Hello, babies!
Hope you are enjoying following my updates and reading my work, it helps me a lot. You are the reason why I am always excited to share my story, thank you!
Don\'t give up! The world needs an awesome person like you. 💝
*It's been two years pero long distance relationship pa rin kami. Palagay ko ay walang patutunguhan ang relasyong ito, nasa America siya at narito ako sa Pilipinas.*
"DARE ME, YOU WILL REGRET IT!" Pagbabanta niya sa malamig na tono.
Isang babae na binalot ng sakit ng nakaraan kaya naman nag hanap siya ng pagmamahal sa iba. Pumasok si Sunshine sa isang relasyon na hindi niya alam kung may patutunguhan, ni hindi niya pa rin kilala ng lubusan ang misteryosong karelasyon sa likod ng gamit nitong social media. Nais ni Sunshine na wakasan ang kanilang relasyon dahil ayaw na niyang lumalim pa ang pag-ibig nito sa misteryosong karelasyon, ngunit makalipas ang ilang oras hindi niya inasahan ang ginawang hakbang ng binata. . .
"What if i tell you that i miss you so bad, Ate?"Kevin ang pangalan ng lalaking nabalot ng mapait na nakaraan, ang nakaraan na hindi niya matakasan kaya'y dala niya ito hanggang sa kasalukuyan. Ang lalaking inabanduna ng kaisa-isang babae na nagparamdam sa kanya ng pagmamahal maraming taon na ang lumipas, ngunit hindi niya ito magawang makalimutan. "Let me remind you that she is the reason why am i here, Kevin. Ni hindi mo nga siya tunay na kapatid, and you want to find her? For what?""DON'T FORGET THAT WE ARE ONE, SO LET ME GET OUR REVENGE WHEN I FOUND HER!"Sa kabilang banda, isa sa kanya ang nais ay maghigandi dahil sa sakit na idinulot ng dalaga. Mahina si Kevin, alam ito ng isa niyang katauhan, kaya naman ipinangako nito na siya na ang gagawa nang lahat para sa binata.