
Charmaine Gosiaoco anak sa isang mayamang angkan sa bansa. Ngunit ikinahiya ng buong pamilya dahil sa kanyang mga isyong nasasangkotan. Isa siya sa mga kilalang singer/composer at actress ng bansa. Yong ibang mga magulang proud kapag artista ang kanilang anak,but on Charmaine's case ikinahihiya siya. Dahil sa kadahilanang hindi siya nakatapos sa pag-aaral. At kung sinu sino lang ang mga lalaki na nalilink sa kanya. Her boyfriend betrayed her with her half sister. Her father neglected her. Wala siyang puwang sa buhay ng pamilya niya. Hospital ang kanyang naging tambayan hanggang sa makita niya ang lalaking muling bubulabog sa mundo niyang napakagulo na.Anthony Talledo isang magaling na doctor,like his friends. Isa siyang magaling na eye specialist. Pinili niya ang maging doctor sa mata dahil sa nag-iisa niyang kapatid na babae,bata pa lang ito na diagnosed nang may deperensya sa mata at may posibilidad na mawalan ito ng paningin. Ngunit isang napakasakit na pangyayari ang dumating sa kanilang pamilya nakidnap ang kanyang kapatid at hindi na ito nahanap pang muli. Pero hindi pa rin siya sumuko sa paghahanap. Sa kakahanap niya sa kanyang kapatid,ay nahanap niya din ang babaeng gugulo sa sa isip niya. Matatanggap ba niya ang babae kung salungat ito sa babaeng pinangarap niya. Matatanggap kaya niya ang babae kung napakapangit ang reputasyon nito,lalo na ang pagka play girl nito na pinaka ayaw niya sa lahat?
