Story By Nikko Villa
author-avatar

Nikko Villa

ABOUTquote
Aspiring Writer. Daydreamer. Whatever happens, trust God anyway 💙 When the time is right. I the Lord will make it happen. -Isaiah 60:22
bc
Seiri's Date with Destiny
Updated at Nov 5, 2021, 04:23
“Kailan ka mag-aasawa?” Nasagot mo na ba ang tanong na iyan? Kung Oo, edi wow! De joke lang, sana all talaga! *sobbing* Kung hindi naman ang sagot mo, lika usap tayo! Paano paghihiwalayin yung mga may juwa! HAHAHAHA *sobbing* Hi! I’m Seiriah Trish Asuncion, Seiri ang tawag nila sa’kin, ang unique di’ba? Kasing unique ng lovelife ko! Kainis! Anim na ang dumaan sa buhay ko pero literal na dumaan lang at walang nagstay! Ouch! Susuko na sana ko nang biglang magpakilala ang isang napakagandang babae, siya daw si Miss Destiny at tutulungan niya ko na mahanap ang gwapong lalaking para sa’kin. *evil laugh* Kaso may problema... Tatlong naggagwapuhang lalaki pa daw kasi ang makikilala ko at kailangan kong pumili ng isa sa kanila. Hirap na hirap na nga kong magmove-on sa anim na ex ko dadagdagan niya pa ng tatlo. Hayyy... Sana lang tama ang mapipili ko... Tara, samahan ninyo ko bawasan natin ng isa ang single sa mundo!
like
bc
Glimpse of You
Updated at Dec 9, 2021, 03:22
Quinn is a girl who at a young age knows exactly what she wants to do in her life. After turning eighteen, Quinn having the freedom to choose her own path, decided to begin her dream and once in a lifetime journey of visiting every country and every beautiful places in the world. Eiffel Tower in Paris, Mount Fuji in Japan, Venice Italy, New York City and Australia are to name a few of the places and countries she visited already. Matapos niyang mabisita ang ikalimampung bansa sa kanyang listahan, she saw herself waking up one day feeling tired, worn-out and had hard time getting up on bed. Para bang ang saya at excitement na nararamdaman niya tuwing makakapunta at makakabisita sa iba't ibang lugar at bansa ay nawala. The feeling of emptiness is starting to catch up to her. After days of thinking, Quinn asks her friend Emy, her friend from the Philippines if she could stay in her house for a few weeks, isang plano na kahit ayaw niyang gawin ay pakiramdam niyang kailangan niya, she badly need someone to talk to. In just a week ay nakita niya na lang ang sarili na nasa Pilipinas na ulit, it's been a decade nang huli siyang bumalik sa bansang ito. Quinn will then meet a pretentious guy named Kai, the nephew of Emy, who turned out to be the one who will accompany her in her stay in Emy's house. As days past, she will start to be conscious on why this guy who irritates and tease her a lot is loved and adored by everyone. Quinn who thought had everything planned out already in her life, suddenly realize that there's more to life than just being happy and having everything you need. What discoveries, realizations and lessons about love and life will Quinn unveil in her stay in what seems to be an ordinary place for many?
like
bc
Sa'yo na lang Ako
Updated at Dec 9, 2021, 00:31
“Gusto mo sa’yo na lang ako.” “Ano? Seryoso ka ba?” “Biro lang, babayaran ko na lang ‘pag meron na.” “Akala ko pa naman seryoso ka.” “Saan?” “Wala!” “Saan nga?” “Sa bayad mo.” “Wala pa nga eh.” “Haynako ewan ko sa’yo, saka mo na nga ko kausapin ‘pag bayad kana.” Hi I’m ML, pangatlong kita ko pa lang kay FL nahulog na agad yung puso ko, sa pangatlong pagkikita ko lang kasi nakita na maganda pala siya kahit siga siya maglakad, maliit pero parang kargador ang boses, tapos sexy naman, straight nga lang walang harap, walang likod, pero tinamaan talaga ko at hindi ko maipaliwanag kung bakit, ‘di ko tuloy mabayaran yung utang ko sa kanya, ayaw ko kasing makalimutan niya ko. Simple lang naman ang problema ML, bayaran mo lang utang mo. Hindi naman simple yun FL, mahal kita, mahal mo ba ko?
like
bc
Even the Score
Updated at Oct 12, 2021, 00:05
Si Marth ay isa ng successful businessman sa edad na 25, dahil sa matalinong pag-iisip at kakaibang diskarte sa buhay ay mabilis siyang nakaangat at natanyag ang pangalan sa mundo ng negosyo sa Pilipinas. Ngunit isang pangyayari ang mabilis na magtatanggal ng lahat ng kanyang pinaghirapan at magiging dahilan ng pagkabagsak niya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay isang sikreto ang malalaman niya sa kumpanyang nagmamay-ari ng mga naglalakihang gusali at negosyo dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Sa pagkakataong iyon ay tila mabilis na umikot ang oras, hindi na kinaya ng talino at diskarte na pigilan pa ang isang grupo ng kalalakihan na pawang mga nakamaskara at may bitbit na mga baril ang walang habas na pinasok ang bahay nila. Pagmamakaawa at pagluhod ang ginawa niya para lang isalba ang asawa at mga anak na nasa likuran niya na mahigpit na nakayakap sa isa’t isa, ngunit walang mga puso ang mga taong nasa harapan nila, sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa bahay na iyon. Humalakhak na tila mga demonyo ang sunod niyang narinig at nang lingunin niya ang asawa at mga anak ay naliligo na ang mga ito sa sariling dugo at wala ng buhay. Agad niyang niyapos ng yakap ang mga ito sumisigaw at nananangis sa pagkawala nila. Galit at pagsisisi ang naramdaman niya ng mga oras na iyon, walang kinalaman sa lahat ng nangyayari ang mag-iina niya. Muli nilingon niya ang mga demonyong panay pa rin ang pangisi at pagtawa, isa-isang pinakatitigan niya ang mga ito. Ipinangako niya sa sarili ng oras na iyon na maghihiganti siya, babalikan at hahanapin niya ang nag-utos at gumawa nito sa kanila at higit pa sa impiyerno ang ipaparanas niya sa mga taong gumawa nito sa pamilya niya.
like