Chapter 2: Makipagrelasyon

887 Words
Lumipas Ang mga araw naging maayos Naman Ang relasyon naming dalawa. Nag effort pa ito na ihatid sundo ako. Pero ngayon Hindi ako nasundo dahil sinundo daw ang Mommy nito Ngayon na dumating galing ibang Bansa. Habang naglalakad sa campus hinarang Naman ako Ng grupo nila Candice. Kaklase ko din sila pero sikat Sila dito sa campus dahil si Candice Ang tinaguriang Campus Sweetheart. “Well, well Ang dakilang pulubi” sambit nito habang nakacross Ang mga braso sa kanyang dibdib at tiningnan Ako Mula Ulo Hanggang paa. “I didn’t know guys na marunong Pala magflirt Ang mga pulubi. I thought busy lang Sila kakaisip kung saan Sila kukuha ng makakain para mabuhay.” Parinig Niya pa. Nagsitawanan Naman Ang mga alepores Niya. Hindi ko nalang sila pinansin dahil ayaw ko Ng gulo. Lalagpasan ko na sana sila nang bigla niyang hatakin Ang braso ko at mahigpit na hinawakan ito. “Ang ayaw ko sa lahat yong binabastos ako!” sigaw nito na nanlilisik Ang mga mata. Plilit ko Namang pinapakalma ang sarili ko. Hanggat maaari ayoko Silang patulan. “Ang lakas ng loob mong talikuran ako! Anong pinagmamalaki mo? Si James? Hindi porket naging girlfriend ka Niya magiging ka level ka na rin namin. Hoy ambisyosa! Marunong Kang lumugar!” Galit na Saad nito at padarag na binitawan Ang braso ko. Naikuyom ko nalang Ang mga kamay ko. Kahit kailan Hindi ko inambisyon na maging kalevel nila. Gusto ko lang makapagtapos ng pag aaral at matupad Ang mga pangarap ko. Narinig ko naman silang tumatawa habang papalayo. Kung dati umiiyak Ako habang ginagawa nila sa akin ito ngayon tinatatagan ko nalang Ang Sarili ko at nasanay na rin ako. Pasasaan bat matatapos din ito kapag nakagraduate na ako. Inayos ko Ang Sarili ko at pumunta na sa classroom. Ayokong Makita Ako Ng mga kaibigan ko na magulo Ang damit dahil iisipin na Naman nila na nabully ako which is totoo Naman kaso ayokong pati Sila madamay. Third Person’s POV “Hi mom.” Bati ni James sa Ina nito at hinalikan ito sa pisngi. “I thought you couldn’t come” striktang sambit ng Ina nito. “Pwede ba yon Mom. Syempre namiss kita kaya Ako na mismo Ang sumundo Sayo” paglalambing Naman ni James. Pag ganito na Kasi Ang mood Ng Ina nito kailangan lang nito ng konting lambing. “Mabuti Naman at Hindi ka gumaya sa magaling mong ama na walang pakialam” mataray nitong sabi at tuloy tuloy ng pumasok sa sasakyan. Napailing nalang din si James. Pumasok na Rin Siya sa sasakyan at pinaandar ito. Kasunod Naman Ang Isang sasakyan ng bodyguard Ng Ina. Pagdating nila sa kanilang Mansion nagpaalam agad si James na papasok sa school. Pinayagan Naman Siya pero masamang tingin Ang binigay ng ina na parang nagdududa. Nagmamadali namang umalis si James baka magbago pa Ang isip Ng Ina at hindi na siya papasukin Ng school. Dumerecho si Allison sa kanyang opisina na nasa mansion lang din. Nagngitngit na Naman Ang kalooban Niya dahil Hindi man lang siya nagawang salubungin Ng Asawa niya. Pabagsak niyang inilapag Ang kanyang bag sa table. “Nasaan si Edward?” Tanong Niya agad sa kanyang assistant na siyang sumalubong sa kanya. Tinutukoy nito ang kanyang asawa. “Nasa opisina niya po Madam” sagot Ng assistant. “What? Hindi ba niya alam na dadating Ako Ngayon?” asik nito sa kanyang assistant. “Alam Niya Po Madam. In fact tinawagan ko pa Siya to remind him sa pagdating niyo Po” mahinahong Saad naman nito. “That old scumbag!” gigil nitong sabi. Umupo ito sa kanyang upuan. Sumandal Siya Dito at ipinikit Ang mata habang hinilot hilot Ang ulo. “How about James? Anong pinagkakaabalahan niya maliban sa school?” Tanong nito habang nakapikit. “Base sa report ng nagsusubaybay Kay Sir James may babae daw itong kinahuhumalingan.” Napamulat Naman Ng mata si Allison sa kanyang narinig. “What? Who’s that girl? What’s her background?” striktang Tanong nito. Kung hindi ka lang sanay sa kanya mangingisay ka na sa takot. Pero itong assistant Niya sanay na sa pag uugali Ng boss niya kaya kahit na Ganon Ang pinakitang attitude sa kanya malumanay pa Rin itong sumagot. Kinuha Naman nito Ang isang brown envelope. Kinuha nito ang laman at iniabot sa kanyang boss. “Yan Po Ang mga kuha nilang pictures at ito Naman Po Ang mga nakasulat na information tungkol sa babae.” Inilapag Naman Niya ito sa table. Kinuha ni Allison Ang mga pictures at Isa Isa itong tiningnan. Naningkit Ang kanyang mga mata nang makita ito. Bakas sa mukha nito ang inis at disgusto. Makita Kasi sa larawan Ang Isang simpleng babae. Sa unang tingin pa lang Nito Hindi nila kapareho Ang estado nito sa Buhay. Nilamukos Naman nito Ang picture na hawak hawak. Galit na kinuha Ang papel kung saan nakasulat Ang mga impormasyon tungkol sa babae. “Ang kapal ng Mukha niyang makipagrelasyon sa anak ko na Hindi man lang niya kalevel. Ang ayaw ko sa lahat ang mga pobreng ginagamit Ang katawan para lang umangat sa kahirapan!” Saad nito while gritting her teeth. “You can go now. I want to rest.” Sabi nito sa kanyang assistant. Tumayo na rin ito at lumabas sa kanyang opisina. Nagtungo ito sa kanilang kuarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD