bc

A Playful Destiny

book_age16+
66
FOLLOW
1K
READ
family
fated
drama
passionate
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa Isang Hindi magandang karanasan ay naging mailap sa mga lalaki si Charvi Lalo na sa mayaman. Umibig siya sa isang lalaki na Hindi siya kayang ipagtanggol laban sa mapangliit nitong ina. Pero Ang karanasan ding iyon Ang kanyang naging inspirasyon para makamit Ang kanyang pangarap na maging isang Fashion Designer. Mag Isa mang binuhay at tinaguyod Ang Sarili Hindi Naman ito naging hadlang sa pagkamit Ng pangarap sa tulong na Rin Ng mga taong nagmamahal at naging kanyang gabay tungo sa tagumpay. Kahit sa kabila Ng kanyang tagumpay at patuloy pa rin siyang minaliit Ng mga taong mapang api.

Nakahanap siya Ng kakampi at karamay nang dumating si Ethan sa kanyang Buhay. Pinaramdam nito sa kanya Ang kahalagahan. Kaya nagdesisyon siyang buksan ulit ang kanyang puso at bigyan ito Ng pagkakataon na makapasok sa kanyang Buhay. Nagtiwala ulit siya sa isang lalaki. Naging Masaya Siya sa piling nito ngunit muli siyang dumestansya dito nang Malaman Ang tunay na pagkatao nito. Ngunit Nagawa lamang ito ng binata dahil din sa hindi magandang karanasang pag ibig.

Kaya ba nilang harapin Ang takot bunga Ng Hindi magandang karanasan para sa kanilang pag iibigan?  Ano ang kayang Gawin ni Ethan para maprotektahan Ang mahalagang babae sa Buhay niya laban sa mga taong mapang api. Makakayanan kaya ni Charvi Ang mapaglarong tadhana?

 

