Ang Mop at ang Ceo
CHAPTER 1: Ang Mop at ang CEO
Alas dos ng madaling araw sa 10th floor ng Infinity BPO Building.
Habang ang lahat ng agent ay nasa kanya-kanyang station, ako, nakaluhod sa pantry. Hawak ko ang mop. Ito lang ang mundo ko. Basahan, sabon, at amoy ng bleach.
"Janitress ka lang, Cloe. Huwag kang tatanga-tanga!"
Sigaw ni Ma'am Sarah, senior TL. Sinadya niyang tapakan ang kakamop ko lang na sahig. May dalang kape, natapunan. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Sir Justin pa naman ang magmi-meeting dito bukas. Ayusin mo yan!"
Tumango lang ako. Sanay na ako. Tatlong taon na akong janitress dito. Lahat ng pang-aalipusta, narinig ko na. Pero kailangan ko ang trabahong ito. Wala akong magulang. Ako lang.
Pinunasan ko ulit ang sahig. Pawis na pawis ako. Biglang bumukas ang pinto ng pantry ng malakas.
Isang lalaki ang pumasok. Mataas, nakaitim na suit, gusot ang polo, at amoy alak.
Si Sir Justin. Ang CEO. Ang may-ari ng buong building.
Nanlaki ang mata ko. Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan. Sa picture lang sa lobby.
Lasing siya. Namumula ang mata. Hinawakan niya ang lamesa para hindi matumba.
"Sir? Okay lang po kayo?"
Hindi siya sumagot. Bigla siyang nasuka sa tabi ng lababo. Lahat ng kinain niya, lumabas.
Hindi ako nandiri. Agad akong kumuha ng basahan at nilinis ang suka niya. Kumuha ako ng tubig sa dispenser.
"Sir, tubig po."
Tiningnan niya ako. Magulo ang buhok niya. Pero gwapo pa rin. Sobrang gwapo.
"You... Ikaw yung laging naglilinis dito tuwing gabi?" garalgal ang boses niya.
"Opo, Sir. Ako po si Cloe. Pang-gabi po ako."
Lumapit siya. Amoy pabango at alak. Nakita ko ang lungkot sa mata niya.
"May spy sa company ko, Cloe. May nagbebenta ng files ko. Kanina sa board meeting, nalaman ko. Lahat ng pinaghirapan ko..."
Hindi ko alam ang sasabihin. Hinawakan ko lang ang braso niya.
"Uminom ka po muna ng tubig, Sir."
Inabot ko ang baso. Nang hahawakan niya, dumulas ang kamay niya at natapunan ang uniform ko. Basa ang dibdib ko.
"Sorry," bulong niya.
"Okay lang po."
Pero hindi niya inalis ang tingin sa akin. Dahan-dahan, hinawakan niya ang mukha ko. Mainit ang kamay niya.
"Ang ganda ng mata mo. Bakit ka nandito? Bakit janitress ka?"
Hindi ako nakasagot. Dahil sa kaba, dahil sa lapit niya.
At sa loob ng pantry ng 10th floor, habang umuulan ng malakas sa labas at walang tao, niyakap niya ako. Mahigpit. Parang ayaw niyang bitawan.
"Cloe..."
At doon nagsimula ang lahat. Isang yakap na nauwi sa halik. Halik na mapang-angkin. Sa sahig ng pantry na kakalinis ko lang.
First time ko. At siya ang una.