I am a wife and a mother of two kids,....OFW too her in Saudi. I really love to read and write. And I decide to write the story inside my head. Hope you\'ll like the story I write. My update maybe slow because of my work,so please endure it.
Jozen Mendez nag-iisang anak ng kanyang mama. Bata pa lang si Jozen ay nagkaroon na s'ya ng sakit sa puso na kailangan ng agarang operasyon. Dahil sa walang sapat na pera ang kanyang mama para sa operasyon. Napilitan ang kanyang mama na lumapit sa kanyang ama upang humingi ng pera,subalit ang pera na inaasam ng kanyang mama para sa operasyon n'ya ay napalitan ng pang-iinsulto at pangmamaliit ng pamilya ng kanyang ama. Dahil sa sobrang pagmamahal ng kanyang mama sa kanya,nagawang ibigay nito ang puso sa kanyang pinakamamahal na anak upang mabuhay ito.Paano kaya tatanggapin ni Jozen ang katotohanang ng dahil sa kanya namatay ang kanyang ina? At ano ang gagawin n'ya kung ang taong tumulong at nagpapaaral sa kanya ay humiling ng kapalit na iwan n'ya ang taong mahal n'ya dahil hindi nito kayang makita ang anak nitong nasasaktan dahil sa taong mahal nito na siya ring taong mahal n'ya?
JARED LACSON katulad ng kanyang kaibigang si JAYVEN ay isa rin s'yang fuckboy ng Bayan. Hindi s'ya naniniwala sa salitang pag-ibig simula ng iwan siya at ipagpalit sa ibang lalaki ng kanyang unang nobya. Ipinakita n'ya sa lahat na okay lang sa kanya ang iwan s'ya ng babaeng bukod tangi n'yang minahal. Para patunayan ito, lahat ng babaeng lumalapit sa kanya ay hindi nakakaligtas sa kanyang kama,kung tawagin n'ya ay "bed for pleasure only". Isang araw hindi n'ya lubos akalain na iibig s'yang muli sa babaeng may kaugnayan sa unang babaeng nagdulot at nagbigay sa kanya ng walang kapantay na sakit na s'yang dahilan kung bakit s'ya biglang nagbago.Ano ang gagawin ni JARED kung sa pangalawang pagkakataon ay iiwan ulit s'ya ng babaeng minahal niya, ang babaeng naghilom sa kanyang sugatang puso? Hahayaan n'ya na lang ba na iiwan sya nito kung doble ang sakit na nararamdaman n'ya ngayon kaysa una n'yang pag-ibig?.
Aina Talledo o mas kilala sa pangalang Kiara Aina Santos. Minsan na siyang nakidnap noong bata pa siya kaya dahil sa trauma wala siyang maalala kung sino siya. Ang alam niya lang ay Aina ang pangalan niya. Dahil sa isang tao na siyang nagligtas sa kanya noong bata pa siya,pinangako niyang maging isang mahusay na agent upang siya naman ang magliligtas sa lalaking nagligtas sa kanya. At hindi naman siya nabigo dahil natupad nga ito. Masaya siya sa bawat araw na sinusubaybayan niya ang lalaki,kahit pa man ni anino niya wala itong alam na palagi siyang nandiyan para dito o akala lang niya. Dahil sa pangako niya sa lalaking minsan ng nagligtas sa buhay niya nawala sa kanya ang lahat,ang trabaho niya,ang pamilyang nagpalaki sa kanya at higit sa lahat ang kanyang paningin. Paano kaya haharapin ni Aina ang bagong buhay na napakahirap at napakadilim na mundo? Makakaya kaya niya ang pagsubok na dumating sa kanya?
Angelo Ledesma anak ng isang senator at isang magaling at mahusay na doctor. At dahil sa isang pangako na binitawan niya sa isang batang babae at ng kanyang yumaong lola bago ito mawala sa mundong ito, tinupad niya ito ang maging isang mahusay na doctor. Dahil sa magulong landas ang tinahak ng kanyang ama, ang polotika ay maraming beses ng nalagay sa panganib ang kanyang buhay. Pero palagi pa rin siyang nakakatakas kay kamatayan dahil sa isang tao na palaging nagliligtas sa kanya. Ni mukha nito ay hindi niya makita,palagi itong nakatago sa dilim. Ngunit nagising na lang siya isang araw na hinahanap hanap niya ang presensya nito. Alam niya na isang babae ang kanyang savior,ang kanyang beautiful shadow. Mahahanap pa kaya niya ang kanyang savior kung sobrang nagbago na ang buhay nito? Makikilala pa kaya niya ito kung anino lang nito ang palagi niyang nakikita?
