Hello! I'm a Filipina writer from Tagum City, Davao. Mahilig ako magsulat ng mga Tagalog romance stories - may sakit, may iyakan, may kilig, pero laging may happy ending.
Specialty ko ang mga kwentong assassin x teacher, mafia x student, cold CEO x soft girl, at slow-burn love story. Gusto ko yung mga bida na broken pero lumalaban sa buhay, at yung love na dumadating sa hindi inaasahang panahon.
Nagsimula akong magsulat kasi mahilig akong magbasa ng mga kwentong nakakaiyak at nakakakilig. Ngayon, gusto ko naman gumawa ng kwento na kayo rin ang kikiligin at iiyak.
Kung mahilig ka sa mga kwentong may action, drama, at pagmamahal na totoo, welcome ka sa profile ko! Nag-a-update ako araw-araw.
Maraming salamat sa suporta! Follow niyo ako for more stories.
Ako si Cloe, 21, janitress sa Infinity BPO Building. Walang pamilya, walang pangarap kundi makakain tatlong beses sa isang araw.Isang gabi, lasing na pumasok sa pantry si Justin Montenegro - ang bilyonaryong CEO na may-ari ng building. Lungkot na lungkot siya dahil may nagtataksil sa kanya sa board.Pinunasan ko ang suka niya. Pinainom ng tubig. At sa gabing umuulan at walang tao, may nangyari sa amin sa mismong pantry na kakalinis ko lang. Siya ang una ko.Pagkagising ko, wala na siya. Iniwan niya ako ng isang libong piso sa ibabaw ng mop. Akala ko iyon na ang katapusan.Pero hindi pa pala.Dahil pagkalipas ng 6 na buwan, bumalik siya galing America. At nakalimutan na niya ako."Have we met before?" tanong niya habang tinititigan ako na parang basahan lang.Ngayon, ako na ang personal maid sa penthouse niya. At araw-araw, kailangan kong panoorin siyang yakapin ang fiancee niya, habang ako... buntis sa anak niya.Makakaalala pa kaya siya? O kailangan ko na lang talagang kalimutan ang gabing inangkin niya ako?