Story By Aftoktonia
author-avatar

Aftoktonia

ABOUTquote
Welcome to Aftoktonia’s Universe You can follow me on my other social media accounts: Facebook: Aftoktonia Writes Twitter: IamAftoktonia Instagram: IamAftoktonia
bc
Power of Seven
Updated at Dec 15, 2023, 21:22
Kilalanin si Ayeng Dela Cruz, isang anak mahirap at mag aalaga ng pitong anak na pinakamayayaman sa bansa. Matiwasay at tahimik lang ang buhay niya kaya sino bang mag aakala na may isang malaking oportunidad na darating sa buhay niya. Handa nga ba siya sa kanyang haharapin? Lalo't hindi lang isa ang aalagaan niya kundi pito na mas kilala sa tawag na " Power of Seven. "
like
bc
Dark
Updated at Feb 3, 2023, 07:11
Si Dark Kansel ang pinaka-kilalang lalaki sa kanilang campus, mula sa magandang pisikal na pangangatawan nito na maraming nagnanasang mga kababaihan at maging kalalakihan. Hindi lang iyon ang magandang katangian ang mayroon ang binata, maging ang mala-adonis na mukha nito na bumagay sa morenong-morenong kulay ng kaniyang balat. Matulungin, mabait, maunawain at higit sa lahat ay maginoo ang lalaki kaya wala ka ng hahanapin pang iba. Subalit, ang taglay nitong kagwapuhan ang magdadala sa kaniya ng malaking panganib dahil ang pinakamadilim nitong sikreto ay may makakatuklas. Dahil lang iyon sa babaeng may labis na obsesiyon sa kaniya at na nagngangalang ‘Emit Lavisto.’
like
bc
The Forgotten
Updated at Jan 22, 2022, 09:48
Mayroon isang paaralan na kilala sa maraming hindi maipaliwanag na pangyayari, katulad ng mga nagpapakitang multo na aksidenteng nakukuhanan ng mga litrato at pagkawala ng ilang mga estudyanteng nag-aaral doon. Isang guro ang natagpuang patay sa loob ng faculty room at pinatay sa kagimbal-gimbal na pangyayari, basag ang ulo nito na halos mapigtal sa kanyang leeg at nagkalat din ang mga bakas ng dugo nito sa sahig at sa bawat sulok ng silid. Dahil sa walang katapusan na kaganapang kababalaghan sa paaralang ito, may mga ilang mag-aaral dito na gumawa ng isang samahan na tinatawag na "Creepy Hunter." Nabuo ito upang alamin ang lahat ng mga nakakubling sikreto at mga misteryong nagaganap ngayon sa kanilang paaralan. Sa paghahanap ng kasagutan isang dimensyon ang mabubuksan na hindi kabilang sa ating mundong ginagalawan. Isang lugar kung saan ang lahat ng napupunta ay nakakalimutan at hindi na nakakabalik sa kanilang mundong pinanggalingan.
like
bc
Salamin
Updated at Dec 30, 2020, 18:02
Walang maitukoy ang mga pulis kung sino ang salarin sa pagkamatay ni Chandria, natagpuan nalang ang bangkay nito sa loob ng kanyang kwarto, hindi din masabing suicide o nagpakamatay ang dalaga dahil wala naman itong indikasyon o senyales ng pagkitil sa sarili. Ngunit... isa lang ang ipinagtatakhan ng mga nakasaksi bakit ang tanging sugat lamang na nakita sa biktima ay pulos lang sa mukha?
like