13.051K
VISITORS
1.258K

ABOUT ME

ABOUT ME

FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Marianne

CRAZY DEAL

CRAZY DEAL

45.684K Reads

Architect Miles Muñoz, isang matapang, palaban at kabigha-bighaning probinsyana. Nasa kan'ya na ang lahat pero lingid sa kaalaman ng iba ay ginapangan na siya ng pagkabahala sapagkat sa edad na 29 ay ni minsan hindi pa niya naranasan ang magkanobyo. Gusto na niyang magkaanak at magkapamilya pero paano nga ba, gayong kahit isang manliligaw nga lang ay wala siya? Engineer Jeffry Shaun Villafuente, isang matagumpay at mayaman na business tycoon. Isang happy-go-lucky guy at certified playboy. Walang sineseryosong babae maliban sa ala alang iniwan ng masakit na nakaraan. Nagtagpo ang landas nilang dalawa dahil sa proyekto ng kanilang kompanya na naging mitsa sa kanilang pagkakaibigan. "What? You are looking for a baby maker?!" tila nawala ang pagkalasing ni Jeff. They were at the bar again, drinking. "Yes! Since wala naman akong boyfriend, pwede na siguro 'yon. Atleast may mag-aalaga sa akin pagtanda 'di ba?" labas sa ilong niyang sagot. "Why don't you ask for my cells then? By that, you don't have to look far." Sumilay ang pilyong ngiti sa labi nito. "Sa bagay pinamimigay mo lang naman kahit kanino iyang sperm cells mo. Fine. Just give me a baby, no more no less. How's that?" Isang desisyon na kahit siya ay lihim na nangamba. "Great. Your wish is my command!" And he then released his teasing smile. Right there and then, a CRAZY DEAL has been sealed.

Updated at

Read
LOCKED BY THE BACHELOR

LOCKED BY THE BACHELOR

53.464K Reads

“I thought leaving you means healing, forgetting and a total freedom. But it was not. I was wrong again. Because seeing you now awakes everything in me. The pain, the love. I was able to live even happier within nine long years alone, for Christ’s sake! Akala ko wala na, akala ko okay na, eh. 'Yon pala natutulog lang din ng siyam na taon at ngayon ay ginising mo pa. Parang awa mo na,ayoko na,” sambit ni Cian sa pagitan nang bawat hikbi. Buong higpit siyang niyakap ni Zach na parang ayaw nang pakawalan pa at ipinilig ang ulo niya sa dibdib nito. Dinig na dinig niya ang bawat pintig ng puso nito at ang paminsan-minsang pagsinghot. Saka lang niya napansin na umiiyak na rin pala ito. “I am afraid to say, I can’t. Look, we’ve wasted nine years, Babe. I was wrong all the way na hinayaan kitang umalis sa buhay ko. Akala ko kaya ko, akala ko it will just pass by. 'Yon pala nine years ko ring hinahanap ang katauhan mo sa iba. Please don’t do that again. Don’tever leave me again, Babe, dahil 'di ko na yata kakayanin,” halos pabulong ng sabi ni Zach. “Please, promise me,” sabi nitong nangingilid ang luha sa mata. Bilang tugon ay marahan siyang tumango. Hindi na siya makapag-isip pa. Iniharap siya nito at ikinulong ang mukha niya sa pagitan ng mga kamay nito saka dahan-dahang hinalikan ang kanyang noo, ilong at papunta sa kanyang...mga labi.

Updated at

Read
The Cold-Blooded BILLIONAIRE

The Cold-Blooded BILLIONAIRE

281.704K Reads

Hilam sa luha ang mata ni Jacob nang harapin ni Mae sa labas ng kanilang bahay. Lumuhod ito sa harap niya, nagsusumamo. "Ano pa ba ang ginagawa mo rito? Ganyan na ba kakapal ang mukha mo? Hindi na kita mahal Jacob, alin ba sa sinabi ko ang hirap kang intindihin?" bulyaw niya rito. Pero sa bawat bigkas niya ng salitang iyon ay kabaliktaran ng kanyang nararamdaman. "Love, 'di ba sabay nating bubuuin ang mga pangarap nating dalawa? Malapit na, oh? Kunting tiis na lang. Nangako naman tayo sa isa't isa 'di ba na tayo lang hanggang wakas? 'Wag mo naman akong iwan, love, please." Kita niya ang hirap sa mukha nito at pagsasalita. Bahagya pa itong pumiyok sa huling linya. Umiling siya. "Tama na. Huwag mo nang paasahin ang sarili mo. Hindi tayo magka-level at iyon ang totoo. Hindi ko maaatim na makatuluyan ang isang hamak na hampas-lupa lamang. Sana ay huli na nating pagkikita ito, nakakasura ang pagmumukha mo!" sabay talikod at malakas na sinarado ang gate. Rinig niya sa labas ang pagtawag nito sa kanyang pangalan. Kasabay nang malakas na pagbuhos ng ulan ay ang walang humpay na pag-agos ng kanyang luha. Tila hiniwa ng sandamakmak na kutsilyo ang puso niya. 'Sana'y maunawaan mo balang araw, love, kung bakit ko ito ginawa.' sambit ng isip niya. Ilang taon na ang lumipas. Itinuon ni Mae ang isip at katawan sa trabaho. Naging maganda ang balik sa kan'ya ng kapalaran. Sa loob ng dalawang taon ay nasungkit kaagad niya ang posisyon bilang Finance Manager. Hanggang isang araw, isang 'di inaasahang bisita ang dumating. Ang bagong may-ari ng kompanyang pinagtatrabahoan niya. The new version of Jacob. Kakayanin kaya niyang tiisin ang malamig na pakikitungo nito sa kan'ya?

Updated at

Read
FATED Possession

FATED Possession

1.987K Reads

Whatever happens, she would never like Gregor Emperial ever! Iyon ang pangako ni Brianna Del Cuizon sa sarili pagkatapos nakawin ng binatilyo ang first kiss niya sa mismong gabi ng engrandeng kaarawan ng kanyang ama. Para sa kanya, ito ang kahuli-hulihang taong nanaisin niyang makita kung sakaling magunaw man ang mundo. Ngunit sadyang mapaglaro sa kan’ya ang kapalaran at pilit silang pinaglalapit upang pagbuklurin habang buhay. Si Gregor Emperial na anak ng mayamang negosyante at matalik na kaibigan ng kanyang ama, ang maangas at nag-uumapaw sa ka-preskohan, mahaba ang buhok at rugged kung manamit kaya itinuring na bad boy ng mga nakakakilala rito, ay ang bukod-tanging napisil ng kanyang ama upang maging asawa niya. Kasama ng pagre-rebelde niya dahil sa kahigpitan ng ama ay ang pag-iwas niya sa kanyang fiancé. She wanted to give her father a scornful laugh when he named her a spoiled brat, samantalang wala namang pinagkaiba sa kan’ya ang napisil nito para pakasalan niya. Magtagumpay kaya ang fixed marriage na plano ng kanilang mga magulang? What will happen when a spoiled brat paired with a bad boy?

Updated at

Read

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.