bc

21. She's Mine!

book_age4+
0
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
HE
opposites attract
sweet
lighthearted
campus
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Dino at Harmony. Magkaribal sa iisang babae. But what if, ang rivalry ay mauwi sa love? Gugustuhin pa ba nila si Dina kung feeling nila ay sila na ang para sa isa't-isa?

---

Palaging nagiging magkaribal sina Dino at Harmony sa lahat ng bagay pero paano kung pati sa iisang babae ay maging magkaribal din sila? Mapapatunayan ba ni Dino na ang babae ay para sa isang lalaki o si Harmony ang makakapagpatunay na kaya rin niyang pantayan ang pagmamahal ng isang lalaki?

Sino ang pipiliin ng love of their life na si Dina? Paano kung maging mapaglaro ang tadhana at bigla na lang maging malapit sa isa't-isa sina Harmony at Dino? Si Dina na ba ang magiging out of place? Sino ba talaga ang para kanino?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Prologue.
CHAPTER 1: Prologue. Written by: CDLiNKPh EXCITED si Dino dahil monthsary nila ngayon ng girlfriend na si Maxine. Kaya nga sobrang nagpagwapo siya ngayon, e. Lahat ng ipon niya ay winidraw niya sa bank book niya dahil gusto niya na maging special ang araw na iyon. Dalawang taon pa lang sila ni Maxine pero sigurado na siya na ito na ang gusto niyang makasama sa habang buhay. Kaya naman ito na ang moment of truth! Magpo-propose na siya kay Maxine! Ngayon nga ay kasalukuyan silang nasa labas ng school at kanina pa hinahintay na lumabas mula roon si Maxine. Medyo malamig ang paligid dahil magpapasko na pero hindi na niya alintana pa iyon, makita lang niya ang babaeng pinakamamahal. Napangiti siya nang matanaw ang girlfriend niya. Agad na niyang sinenyasan ang mga kasama niyang barkada na mag-umpisa ng tumugtog. Sumunod naman ang dalawa sa mga ito na may hawak na gitara, habang ang tatlo pa sa mga kaibigan niya sa likuran niya ay may hawak na malaking tarpaulin at puro sweet pictures nilang dalawa ni Maxine ang nakalagay. Sa gitna ng mga pictures ay may nakasulat na I love you at happy monthsarry. Gano'n siya kasweet. Kahit na monthsarry lang nila ay parang anniversary palagi para sa kanya. "Kailan... Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim, kahit anong aking gawin, 'di mo napapansin..." Binigay niya ng todo ang pagkanta niya kahit na nagmumukha na siyang tanga. Para ngang wala na siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao sa kanya, e. Makuha lang niya ang matamis nitong oo na pumapayag na itong magpakasal sa kanya ay gagawin niya, kahit na ano. Napansin niya habang kumakanta siya na parang nakakunot ang noo ni Maxine. Napapalingon pa ito sa pang-aasar ng mga tao sa paligid nila na nanonood din sa kanya at chinicheer siya. Para bang ilang na ilang ito pero hindi na niya pinansin pa iyon. Pinagpatuloy pa rin niya ang pagkanta. "Kahit ano'ng aking gawin, di mo pa rin pansin..." Matapos niyang kumanta ay nakangiting lumapit siya rito at kinuha ang bulaklak na inabot ng tropa niya. Kilig na kilig ang lahat ng nakatingin sa kanila sa kalsada nang iabot niya rito ang bulaklak. Pero si Maxine ay para bang hindi natutuwa. Tiningnan lang nito ang bulaklak. "Dino, ano ba'ng pinaggagagawa mo? Nababaliw ka na ba? Tigilan mo nga ito, nakakahiya," halos pabulong na sabi ni Maxine nang makalapit siya. Pero sa halip na makinig ay lumuhod pa siya sa harapan nito sabay labas ng singsing sa bulsa niya. "I love you, Maxine. Will you marry me?" Confident siya sa magiging sagot nito. Alam niya na mahal siya nito kaya papayag itong magpakasal sa kanya kahit na nag-aaral pa lang sila. Malapit na rin naman silang gumradweyt ng college, e. Mahirap na, baka maagaw pa ng iba sa kanya ang mahal niya. Pero ilang segundo ang lumipas na nakatingin lang sa kanya ang babae. Inulit pa niya ang tanong niyang 'will you marry me' dahil baka hindi lang nito narinig iyon pero wala talagang reaksyon man lang ang mukha nito. "I'm sorry, Dino but I'm already in love with someone else. I'm in love with Harmony. I realized that I am gay that's why I want to break up with you..." Napaiyak na si Maxine. Para bang matagal na nitong ikinikimkim ang bagay na iyon pero ngayon lamang ito nagkaroon ng pagkakataon na sabihin. Nabagsak niya sa sahig ang bulaklak na hawak niya. Saka napangisi ng mapait. "You're joking, right?" sabi pa niya. "I wish I am but I'm not. I'm sorry, Dino." Iyon lamang at umalis na si Maxine sa harapan niya habang siya naman ay napatulala na lang dahil sa sobrang sakit at pagkahiya. "Tol, wala na siya. Tumayo ka na riyan." Tinapik na siya ni Bruno nang lumipas pa ang ilang minuto na nakaluhod pa rin siya sa sahig. Napalingon siya sa paligid niya at kitang-kita niya ang mga tao na kinaaawaan siya at ang iba naman ay pinagtatawanan pa siya. Kanina pa palang wala na sa harap niya si Maxine pero siya ay tuluyan nang lumipad ang utak kanina. Tumayo siya, dinampot ang bulaklak na nasa sahig at walang imik na iwanan ang mga kaibigan niya. Naglakad lamang siya hanggang sa nakarating sa isang ilog. Napatulala siya roon at sa tubig ay para bang nang-aasar na lumitaw pa ang imahe ni Harmony habang nakangisi ito at yakap-yakap si Maxine. "Magbabayad ka, Harmony! May araw ka rin!" Inihagis niya ang bulaklak sa ilog at nagkapira-piraso na iyon bago pa man tuluyang malaglag sa tubig. Nasabunutan na lang niya ang sarili at nakusot niya ang mukha sa sobrang inis. Nagmukha siyang tanga at iyon ay dahil na naman kay Harmony. Ang karibal niya sa lahat ng chicks pero isa ring chick!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook