Sinubukan ni Cheska Divino na maghanap ng magpapanggap niyang boyfriend sa isang online dating site para makasabay siya sa mga kaibigan niyang lahat ay may masasayang lovelife. Tatlo lang ang hinahanap niyang kuwalipikasyon: tall, daks and handsome --- para pasok sa pamantayan ng kanyang mga kaibigan. Ito na raw kasi ang dream man ng mga millennial. Ayos naman sana ang lahat kung hindi lang siya na-in love sa kanyang dummy boyfriend na si Jerimie Alexander Manderico na sobrang malihim at parang laging may itinatago.