Owned by Obsession M2M [MPREG]Updated at Nov 10, 2026, 05:54
OWNED BY OBSESSION
An MM Romance | Mafia | Dark Romance | Thriller | Rom-Com | MPREG"He was born to control everything-until he met the one person who refused to obey."Sa mundong pinamumunuan ng kapangyarihan, pera, at dugo, natutunan ni Zephran Devereaux na ang tiwala ay kahinaan at ang pag-ibig ay isang panganib na hindi dapat suungin.
Bilang tagapagmana ng isa sa pinakamakapangyarihang mafia families sa bansa, sanay siyang sumunod ang lahat sa bawat utos niya. Isang tingin lang niya, sapat na para manahimik ang mga tao. Isang desisyon lang, maaaring magbago ang buhay ng isang tao-o tuluyang magwakas.
Cold, calculating, possessive, and dangerously intelligent, Zephran has always believed that emotions are weaknesses that enemies can exploit. Para sa kaniya, everything has a price, everyone has a secret, and nobody deserves his trust.Until one unexpected night, he met Caelum Rosenthal.
Isang ordinaryong lalaki na walang balak makialam sa marahas na mundo ni Zephran. Matapang, palaban, independent, at may bibig na tila hindi marunong matakot, si Caelum ang unang taong hindi basta yumuyuko sa harap ng isang Devereaux.
Hindi siya sanay sa mga lalaking tulad ni Zephran-mga lalaking akala mo ay kayang bilhin ang buong mundo at kontrolin ang bawat taong nasa paligid nila. At higit sa lahat, hindi niya kayang manahimik kapag alam niyang mali ang isang tao, gaano man ito kayaman, kalakas, o kapanganib.
Dapat isang gabing puno lang ng dugo at gulo ang pagtatagpo nila.Isang simpleng encounter. Isang sugatang estranghero. Isang lalaking nagkataong nasa maling lugar sa maling oras.Pero minsan, ang pinakamaliit na desisyon ang nagiging simula ng pinakamalaking pagbabago.
Welcome to OWNED BY OBSESSION.Where love is dangerous, loyalty is tested, secrets refuse to stay buried, and the line between obsession and devotion becomes dangerously thin.