Story By TheLadder89
author-avatar

TheLadder89

ABOUTquote
I have no talent in writing, I am just imaginative. My mind explore the world while my body sleeps... pwede ba yun? Maybe. Most of what I write, I dream it. "Write what you dream and dream what you write." Yesterday is over. Tomorrow is not guaranteed. Today is a present, it gives you joy, hope and love. SMILE! GOOD VIBES! GOD BLESS!
bc
Destiny's Game
Updated at Aug 14, 2020, 12:30
Minsan kasi ang buhay ng tao ay parang laro lang yan ng taguan pong at habulan o di naman kaya ay patintero. Kung tataya ka ngayon, mananalo ka ba? Depende. Bukas, tataya ka ba uli? Paano naman kung napasamaka sa isang sitwasyon na hindi ka naman kasali sa laro pero bakit parang pakiramdam mo ay kailangan mo ng maghabol, maghanap at humarang at sa parehong pagkakataon ay gusto mong tumakbo at magtago. Hindi mo naman ginusto ang mapasok sa ganoong sitwasyon , sa kasamaang-palad napasok ka pa rin. Ano ang gagawin mo? Sabi nila ganun daw basta tadhana na ang nag-utos, hindi mo daw talaga kayang iwasan. Matakasan mo man daw ang utos ng iyong mga magulang pero hindi tadhana. Eh di ba ang tadhana ay katulad din yan ng kapalaran? Hindi ako naniniwala sa mga ganyan. Hindi ko naman kasi mararating ang kinaroroonan ko ngayon kung hindi ako nagsikap sa pag-aaral. Kung hindi ako nagtyaga na mapuyat gabi-gabi para makuha ng matataas na grado sa klase. Pinagsikapan ko at pinaghirapan ko na maiahon sa kahirapan ang mga magulang ko at ang sarili ko. Kaya ngayon, hawak ko na ang kapalaran ko. Nasaan doon ang tadhana? Kaya walang tadhana kung walang magsisikap.
like