Samantala sa School nag aabang Naman si James sa labas Ng classroom ng kanyang nobya. Sumisilip pa ito sa pintuan pero hindi pa tapos Ang klase nito.
Nang lumabas na Ang Professor nagkakagulo naman sa loob ng classroom.
“OMG. Nasa labas si James!” tili Ng Isang babae. Automatic Naman na nagpapaganda Ang mga babae maliban sa grupo nila Charvi. Todo din Ang paganda ni Candice at itinaas pa nito Lalo Ang palda para lalong umiksi.
“Trying hard girls. As if Naman kayo Ang pinuntahan Dito ni Papa James.” Saad Naman ni Jelo.
“Oh! We forgot. Nilandi Pala siya Ng kaibigan mo. Masyado sigurong ginalingan Ng kaibigan mo Ang paggiling kaya nahuhumaling sa kanya si James. Eww!” maarteng sagot Naman ni Candice at nagtawanan pa Ang kanyang mga feeling na alepores.
“Aba’t kung makapagsalita Akala mo Naman kung sinong malinis” inis na banat din ni Jelo. Susugurin na sana ni Jelo si Candice dahil sa inis pero pinigilan ito ni Charvi at umiling iling ito.
“What? Hahayaan ka nalang pagsalitaan Ng malditang yon. Below the belt na yong mga sinasabi Niya tungkol sa iyo” angal Naman ni Jelo sa kaibigan
“Hayaan mo na. Ayokong masaktan kayo nang dahil sa akin” mahinang sagot Naman ni Charvi.
“Kaya ka nila binubully dahil hinahayaan mo lang Sila. Matuto Kang lumaban at ipagtanggol Ang Sarili mo.” Dagdag pa nito. Yumuko lang si Charvi.
Hinila Naman ito ni Jelo palabas at sinundan Ang lumabas na si Candice. Nakasunod lang din Ang mga kaibigan nila. Naabutan nila si Candice na kinakausap si James. Halata sa mga galawan nito na inaakit Ang lalaki. Pero Wala lang Naman ito Kay James.
Nakita ni James si Charvi na papalapit kaya sinalubong Niya ito at iniwan si Candice. Inis na tiningnan Sila ni Candice.
“Hi Babe” nakangiting bati ni James Kay Charvi.
“Hello. Akala ko ba susunduin mo Ang Mommy mo. Bat ka nandito?” nagtatakang Tanong ni Charvi
“Nasundo ko na si Mom. Maaga pa Naman kaya pumasok nalang Ako. Pero late na ako at Hindi na ako pinapasok ni Prof kaya hinintay nalang kita. Sabay na tayo maglunch.” Pagyaya nito.
“James” tawag ni Candice sa lalaki at lumapit pa ito dahil Hindi ito pinansin ni James. Ni Hindi man lang ito nilingon ng lalaki. Hinarangan Naman ito ni Jelo at mga kaibigan nito para Hindi makalapit sa dalawa.
“Wow girl. Bilib na talaga Ako sa kakapalan ng Mukha mo. Lantaran na nga Ang Hindi pagpansin Sayo pero pinipilit mo pa Rin. Tsk tsk tsk” palatak ni Leila.
“You know the word Self pity?” nag action pa si Jelo na quote sa kanyang daliri “You need that” dugtong nito.
“Ang gusto Kasi ni Papa James is yong Pure hindi yong laspag na” nangagalaiti Naman sa inis si Candice at padabog na umalis. Nagtawanan Naman Ang mga magkakaibigan at nag high five pa.
Sabay sabay na Silang pumunta sa canteen.
“James Bro, here” nakita naman nila ang lalaking tumatawag kay James. Lumapit Sila doon. Ipinaghila ni James si Charvi Ng upuan. Ganon din Ang ginawa Ng mga kaibigan ni James sa mga kaibigan ni Charvi. Kinikilig Naman si Jelo at mahinhin pa itong umupo.
Inggit na Nakatingin Naman Ang ibang mga Kababaihan Kasama na si Candice at Ang grupo nito na nagngingitngit habang pinagmamasdan Ang grupo nila Charvi.
“By the way guys, this is Charvi my girlfriend with her friends Jelo, Leila, Stacey and Maureen. And girls,. They are my friends Zion, Kai, Noah and Ezra.” Pakilala ni James
“Hi Boyz” malanding bati ni Jelo. Binatukan tuloy ito ni Leila.
“Aray ko naman. Ang harsh mo ha” maktol ni Jelo sa kaibigan.
“Pag Hindi ka umayos diyan kakaladkarin kita palabas Ng Canteen Makita mo!” pagbabanta ni Leila dito. Pinaikutan Naman ito ni Jelo ng mata. Iiling iling lang si Charvi dahil sa bangayan na naman ng mga kaibigan niya.
“Hello ladies” bati din ng mga boys sa kanila. Pagkatapos nilang makapag order nag umpisa na Silang Kumain. Todo asikaso Naman si James sa kanyang girlfriend kaya inaasar Sila Ng mga kaibigan.
“Oh my gay! Kai pakikamot Naman ako” malanding saad ni Jelo
“Ha” naguguluhang sagot ni Kai
“Ang kati kasi. Nilalanggam na ako dito dahil sa kasweetan nitong dalawa.” sagot ni Jelo. Nakatanggap na Naman ito ng batok Mula Kay Leila.
“Ikaw na babae ka namumuro ka na. Kanina ka pa nangbabatok ah. Baka Hindi na kita matantya papatulan na kita” reklamo ni Jelo sa lalaking lalaki na boses kaya nagtawanan na Naman Silang lahat.
“Bagay din Pala sayo maging lalaki baks at bagay din kayo ni Leila. Baka kayo pa magkatuluyan sa huli” natatawang sambit ni Stacey.
“Oh my gay! Kilabutan ka nga dyan sa mga pinagsasabi mo Stace. Hindi ako pumapatol sa kapareho Kong tahong noh” nandidiring Sabi ni Jelo. Nanginginig pa ito na akala mo pinakain ng Isang baldeng kalamansi.
“Ang OA mo talaga. Nagmukha ka tuloy bulate na nangingisay diyan” pang aasar Naman ni Leila. Nagkatawanan ulit silang lahat.
Panay pa Rin Ang kakulitan ni Jelo kaya puro halakhakan Ang maririnig sa table nila. Mamatay matay naman Ang iba sa inggit.