Story By Mai Tsuki
author-avatar

Mai Tsuki

ABOUTquote
Artist / Writer / Content Creator
bc
My Name is Mouse
Updated at Dec 6, 2020, 23:41
Ako si Mouse, hindi ko tunay na pangalan. Lumaki akong ulila kasama ng iba pang mga bata sa ampunan. Nang bigla akong ampunin ng mayamang pamilya. Nagulat nga ako kasi isang guwapong ginoo ang gustong umampon sa tulad kong ulila. Nang makarating ako sa malaking mansyon ng pamilya Lewis, inisip kong umpisa na nga ito ng pagbabago ng aking buhay. Syempre may pangarap ako at gusto ko itong matupad. Ang hindi ko alam, isa pa lang malungkot, nakakatakot at masusungit ang mga tao rito. Sa aking paglaki at pagdadalaga, makilala ko pa kaya ang tunay kong pamilya? Malaman ko kaya kung tunay nga itong nararamdaman ko para sa guwapong lalaking iyon o isang paghanga lang? Higit sa lahat malaman ko kaya ang tunay kong pangalan? Tara! Samahan ninyo ako sa makulay kong kuwento. Kuwento ng pangarap, pagkakaibigan, pag-ibig at pamilya.
like
bc
Iris: The Girl From the Flower Shop
Updated at Oct 26, 2020, 21:56
Tulad sa isang bulalak ang pag-usbong ng kagandahan ng isang babae. Ngunit hindi para kay Iris na isang wirdong mahilig sa Horror movies, series at iba pang nakakatakot na bagay. Para sa kanya ang kadiliman ay kanyang kaibigan. Hanggang sa makilala niya ang lalaking napagkamalan niyang gangster dahil sa hitsura. Si Dandy na isang anak mayamang may pagkamaangas ang dating. Magtatagpo ang landas nila at makikilala nang husto ang isa’t isa. Mamukadkad kaya ang kanilang pagsasama tulad sa isang magandang bulaklak o mauwi na lamang ang lahat sa isang Horror na relasyon?
like
bc
31 Days with Angelica
Updated at Apr 30, 2020, 02:07
What if, biglang may nahulog mula sa langit na isang itlog? Naglalaman pala iyon ng isang cute at inosenteng batang anghel. Si Romeo, isang binatang sawang-sawa na sa buhay niya. Palaging binu-bully sa school dahil sa pilat niya sa mukha. Idagdag pa ang masakit na nakaraang pilit niyang tinatakbuhan. Dahil sa kagustuhan niyang tapusin na ang lahat, pinili niyang wakasan ang sariling buhay. Isang cute na batang anghel ang ipinadala para sa isang misyon, ang tulungan si Romeo. Sa pagdating ni Angelica, magawa nga kaya niya ang mahalagang misyong ibinigay sa kanya ni Big Bro? Sa loob ng 31 days mangyari kaya ang isang himala na siyang magpapabago sa buhay nilang dalawa? An inspirational fantasy-romance na may basbas mula sa langit.
like
bc
The Mermaid, the Princie and the Wizard
Updated at Apr 30, 2020, 01:25
A three-part trilogy fantasy novel. Pagkatapos ng unang digmaang pandaigdigan nagkaroon ng kapayapaan sa apat na kontinente ng mundo. Nag-umpisa ang lahat nang iligtas ng batang sirena ang batang prinsipe sa pagkalunod. Sa paglipas ng panahon ang tanging hangad ng prinsesang sirena ay makapiling ang kanyang minamahal na prinsipe. Isang prinsipe na ang tanging nais ay kilalanin ang kanyang kakayahan sa buong mundo. Isang talentadong black wizard na may pilyong pag-uugali ang pilit hahanapin ang kanyang pinagmulan. Ang tatlong buhay nila ay pagbubukludin ng kapalaran. Sa muling pagbangon ng kasamaan dulot ng muling paggising ng Dark Lord na si Hellsing, muli na namang malalagay ang mundo sa panganib. Nasa kamay ng makabaong henerasyon ang kaligtasan ng buong mundo. Magawa nga kaya nila ang kanilang misyon? Marami silang pagsubok na kakaharapin, malalakas na kalabang kakalabanin. Maraming katanungan ang sasagutin. Sa paghahangad ng tatlo ng pag-ibig, katanyagan at kapangyarihan magampanan kaya nila ang itinakdang tungkulin na iginuhit sa palad nila? A journey to a magical world full of mystery, magic and adventure.
like
bc
Raindrops in Summer
Updated at Jun 21, 2019, 04:30
Sabi nila tuwing umuulan daw kahit maaraw ay may ikinakasal na tikbalang o lamang lupa. Iba ang naaalala ko tuwing sasapit ang tag-araw, tuwing umuulan kahit maaraw, tila patak ng luha ang bawat butil ng ulan. Isang kwento ng pag-ibig at pangako na hindi ko akalaing matutuklasan ko. Ako si Light at ito ang kwentong hinding-hindi ko malilimutan lalo na kapagsasapit ang panahon ng tag-init.
like