THE MAFIA'S REJECTED FIRST WIFEUpdated at Apr 18, 2026, 04:33
"You think I still love you, Mr. Dylan Zachary Valerioso? You’re wrong."
Marahan siyang napangiti, ngunit malamig ang kanyang mga mata, walang bakas ng dating lambing.
"The girl you once broke… she no longer exists. All I want now is my child, not you, the face I’ve hated for so long."
Napangiti si Dylan, tinanggal ang salamin sa mga mata at mariin siyang tinitigan.
Nagkasukatan sila ng mga tingin. Ipinakita niya ang kanyang katapangan at kailangang hindi siya maging mahina sa harap nito.
Tumayo si Dylan mula sa kinauupuan, ganon parin, matangkad, malakas ang tindig at taglay ang lakas ng karisma bilang guwapong lalaki. Humakbang ito patungo sa kanya habang nakatitig sa kanya.
"Are you sure you can stand by those words, Sweetie? That you don’t love me anymore?" mababa at mapanganib ang tono nito.
Napalunok si Kany at umatras ngunit hindi siya nataranta.
Minsan man siyang naging asawa nito at minsan man niyang minahal si Dylan—isang makapangyarihang mafia heir.
Ngunit kahit katiting ngayon ay wala na sa isip niya na muling magpapaalipin ng kanyang damdamin.
Sa likod ng pagpapakasal nito noon sa kanya ay isang panggagamit, pagtataksil, panlilinlang ang ginawa nito hanggang siya'y winasak nito.
Ngayon, bumalik siya, mas matatag, mas mapanganib, at handang bawiin ang anak na kinuha sa kanya. Ngunit sa muling pagtatagpo nila ngayon, hindi lang nakaraan ang babalik, Kundi ang apoy na hindi kailanman tuluyang namatay.