalamat dahil safe siya sa gabing iyon at paghatid sa kanilang bahay.
Naguguluhan, nahihiya, kinakabahan ang kanyang nararamdaman sa sandaling iyon. Nang biglang binasag ni Richard ang gulo ng isip ni Joshua.
"Oh, bakit??!! Anong iniisip mo? Kalimutan mo.na yon, okay lang iyon!" sabi niya kay Joshua.
"Ha??? A-ako... nag-iisip?? Wala....!" pautal-utal na sinabe ni Joshua na halos maihi na siya sa hiya.
"Kanina ka pa eh,... tulala, daming iniisip! Huwag kang mag-alala, lihim lang natin iyon!"
"Haaaa?!"
"At isa pa, walang may nangyari sa atin! Pinahirapan mo pa nga ako eh, ambigat mo!" biglang napahiya si Joshua.
"Talaga, Richard? P-pasensya ka na lasing lang talaga ako!"
"Oo, alam ko! Yun nga pala, hindi ako kumuha ng pera mo binilang mo ba lahat? Baka kasi sabihin mong, ninakawan kita!"
"Hindi naman... at sana, kalimutan na natin iyon tutal wala naman palang nangyari!"
at doon, nakahinga nang maluwag si Joshua dahil sa sinabe sa kanya ni Richard......