Story By Grae Eyed Athena
author-avatar

Grae Eyed Athena

ABOUTquote
Aspiring writer. Always willing to learn and gain new experience. Works: √PTR and COMPLETED√ •RAGE ZALDIVAR (Gangster Series) √FREE and COMPLETED√ •So Young √FREE and ON-GOING√ •Vampire Series 2: Autumn Anderson •Love in Trouble Fb: Grae Eyed Athena
bc
Love in Trouble
Updated at Aug 2, 2022, 14:24
Barumbado at mahilig sa mga babae, ganyan kung ilarawan ni Kyden Elliot Jimenez ang kanyang sarili. Kaya bago pa tuluyang masira ang kanyang buhay ay nagpasya na ang kanyang mga magulang na ilipat siya sa Southland Academy, ang maliit na Akademiya na kabibili lamang ng kanilang pamilya. Ngunit sa halip na kilalanin bilang anak ng may-ari ng Akademiya at bigyan ng espesyal na pagtrato ay kinailangan niyang magtrabaho bilang Student Assistant sa mismong eskuwelahan at tustusan ang kanyang pag-aaral. Until Ariandra Trinidad came in his life. Galit ito sa mga mayayaman at hindi rin sang-ayon sa pamamalakad ng kanilang eskuwelahan. Kaya sa kagustuhang makasama ang dalaga ay nagawa niyang ilihim ang tunay na pagkatao. Hanggang kailan paninindigan ni Kyden ang mga kasinungalingan? Paano kung ang pagbunyag lamang sa kanyang pagkatao ang tanging paraan upang matigil ang maling pamamalakad sa Southland Academy? Handa nga ba siyang sumugal alang-alang sa nakararami? O mas pipiliin niyang manahimik makasama lamang ang babaeng minamahal?
like
bc
So Young
Updated at Mar 25, 2022, 14:37
May dalawang goal si Knoxx Neo Dela Cruz kaya siya lumipat sa Eastville Academy. Una, upang makapagtapos ng pag-aaral at matupad ang pangarap ng kanyang ina na maging doktor. Pangalawa, upang hanapin ang kanyang ama at mabuo ang kanyang pamilya. Subalit paano kapag nalaman niyang ang taong matagal na niyang hinahanap ay hindi pala ang tunay niyang ama? Mapapatawad pa kaya niya ang ina sa ginawa nitong pagsisinungaling sa totoong pagkakakilanlan ng kanyang ama? Matutupad pa kaya ang kanyang mga pangarap gayong unti-unti na itong sinisira ng mga kasinungalingang buong buhay niyang pinaniniwalaan?
like
bc
Vampire Series 2: Autumn Anderson
Updated at Mar 21, 2022, 14:45
Crescent University, ang nag-iisang lagusan papunta sa mundo ng Veracastrum, ang kaharian ng mga bampirang pinamumunuan ni Savage Veraguaz. Isang masama at ganid na bampira si Savage. Sa kagustuhan niyang maging pinakamalakas na bampira sa lahat ay pinagtangkaan niyang patayin ang anak na si Blaze Veraguaz at ang Prinsesa ng Benicastrum, ang mga punla ng Diyosang si Hecate. Sa pagpasok ni Autumn Anderson sa Crescent University ay makikilala niya si Blaze Veraguaz, isang bampira na pinagbintangan siyang isang kriminal. Ngunit paano kapag natuklasan ni Autumn na katulad ni Blaze ay hindi rin siya isang ordinaryong tao?  Ano ang kaya niyang gawin oras na matuklasan niya ang tunay na dahilan nang pagkamatay ng kanyang ina? Handa nga ba siyang ibigay ang kanyang sarili kay Blaze kapalit ng katahimikan at hustisya para sa mga bampirang pinatay ni Savage? Saan sila dadalhin nang paghihiganti at pag-ibig? 
like
bc
RAGE ZALDIVAR (Gangster Series)
Updated at Nov 8, 2021, 23:27
Ang maging kauna-unahang babaeng gangster na uupo sa puwesto ang tanging pangarap na gustong maabot ni Raizzel Georgette Zaldivar o mas kilala bilang Rage Zaldivar. Kaya upang makasali sa kompetisyon ay nag desisyon siya na umuwi sa Pilipinas upang maghanap ng mga miyembro na bubuo sa kanyang gang. Ngunit hindi niya inaasahan na sa pag-uwi niya sa Pilipinas ay makikilala niya ang taong nagpapanggap bilang isang Rage Zaldivar. Nagalit ito dahil mas pinili niya ang Triple X, ang gang na pinamumunuan ni Nazi Pierre Santillan sa halip na ang gang nito. Kaya nang makilala ng huwad na Rage Zaldivar si Don Miguel Santillan, isa sa mga kilalang businessman na ang tanging hangad ay makuha si Nazi ay nakipagkasundo ito nang pakikipagtulungan sa Don upang tuluyang mabuwag ang gang ni Georgette. Ngayon na dumadami na ang mga hadlang sa plano ni Georgette ay matutupad pa kaya ang kanyang mga pangarap? Makakabalik pa kaya siya sa Kingdom kasama ang gang na ipinangako niya sa kanyang ama? O tuluyan na siyang matatalo ng kanyang mga kalaban?
like