Story By woundedscar
author-avatar

woundedscar

ABOUTquote
"Every book, has a soul. The soul of the person who wrote it and of those who read it and live and dreamed with it. Every time a book changes hands, every time someone runs his eyes down its pages, its spirit grows and strengthens". - Carlos Ruiz Zafon
bc
Pikot
Updated at Apr 5, 2021, 02:15
Naalimpungatan ako dahil sa kalampag at yabag ng mga paa na nang gagaling sa loob ng kwarto. Naiinis na unti unti kong binuksan ang aking mga mata. Nang maka-adjust na sa liwanag at naaaninag na ng maayos ang paligid ay nagulantang ako sa nakikita. Hindi ako makakilos at halos atakihin ako sa kaba dahil sa iba't ibang uri ng patalim na nakatutok sa pwesto ko. A-ano 'to? Mag sasalita na sana ako upang itanong kung ano ang nangyayari ng may gumalaw sa kaliwang bahagi ng kama. Pag tingin ko'y tinakasan ako ng dugo ng mapag sino ang katabi ko ngayon. Si Verna! Teka.. P-paano?! Sana mali ang nasa isipan ko. Sana mali nasa isip ko. Paulit ulit kong dasal sa sarili at napahawak sa kumot na nakabalot sa aming dalawa. Marahan ko iyong sinilip. Nawiwindang na napalunok ako at napakurap kurap. Dang! Parehas kaming hubad! Nahihintakutang bumalik ako ng tingin kila tatay Mario at sa sampung anak niyang lalaki na may hawak na kutsilyo, itak at palakol. "L-let me explain." Nangangatal na sambit ko at ningitian sila ng alanganin.
like