Sheilo Ordoñez naging batang ina sa edad na kinse anyos. Mapagmahal na anak at ate sa kanyang bunsong kapatid. Namatay ang kanyang inay sa pangangak kaya sa kanya naiwan ang kanyang sanggol pa lang na bunsong kapatid. Dahil sa hirap ng buhay nila sheilo napilitan s'yang ibinta ng isang gabi ang kanyang iniingatang puri sa lalaking hindi n'ya kilala kapalit ng pera para sa kapatid n'yang sanggol na nagka dengue. Ngunit ang isang gabing iyon ay nagbibigay sa kanya ng matinding resposibilidad na kailan man hindi n'ya pinapangarap simula ng iwan sila ng kanyang ama at sumama sa mayamang babae.Paano kaya haharapin ni Sheilo ang responsibilidad na nakaatang sa kanya? Paano n'ya bubuhayin ang dalawang tao na napakahalaga sa buhay n'ya,gayong SHE'S ONLY A FIFTEEN YEARS OLD GIRL.
JAYVEN GARCIA panganay sa tatlong magkakapatid. Mapaglaro sa babae,sa madaling salita "he is a fuckboy" Kung tawagin ng iba. Katulad ng mga drama na ating napapanood,mga story na ating nababasa ,Jayven is like a God made in heaven kumbaga. Gwapo,matangkad and the list goes on. Dahil sa mga kalokohan ng kanyang mga kaibigan,napilit s'yang tumanggap ng babaeng bayaran na binayaran ng kanyang mga kaibigan para sa kanyang kaarawan. Ngunit ang isang gabi na akala n'yay laro lang ay ang s'yang magpapagulo sa buhay n'ya at ang maamong mukha ng babaeng iyon ang nagpapabaliw sa kanya.Paano kaya kapag nalaman n'ya na ang babaeng nakasama ng isang gabi at kinababaliwan ay isang minor de edad? At higit sa lahat paano n'ya aakuin ang responsibilidad bilang ama kung puro pambabae lang ang kanyang alam? Matatanggap kaya s'ya ng babaeng nagpagulo sa buhay at puso n'ya?
Charmaine Gosiaoco anak sa isang mayamang angkan sa bansa. Ngunit ikinahiya ng buong pamilya dahil sa kanyang mga isyong nasasangkotan. Isa siya sa mga kilalang singer/composer at actress ng bansa. Yong ibang mga magulang proud kapag artista ang kanilang anak,but on Charmaine's case ikinahihiya siya. Dahil sa kadahilanang hindi siya nakatapos sa pag-aaral. At kung sinu sino lang ang mga lalaki na nalilink sa kanya. Her boyfriend betrayed her with her half sister. Her father neglected her. Wala siyang puwang sa buhay ng pamilya niya. Hospital ang kanyang naging tambayan hanggang sa makita niya ang lalaking muling bubulabog sa mundo niyang napakagulo na.Anthony Talledo isang magaling na doctor,like his friends. Isa siyang magaling na eye specialist. Pinili niya ang maging doctor sa mata dahil sa nag-iisa niyang kapatid na babae,bata pa lang ito na diagnosed nang may deperensya sa mata at may posibilidad na mawalan ito ng paningin. Ngunit isang napakasakit na pangyayari ang dumating sa kanilang pamilya nakidnap ang kanyang kapatid at hindi na ito nahanap pang muli. Pero hindi pa rin siya sumuko sa paghahanap. Sa kakahanap niya sa kanyang kapatid,ay nahanap niya din ang babaeng gugulo sa sa isip niya. Matatanggap ba niya ang babae kung salungat ito sa babaeng pinangarap niya. Matatanggap kaya niya ang babae kung napakapangit ang reputasyon nito,lalo na ang pagka play girl nito na pinaka ayaw niya sa lahat?