Story By CDLiNKPh
author-avatar

CDLiNKPh

ABOUTquote
If you want to buy digital copies of my books na completed na, just go to Google Play then click book tab tapos Search n\'yo lang, CDLiNKPh OR just send a message in my F B , just search CDLiNKPh para masabi ko po ang process. If you\'d like to support me in creating more stories in the future, you can donate here: GCASH: 09152881691 MAYA: 09910091691
bc
8. Innocent Love
Updated at Mar 30, 2025, 01:50
Isang pag-ibig na nag-umpisa sa isang inosenteng pag-ibigan simula pa lamang sa pagkabata. Pero paano kung mawala na lang bigla ang isa sa kanila? May pag-asa pa bang mabalik ang pag-ibig na napunta na sa iba? --- First love ni Cane si Ivy kaya naman hinanap niya ito. Para lang magulat nang malaman na hindi na pala prinsepe ang hanap nito kundi isa na ngayong prinsesa! Pero hindi susuko si Cane. Hindi siya makapapayag na maging lesbian ang first love niya na hanggang ngayon ay minamahal pa rin niya. Pinanghahawakan niya ang pangako nila sa isa't-isa noon ni Ivy bago sila magkalayo na sila pa rin ang magpapakasal pagdating ng panahon. Pero paano kapag nagkagusto kay Cane ang itunuturing na 'prinsepe' ni Ivy na si Alexa? Paano kung magkasira sina Ivy at Alexa nang dahil lamang sa pag-ibig niya? Paano kung kamuhian siya ni Ivy dahil ang mahal nito ay siya naman ngayon ang mahal? Ano'ng gulo ito? Mahal niya si Ivy. Mahal nito si Alexa at mahal naman siya ni Alexa! Sila pa rin kaya ni Ivy sa bandang huli?
like
bc
19. The Girl Between Us.
Updated at Mar 28, 2025, 00:06
Hanggang kailan ang kaya mong gawin para sa taong mahal mo? Ang magpanggap na lalaki para gantihan ang bagong girlfriend niya, gagawin mo ba? -- Hanggang saan ba ang kayang gawin ng isang pusong bigo at baliw na baliw sa pag-ibig? Para kay Serenity, walang ibang lalaking kayang pumalit sa puso at isipan niya kundi si Jeremy lang. Si Jeremy na kahit pinagpalit na siya sa ibang babae ay mahal na mahal pa rin niya. Si Jeremy na ibinaon na lang siya sa limot bigla pero siya ay patuloy pa rin na nagmamahal dito. Si Jeremy ang pangarap niyang lalaki na natupad pero sa isang iglap ay naglahong parang bula… Dahil desperada na makaganti sa mga taong nanloko sa kanya at makuha ulit ang pag-ibig na nawala ay nagpanggap siyang lalaki para pag-trip-an sa internet ang kasalukuyang girlfriend ni Jeremy na si Trixie. Naisip niya na kung ma-i-in-love sa kanya si Trixie bilang lalaki ay hihiwalayan nito si Jeremy at mawawasak pa ang pride nito kapag nalaman na isa talagang siyang babae. Makukuha pa niya ulit ang pag-ibig na iniisip niyang para talaga sa kanya. Si Jeremy. Pero paano kung unti-unti ay makita na rin niya ang mga magagandang katangian ni Trixie? Paano kung makita niya ang sarili na nagkakaroon na rin ng concern sa babaeng kinamumuhian at naging dahilan para maghiwalay sila ng boyfriend niya? Itutuloy pa ba niya ang paghihiganti o maiiwan ulit siyang luhaan?
like
bc
21. She's Mine!
Updated at Mar 26, 2025, 02:10
Dino at Harmony. Magkaribal sa iisang babae. But what if, ang rivalry ay mauwi sa love? Gugustuhin pa ba nila si Dina kung feeling nila ay sila na ang para sa isa't-isa? --- Palaging nagiging magkaribal sina Dino at Harmony sa lahat ng bagay pero paano kung pati sa iisang babae ay maging magkaribal din sila? Mapapatunayan ba ni Dino na ang babae ay para sa isang lalaki o si Harmony ang makakapagpatunay na kaya rin niyang pantayan ang pagmamahal ng isang lalaki? Sino ang pipiliin ng love of their life na si Dina? Paano kung maging mapaglaro ang tadhana at bigla na lang maging malapit sa isa't-isa sina Harmony at Dino? Si Dina na ba ang magiging out of place? Sino ba talaga ang para kanino?
like
bc
5. Ang Hiram Na Pag-Ibig
Updated at Mar 6, 2025, 23:40
May asawa na si Amber but when she got an amnesia, she find herself falling in love with other man instead. Nagpanggap silang mag-asawa to save herself but what if magkita silang muli ng kanyang tunay na asawa?
like
bc
2. The Necklace
Updated at Mar 6, 2025, 23:04
Tumakas si Nikki sa force marriage na gustong gawin ng obsess niyang kababata na si Saion. And to look for her boyfriend, Christian as well. But what if makita nga niya ito pero bilang ibang tao na at ikakasal pa ngayon sa iba! Sila pa rin kaya sa huli?
like
bc
3. Is It Wrong To Love You?
Updated at Mar 6, 2025, 22:48
Carlo can no longer bear his feelings. He wants to tell Colleen that he loves her—not as a sister, but as a woman. But how will she react when she finds out she’s only adopted? --- Si Colleen. Isang babaeng naampon ng mag-asawang Bong at Eula. Inosente, mabait at malambing. Lahat ng tao ay naaaliw at natutuwa sa kanya. Paano kung malaman niya ang tunay na pagkatao na ampon lang pala siya? At paano kung maipit siya sa pagmamahal ng tatlong lalaki na handang gawin lahat para makuha ang puso niya? Sino ang pipiliin niya? Ang Kuya Carlo ba niya na nag-iisang anak ng mga taong nag-ampon sa kanya at lalaking tinitingala at hinahangaan niya? Paano kapag nalaman niya na umiibig pala ito sa kanya? Si Jake Pineda na isang Pop Idol at pinapangarap niya kahit sa malayo. Masaya na siya na pinapanood lang ito. Pero posible bang magkaroon ng feelings ang isang artista sa isang fan lang? O ang bigilante at gangster na si Elijah na hindi tumatanggap ng salitang hindi. Paano kung handa itong pumatay para lang makuha siya? Saan hahantong ang obsession nito para sa kanya? Tatlong puso laban sa iisang puso. Sino ang magwawagi?
like
bc
1. Ang Lihim Ng Kahapon
Updated at Mar 3, 2025, 03:58
Si Zoey isang maganda, simple at matalinong babae na pinalaki ng dalawang unano. Kahit laki sa hirap ay nananatili siyang may positibong pagtingin sa buhay at naniniwala siya na darating ang panahon na magagawa rin niyang maiahon sa hirap ng buhay ang mga magulang sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti. Dumating siya sa punto na naipit siya sa pagmamahal ng dalawang itinuturing na tagapagmana ng mga Recaporte. Sina Angelo at Nathaniel. Pero paano kung matuklasan niya na mas may malalim pa pala siyang koneksyon sa mga ito nang higit pa sa kanyang inaasahan? Paano kung malaman niya na katulad ng mga ito ay siya pala dapat ang maging karapat-dapat na maging tagapagmana ng mga Ricaporte? Ano nga ba ang itinatagong lihim ng kahapon?
like