Story By Melinda Palapar
author-avatar

Melinda Palapar

bc
Never Fall In Love
Updated at Apr 20, 2024, 21:58
I’ll never fall in love….katagang pinangako ni Sandy sa sarili at sa lalaking kanyang mapapangasawa na si Mavvy. Napagkasunduan Ng kanilang pamilya Ang kanilang kasal. Labag ito sa kalooban ni Sandy kaya gumawa ito ng paraan para makausap Ang lalaking kanyang papakasalan para Hindi ituloy Ang kasal. Ngunit Hindi naging maganda Ang kanilang unang tagpo kaya mas lalong tumindi Ang kagustuhan ni Sandy na Hindi ituloy Ang pagpapakasal Lalo na Isa itong dakilang babaero at walang respeto sa mga babae. Katulad din Naman Ang kagustuhan ni Mavvy na Hindi maikasal Kay Sandy dahil kung kumilos at manamit ito ay parang Hindi ito babae. Ngunit Isang Gabi natagpuan nalang ni Sandy ang sarili sa mga bisig ni Mavvy habang pinapalasap nito ang sarap na first time niya palang naranasan. Hindi rin inaasahan ni Mavvy na may epekto sa kanya si Sandy na Hindi niya tinuturing na babae. Matutupad kaya ni Sandy Ang kanyang pangako o tuluyan ng mahulog Ang loob sa lalaking sa kanya ay may malaking atraso? Sabay sabay nating basahin at alamin.
like
bc
Finding Mommy
Updated at Jul 7, 2022, 02:35
Summary : Isang breadwinner si Shey. Siya Ang inaasahan Ng pamilya dahil sa nakapagtapos ito ng kolehiyo. Lahat gagawin niya para sa kanyang pamilya basta marangal. Simula nung magresign siya sa dating trabaho, sobrang napakailap Naman para sa kanya ang makahanap ng panibagong trabaho. Halos suyurin na niya buong kamaynilaan para maghanap Ng kompanyang pwedeng applyan. Pero bigo pa Rin siya Hanggang sa magcross Ang landas nila. Si Liam. Isang binata ngunit may anak, mayaman, guapo ngunit napakasuplado. Ngunit may kakulangan sa kanyang pagkatao, ang kakayahang magpaligaya sa kanyang opposite sex. Hindi siya bakla o impotent ngunit hindi maipaliwanag ng kahit sinong mga dalubhasa na may kaalaman sa tinuturing niyang sakit. Hanggang sa may nakabangga siyang babae sa isang bar. Meron siyang kakaibang nararamdaman sa dalaga pero hindi niya alam kung pagnanasa o reaction lang niya ito sa dalagang nakikitang sumusugod na galit na galit. Paano kung pareho nilang kailangan ang isa’t-isa? At higit sa lahat paano kung malaman nila na konektado sila sa isa’t Isa. Kaya ba nilang magkasundo para malutas ang kanilang mga problema?
like
bc
A Playful Destiny
Updated at Jul 7, 2022, 02:24
Dahil sa Isang Hindi magandang karanasan ay naging mailap sa mga lalaki si Charvi Lalo na sa mayaman. Umibig siya sa isang lalaki na Hindi siya kayang ipagtanggol laban sa mapangliit nitong ina. Pero Ang karanasan ding iyon Ang kanyang naging inspirasyon para makamit Ang kanyang pangarap na maging isang Fashion Designer. Mag Isa mang binuhay at tinaguyod Ang Sarili Hindi Naman ito naging hadlang sa pagkamit Ng pangarap sa tulong na Rin Ng mga taong nagmamahal at naging kanyang gabay tungo sa tagumpay. Kahit sa kabila Ng kanyang tagumpay at patuloy pa rin siyang minaliit Ng mga taong mapang api. Nakahanap siya Ng kakampi at karamay nang dumating si Ethan sa kanyang Buhay. Pinaramdam nito sa kanya Ang kahalagahan. Kaya nagdesisyon siyang buksan ulit ang kanyang puso at bigyan ito Ng pagkakataon na makapasok sa kanyang Buhay. Nagtiwala ulit siya sa isang lalaki. Naging Masaya Siya sa piling nito ngunit muli siyang dumestansya dito nang Malaman Ang tunay na pagkatao nito. Ngunit Nagawa lamang ito ng binata dahil din sa hindi magandang karanasang pag ibig. Kaya ba nilang harapin Ang takot bunga Ng Hindi magandang karanasan para sa kanilang pag iibigan?  Ano ang kayang Gawin ni Ethan para maprotektahan Ang mahalagang babae sa Buhay niya laban sa mga taong mapang api. Makakayanan kaya ni Charvi Ang mapaglarong tadhana?  
like