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Congrats
Charvi- “Talaga? Sinasagot mo na Ako?” gulat na Tanong ni James. Mahigit Isang taon na rin itong nanliligaw sa akin. Sikat ito sa school Namin dahil sa mayaman, guapo at matalino. Umabot Ng Isang taon Ang panliligaw nito dahil sa wala akong oras para pumasok sa Isang relasyon dahil sa kabi-kabila Ang raket ko para mapag aral Ang Sarili. Lumaki Ako sa isang ampunan. Baby pa lang daw Ako nang Makita nila ako sa labas Ng Bahay ampunan. Dahil sa pagpupursige nakakuha Ako Ng scholarship na sponsored Ng Isa sa mga benefactor Ng The Angels Home Ang Bahay ampunan. Kaya nagkaroon Ako Ng chance makapag aral sa prestihiyosong paaralan na ito. Pero kahit na scholar Ako kailangan ko pa rin magtrabaho para sa pang Araw Araw na gastusin at pambayad sa inuupahang kuarto dahil malayo ang ampunan sa school. Kahit na may binibigay na allowance kukulangin pa Rin ito. Meron Akong dalawang part time jobs. Sa Isang café at sa bar Naman bilang waitress. Second year college na Ako Ngayon sa kursong Bachelor of Arts of Fashion Design and Marketing. Hilig ko na Kasi Ang pagdedesign noong Bata pa lang Ako. Mabuti naman at pumayag yong nagsponsor sa akin. Hindi ko pa ito nakilala dahil si Sister Anna lang Ang nakausap nito. Pero umaasa Ako na Makita at makilala ko ito para personal na makapagpasalamat. “Hey, totoo ba ang sinasabi mo? Sinasagot mo na talaga Ako?” Tanong ulit ni James. “Oo” tipid Kong sagot sa kanya. Pwede ko Naman sigurong subukan dahil kita ko Naman sa kanya Ang determinasyon. “Yes! Yes” sigaw pa nito at nagtatalon. “Hoy, ano ba. Pinagtitinginan na Tayo Dito oh” saway ko sa kanya. Nakakahiya Kasi. “I’m sorry. I’m just happy” Saad nito sabay yakap sa akin. Nabigla man Ako sa ginawa Niya pero niyakap ko na Rin ito. Pagkatapos naming mag usap ay hinatid Naman Niya Ako sa classroom ko. Magkaiba Kasi kami Ng kurso. Business Ad Ang kinuha nitong kurso. Pagkatapos Ng klase Namin ay nagpunta kami sa canteen Kasama Ang mga kaibigan ko. Si Stacey na kikay, si Jelo Ang baklang maarteng maharot, si Maureen ang timid at si Leila Ang siga at maldita at Ako naman Ang normal (Ako ang bida kaya walang aangal). Wala man Akong pamilya, biniyayaan Naman Ako Ng mga mapagmahal at totoong kaibigan. “GOSH, so daming tao here. Siguradong sira na Naman Ang beauty ko nito later” pag iinarte ni Jelo. Kung Hindi ka sanay sa kanya siguradong lampas Isang pulgada Ang pagtaas Ng kilay mo dahil sa ka oahan nito. “Duh, as if Naman may beauty” Banat Naman ni Leila. Aso’t pusa talaga Yan Silang dalawa. “Tsee! Keep quite nalang pag inggit” nagflip pa ito ng kanyang mahabang invisible hair. “Hep. Stop!” awat ko sa kanila “Gutom lang Yan. Kaya Tara na at maghanap Ng table para makakain na Tayo” nagiging dragon pa Naman Ang mga ito kapag gutom. “Mabuti pa nga. Tsaka nag away pa kayo eh we are all beauties Naman. Lamang lang si Charvi ng ilang paligo” Saad Naman ni Stacey. Ako na Naman Ang napagtripan. Si Maureen tahimik lang pero pangiti ngiti. “Hay naku. Tumigil na nga kayo.” Saway ko sa kanila. Nanahimik Naman Ang mga ito at naghanap Na Rin Ng table. Mabuti nalang nakahanap agad kami Ng bakanteng table. Last year lang halos Hindi Ako makapasok Dito dahil sa naranasang mga pambubully sa akin dahil sa mahirap lang daw ako. Imbes na sumuko ginawa ko pang motivation iyon para magpursige pa Lalo sa pag aaral. Umiiwas nalang Ako para walang gulo. Hanggang sa naging kaibigan ko na silang apat. Sila Ang laging nagtatanggol sa akin kung may mambully. Hanggang sa dumating Ang panahon na huminto na Rin Ang mga ito sa pambubully. Nang dumating Ang aming mga orders ay nag umpisa na Silang Kumain. Kakain na rin sana ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko. “Babe, can we eat together?” Nakita Kong napasinghap Ang mga kaibigan ko at dinig ko din Ang mga bulong bulongan Ng mga studyante kaya lumingon Ako. Nakita ko si James na nakangiti habang nakatingin sa akin. “Ahmm..sure” pagpayag ko. Lumipat Naman si Maureen para magkatabi kami ni James. Si Leila naman ay binigyan Ako Ng explain look. Si Jelo ay malagkit na nakatitig Kay James at si Stacey ay nakangiti lang. Alam nilang lahat Ang panliligaw sa akin ni James pero Hindi ko pa nasabing sinagot ko na ito. Hindi Rin Naman lihim sa buong campus Ang tungkol sa panliligaw ni James sa akin Kaya Hindi na nagugulat yong iba. “So Anong score nyong dalawa?” Mataray na tanong ni Leila. Nagkatinginan Naman kami ni James. “Guys, Sasabihin ko Naman sa Inyo Hindi lang ako nakahanap Ng tyempo” depensa ko “So ano nga?” tinaasan pa ako Ng kilay. Overprotective Kasi ito sa Amin. Ito Ang ate namin. “Kami na?” patanong Kong sagot. Nakakatakot Kasi Ang Mukha ni Leila dahil napakaseryoso. “Kailan pa?” “K-kanina lang” mahinang Sabi ko. Napayuko nalang Ako. Hindi ko kayang salubungin Ang mga mata nito. “Hoy lalaki! Subukan mong saktan ang kaibigan ko, Ako mismo Ang babangas sayo.” Banta pa niya Kay James. “Mahal ko si Charvi kaya Hinding Hindi ko Siya sasaktan” seryosong Sabi ni James. “Oh my gay. Sana all.” Maarteng sambit Naman ni Jelo kaya nirolyohan na Naman ito ng mata ni Leila. Hindi ko alam kung bakit naging magkaibigan itong dalawa. Palagi Kasi Silang nagbabangayan o Ganon lang talaga Sila sa isa’t Isa. “Congrats James. Sa wakas nagbunga din Ang Isang taon mong panliligaw. Sana Hindi ka mapagod Dyan sa kaibigan Namin.” Nakangiting Saad Naman Stacey. “Thank you. Kahit na sinagot niya na ako Hindi pa Rin ako titigil sa pagsusuyo sa kanya.” Kinuha Naman Niya Ang kamay ko at hinawakan. Medyo naiilang pa ako dahil Hindi ako sanay. Nginitian ko nalang din ito. “Congrats Cha. Bagay na bagay kayo” Saad Naman ni Maureen. Ngumiti Naman Ako sa kanya at nag thank you. Pagkatapos naming Kumain ay bumalik na ulit kami sa classroom. Hindi na ako nagpahatid Kay James dahil Kasama ko Naman Ang mga kaibigan ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook