bc

When Miss NBSB Meets Mr. Bully (Completed)

book_age0+
9.5K
FOLLOW
71.6K
READ
billionaire
possessive
opposites attract
arrogant
badboy
kickass heroine
drama
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Hindi pa nagkaka-boyfriend si Catherine. Hopeless romantic kasi siya. Ang gusto niya, kapag pumasok siya sa isang relasyon ay dahil mahal niya ang isang lalaki. Pero wala yatang Prince Charmingna nakalaan sa kanya dahil ni minsan ay wala pang lalaking nagpakabog nang husto sa puso niya.

Hanggang sa umeksena sa buhay niya si Lance Pierro Alvarez. Mayaman ito, matalino, at guwapo. Okay na sana ito--- kung hindi lang ito punong-puno ng angas at yabang.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nagpakawala ng buntong-hininga si Catherine bago iniiwas ang mga mata sa mga parehang nagpa-public display of affection o PDA sa loob ng campus ng St. Anthony's Academy. Ibinaling niya ang tingin sa ibang direksyon, ngunit parang nananadya ang pagkakataon dahil may bigla naman siyang makikitang pares na naghahalikan. Napaungol siya. Bakit ba parang mga multo iyon na hinahabol siya? Naiinis na tumayo siya mula sa bench na kinauupuan niya at saka nagtungo sa ladies room. Pinagmasdan niya ang kanyang repleksiyon sa harap ng malaking salamin. She was Catherine Sanders, a certified NBSB, because she had never had a boyfriend since birth. Sa edad niyang dalawampu ay wala pa siyang karanasan pagdating sa pag-ibig "Maganda naman ako, ah," pabulong na sabi niya sa sarili habang nakamasid sa salamin. Wavy ang kanyang hanggang balikat na buhok, maganda ang bagsak at malambot. Ang akala nga ng mga kaibigan niya ay produkto iyon ng beauty salon pero ang totoo ay namana niya iyon sa kanyang ina. Matangos din ang ilong niya, maganda ang hugis ng mga mata, at manipis ang mga labing natural na mapula. Hindi niya alam kung binibiro lang siya ng kuya niya nang tanungin niya ito kung bakit ganoon ang mga labi niya. Ang sabi nito ay Igorota raw ang mga ninuno nila kaya marahil namana niya ang gene na iyon. Ang sabi pa nito, asset daw niya iyon kaya dapat ay proud siya dahil niya kailangan ng lipstick para ma-highlight ang mga labi niya. Nang makontento sa pagsusuri sa kanyang muka ay ang katawan naman niya ang pinagtuunan niya ng pansin. Umikot-ikot siya sa harap ng salamin. Tumango-tango siya pagkatapos gawin iyon.Sexy rin naman siya. Hindi man gifted ang harapan niya, pero maganda ang hubog ng katawan niya.Pero bakit walang nagkakagusto sa kanya? Gusto niyang batukan ang sarili. Hindi totoong walang nagkakagusto sa kanya. Sa katunayan ay maraming gustong manligaw sa kanya. In fact,She possessed the kind of beauty that any woman would want to have. Mga guwapo at mayayaman din ang nagtatangkang kumuha ng atensiyon niya, pero wala siya matipuhan sa mga iyon. She sighed. Of course, alam niya kung bakit ganoon. Hopeless romantic siya. Ang gusto niya, kapag pumasok siya sa isang relasyon ay talagang mahal niya ang lalaki. Iyong tipong pakakabugin nito ang dibdib niya kapag nginitian siya, o kaya ay ito ang papasok sa isip  niya bago siya matulog at unang maiisip niya pagkagising niya. She wanted a Prince Charming who could make her swoon and make her heart beat faster every time he looked at her. Ayaw niyang papasok siya sa isang relasyon dahil sa pressure o dahil gusto lang niyang maranasang magka-boyfriend. Hindi naman niya hinihiling na artistahin ang mamahalin niya. Wala siyang standard sa physical attributes ng isang lalaki. Basta maramdaman niyang mahal niya ito,iyon na iyon. Masyado bang malaki ang hinihingi niya?Minsan tuloy naiisip niyang hindi totoo ang Prince  Charming, na produkto lamang ito ng imahinasyon.Parang sa mga libro lang nangyayari ang happy ever after. Napailing-iling siya. Naguguluhan na rin siya sa itinatakbo ng isip niya. Mabuti pa sigurong lumabas na siya bago pa may makakita sa ginagawa niyang pagkausap sa sarili at isipin pang nasisiran ng bait ang transferre na estudyante sa eskuwelahang iyon. Isa pa, baka sa eskuwelahang iyon pala niya makikita ang kanyang Prince Charming. I hope so. Kipkip ang mga libro sa kanyang dibdib na lumabas na siya ng ladies'room. Tumunog ang cellphone niya na nasa loob ng kanyang bagh. Agad na binuksan niya ang kanyang bag upang sagutin ang telepono dahil baka ang kapatid niya na nasa Spain ang tuamatawag. Akmang ilalabas na niya iyon mula sa kanyang bag nang biglang may kung anong bumangga sa kanya, dahilan upang mawalan siya ng balanse at tumilapon sa kung saan ang mga bitbit niyang libro.  Mabuti na lang at maagap siyang nahapit sa baywang ng nakabangga sa kanya kaya hindi siya tuluyang bumagsak. Agad na bumangon ang inis niya nang walang sabi-sabing tumalikod ito pagkatapos siyang maitayo. Ni hindi ito nag sorry o kaya pinulot man lang ang mga libro niya.  Akala mo kung sino ka,ha!  Sa inis ay hinubad niya ang sapatos  niya at inasinta ang likod ng papalayong lalaki. Magaling yata siyang umasinta. Tingnan lang niya kung hindi niya ito matamaan.  Sapol ang likod nito nang ibato niya rito ang sapatos. Napatigil ito sa paglalakad at nakakunot-noong humakbang pabalik. Napansin niyang guwapo ito, pero mas nangingibabaw ang inis niya rito.  Taas-noong hinarap niya ito. Hindi siya ang tipong uurungan ang sinumang may atraso sa kanya.  "You just threw you shoes at me," wika nito nang makalapit sa kanya. Tila may kung anong amusement sa mga mata nito sa kabila ng pagkakakunot ng noo nito.  Tinaasan niya ito ng isang kilay. "I did. Napakayabang mo. Akala mo kung sino ka. Ni hindi mo man lang pinulot ang mga libro ko, at hindi ka man lang nag-sorry gayong ikaw itong bumangga sa akin," litanya niya.  "My name is Arthur Franz de Luna. For your information, Miss, ikaw ang bumangga sa akin.Ikaw ang hindi nakatingin sa dinaraanan mo. Or is that your way of getting my attention?"   Parang nanlaki ang ulo niya sa sinabi nito. Tama ba ang narinig niya na inaakusahan siya nito sa sinasadya niyang banggain ito para makuha ang atensiyon nito?  Pinamaywangan niya ito. "Nagpapatawa ka ba? Bakit ko naman kukunin ang atensiyon mo?" Napakayabang naman nito para isipin iyon.  Ilang saglit na nakipaglaban siya ng tingin sa lalaki bago niya pinulot ang mga libro at inis na binangga niya ang tagiliran nito bago niya ito nilampasan. Mabuti na lang at Biyernes nang araw na iyon, dalawang araw din na hindi magtatagpo ang mga landas nila nito, dahil kung hindi ay baka hindi lang sapatos ang ibato niya rito. Araw ng Lunes. Napahinto sa paglalakad sa hallway ng university si Catherine. Bigla nalang kasing humarang sa daraanan niya ang isang estudyanteng lalaki. Nakadipa pa ito na tila naninigurong hindi siya makakaalpas dito. Mukhang laging laman ng library ang hitsura nito base sa makapal na salamin na tumatabing sa mga mata nito.  Ibinaba nito ang nakadipang mga kamay at nagkamot sa ulo habang naghahabol ng hininga. Tila hindi nito alam kung paano sasabihin ang pakay.   Tinaasan niya ito ng isang kilay. "What?"   Ilang ulit na tumikhim muna ito bago nagyuko ng ulo. "Miss Catherine, please come with me. Gusto kang makilala ni Lance Pierro Alvarez." Umarko ang isang kilay niya. "Excuse me? May gustong makipagkilala sa akin at ako ang dapat na lumapit? Did i hear you right?" tanong niya. Kung sino man ang tinutukoy nito, napakaantipatiko naman niyon. "Sino ba ang Pierro na 'yan?" Tila ikinabigla nito ang tanong niya. Nanlaki ang mga mata nito. "H-hindi mo kilala kung sino si lance Pierro Alvarez?" Napakunot-noo siya. "Bakit?" Dapat ba kilala ko lahat ng estudyante rito? Lalo na ang Pierro na 'yan? whoever he is?" mataray na balik niya. Nilagpasan niya ito. "P-please..." Mababakas ang pagmamakaawa sa boses nito. Napatigil siya sa paglalakad at muling hinarap ang lalaki. "Why?" Muli itong yumuko." Nasa kanya ang thesis ko at kailangan ko na iyong ipasa mamaya. Nakadepende sa thesis ko  ang scholarship ko." "Pero ano'ng kinalaman ko sa thesis mo?" naguguluhang tanong niya.  "H-he took it from me. Hindi raw niya ibabalik 'yon hangga't hindi kita naisasama sa kanya. Okay lang sana kung bukas pa ang deadline ko ng thesis, puwede pa akong mag-print ng bagong kopya. Pero ngayon nga ang deadline at nasa bahay ang soft copy ko... Please?" Nakadama siya ng awa rito. Malamang na napag-trip-an ito ng kung sinumang Lance Pierro na iyon. "Bakit ako? At sino ba talaga ang Pierro na 'yan?" Hindi talaga niya lubos na maisip kung ano ang kinalaman niya sa sinasabi ng lalaking ito. "Y-you really don't know him?" Tila nagdududa pa ito na hindi niya kilala ang kung sino mang herodes na iyon. Napabuga siya ng hangin. "Magtatanung ba ako kung kilala ko siya? Besides, transferee ako at wala pa akong isang buwan dito sa university." Hindi niya napigilang muling magtaas ng kilay. "Where is that jerk?" Sinundan niya ng tingin ang diresksyong itinuro nito. Sa bandang atrium iyon ng unibersidad. She saw a group of six, all good-looking men. Isa sa mga iyon ang nakakuha ng atensiyon niya, ang lalaking nakaupo sa bench na nakataas pa ang isang paa. Mukhang kanina pa rin ito nakatingin sa kanya dahil agad na itinaas nito ang isang kamay na may hawak na makapal na folder. Iyon siguro ang thesis ng lalaking humarang sa kanya. Nilingon niya ang katabi. Tahimik na tumango ito bilanmg pagkumpirma na iyon nga ang thesis nito. Mabilis na nagmartsa siya payungo sa grupo. Kumukulo na talaga ang dugo niya sa aroganteng lalaki na mukhang siya ang napiling pag-trip-an. Puwes, nagkamali ito ng bubuwisitin dahil hindi nito kilala kung sino ang pinagti-trip-an nito. Matapang yata siya;hindi niya ito uurungan. Dahil nasa bench ang lalaki at medyo malayo iyon sa hallway, hindi niya gaanong makita ang mukha nito at ng mga kasama nito.  Ang deskripsiyon niya kaninang "good-looking" ay ibinase lamang niya sa porma ng mga ito. Matitikas ang mga ito at hindi maikakailang nabibilang sa mataas na antas ng lipunan. Natigilan siya ng medyo makalapit at tuluyang makita ang anim na lalaki. Pulos guwapo ang mga ito; walang-itulak-kabigin kung hitsura ang pababasehan. Napakunot-noo siya nang makilala ang isa sa mga naroroon--iyong lalaking binato niya ng sapatos noong biyernes. Subalit wala roon ang atensiyon niya kundi sa lalaking may hawak na folder. Nang mga sandaling iyon ay dahan-dahang nag-aalis ito ng suot na dark shades. Muntik na siyang mapasinghap nang mabistahan niya ang mga mata nito. Tila kasindilim ng gabi ang mga matang iyon. Hindi niya alam kung bakit, pero parang nakadama siya ng panganib sa mga matang iyon. They were so powerful, na para bang tumatagos iyon hanggang sa kaluluwa niya. He had a mole on the upper part of his right brow that emphasized the arrogant gleam in his eyes. He had a pointed nose and prominent cheekbones. Nakatikom ang mga labi nito na tila ba hindi iyon marunong ngumiti. Overall, his expression conveyed arrogance and superiority, as if he was always the one in control. Lihim na kinastigo niya ang sarili. Hindi siya makapaniwalang pinag-aralan niya nang ganoon ang isang anak ni Adan. Gaano katagal kaya niyang ginawa ang pagmamasid sa hitsura nito? Well, his kind was definitely out of her league. At kung mag-a-apply itong boyfriend sa kanya ay siguradong hindi niya ito papatulan.  Natigilan siya. Boyfriend? Bakit boyfriend agad ang nasa isip ko? Well, aminado siyang guwapo nga ito at tipong may personalidad--na ipinapakita nga nito nang mga sandaling iyon. Bumalik ang inis niya nang tuluyan siyang makalapit. Hindi niya nagustuhan ang ngiting nakapaskil sa aroganteng mukha nito. Nakasunod naman ang lalaking humarang sa kanya kanina. Tumayo ang may hawak ng folder, mayabang ang pagkakangisi. His height must be around five-eleven... What? Really, Catherine. Nagawa mo pang masukat kung gaano katangkad ang lalaking iyan? Inilang-hakbang niya ang paglapit dito at agad na hinablot ang hawak nitong folder. Mabilis na ipinasa niya iyon sa lalaking nakasalamin. Nagpasalamat iyon at natatarantang umalis na. Ibinalik niya ang tingin sa aroganteng lalaki. Ngumiti siya rito nang nakakainsulto, pagkatapos ay walang babalang binigyan ito ng sampal na ikinatigalgal nito. Halos sabay-sabay na napa "oh!" ang limang lalaki na kasama nito. Nabura ang mayabang na ngisi nito at napalitan iyon ng pagkagulat. Batid niyang hindi nito inaasahan ang kanyang ginawa. Nagkaroon ng bakat ng palad niya sa maputing pisngi nito, agad na namula iyon. Medyo natakot din siya nang dumaan ang galit sa mga mata nito. "You deserve that!" aniya at mabilis na tumalikod. Aminado siyang kabado siya sa maaaring gawin nito. Ang lakas ng loob niyang sampalin ito gayong hindi naman niyan ito kilala. Paano kung pumapatol pala ito sa babae at gantihan siya? Bakit kasi siya ang napili nitong pag-trip-an? Matay man niyang isipin ay wala siyang natatandaan na nagsalubong na ang mga landas nila. Nauubusan na ba ito ng babae? Nai-date na ba nito ang lahat ng kolehiyala sa campus at siya na lang ang hindi? Puwes, nagkamali ito ng lolokohin. Akala siguro nito ay magkandarapa siya sa pagkalugod dahil gusto siya nitong makilala. Halos magkandatapilok na siya sa paglalakad makalayo lamang sa lalaki at sa grupo nito. Talagang kinakaban siya dahil noon lang siya nanampal ng lalaki. "SHE'S really special, isn't she?" nangingiting bulalas ni Randall Clark habang hianahabol ng tingin ang palayong dalaga. Pinukol ito ni Pierro ng masamang tingin habang hinihimas ang namumulang pisngi niya. Mukhang nanggigigil  sa galit sa kanya si Catherine kaya nagawa siya nitong sampalin. Napatiim bagang siya nang maramdaman ang hapdi na dulot ng pagkakasampal nito sa kanya. Wala pang nakakagawa sa kanya ng ganoon kaya sisiguruhin niyang pagbabayaran nito ang ginawa nito sa kanya.   "Wow, pare! Ano'ng pakiramdam ng masampal ng babae? Headline ka mamaya, 'tol. Tiyak na babandera sa campus ang pangalan mo," wika naman ni Jared na ikinukumpas pa ang kamay. '''The Great Lance Pierro Alvarez, Slapped by a Lady.''' "Paano ba 'yan, Pierro, mukhang madudumgisan na ang record mo," malapad ang ngiting baling sa kanya ng kaibigang si Arthur Franz de Luna.  Si Arthur Franz ang pasimuno ng naging pustahan na iyon. Bigla na lang kasi itong lumapit sa kanya at sinabing may kilala itong babae na hindi mahuhulog sa charm niya. Na-challenge ang ego niya. Sino ba naman kasi ang hindi mag-uukol ng pansin sa grupo nila? Kaya tinanggap niya ang hamon ng mga ito, lalo na at ginatungan pa si Arthur franz ng iba nilang kaibigan. Confident siya na makukuha niya ang babaeng iyon na mukhang amasona kung makasugod. Iyon nga lang, hindi niya napaghandaan ang ginawa nitong pananampal sa kanya. Ah, marahil ay nagpapa-hard to get lang ito. Well, he was up for the challenge and he was going to make sure  that he would come out victorious. Tingnan lang niya kung hindi ito bumigay sa kanya. Nobody has ever resisted Lance Pierro Alvarez's charm.  Nakadama siya ng kakaibang excitement para sa challenge na iyon. "Huwag kang magdiwang agad diyan, Art. Hindi pa tapos ang deadline ko," aniya na binigyan ito ng naghahamon na tingin. "Why don't we raise the stakes? Make it a brand-new car." Brand-new cellphone na latest model lang kasi ang nakataya sa puatahang iyon. "Whoa!" bulalas ng iba pa nilang mga kaibigan na sina Randall, Miro, Jared, at Mikael Henric. "Call," bale-walang wika ni Arthur Franz. Solong tagapagmana ito ng De Luna Airlines kaya bale-wala lamang dito ang magpakawala ng ganoong halaga. Kunsabagay, ganoon din naman siya. Siya ang tagapagmana ng korporasyon ng mga Alvarez. Itinatag iyon ng lolo niya at nang mamatay ito ay sa kanyang pangalan inilipat ang pagmamay-ari niyon at hindi sa kanyang ama. His father only owned a quarter of the company while the remaining part was his. Kung ano ang mga dahilan ng lolo niya para gawin iyon ay ayaw na niyang balikan pa sa isip niya dahil siguradong sasama lang ang loob niya. "Good. Ill make sure I'll win," wika niya bago iniwan ang mga kaibigan. Nasaling ang pride niya sa pananampal sa kanya ng babaeng iyon. Sisiguruhin niyang mananalo siya sa labang iyon. At saka, kailan ba siya natalo? Hindi mahalaga sa kanya ang sasakyan dahil kayang-kaya niyang bumili niyon. Mas mahalaga sa kanya ang nasugatang ego at hindi siya titigil hangga't hindi nakakaganti sa amasonang iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.5K
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.9K
bc

Payment of Debt

read
87.6K
bc

A Night With My Professor

read
495.8K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
780.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook