Story By MysteriousGurl
author-avatar

MysteriousGurl

ABOUTquote
Hello readers!!! ako nga pala si jessa Mae Tomao /24 years old. / new writer / readers din minsan. / isa din akong OFW here in saudi.
bc
Dangerous Daughter
Updated at Nov 18, 2022, 09:18
Anastasia Alekseev o Andrea Makagubat, isang babaeng pinanganak na mahirap. Isang kahig isang tuka kung tawagin. Sa edad na 13years old lumuwas siya ng manila para mamasukang katulong, dahil sa sobrang hirap ng buhay. Pero imbis na sa manila siya magtatrabaho, binenta siya ng amo sa isang recruiter papuntang ibang bansa at ginawang peke ang lahat ng dukumento niya. Dahil sa walang pinag aralan nauto siya ng mga ito. At napadpad sa lugar ng mga arabo sa saudi. At dahil sa bago sa kanya ang lugar, nahirapan siyang makisalamuha sa mga tao. At sa kanyang bagong mga amo. Dahil sa hindi siya marunong sa lengguwahe ng mga ito at nahihirapan pa siya sa salitang english kasi grade 6 lang natapos niya ay lagi siyang binubugbog ng mga amo at minsan kinukulong at hindi pinapakain. May isang araw na gusto siyang gahasin ng kanyang amo kaya di na siya nag dalawang isip na tumakas hanggang sa mapulot siya ng mag asawang Dmitri at Anya na galing sa Russia na napunta lang din sa saudi dahil sa negosyo. At dahil sa impluwensya ng mga ito ay inampon siya at hinasa sa larangan ng pakikipag away at pag hawak ng mga baril, dahil na rin sa trabaho ng kanyang ama na isang mafia boss.
like