Kabanata 1
matagal na nakatitig si Gail sa lalaking matangkad na parang babae kung gumalaw, hindi na nya halos. makain ang kinakain nito dahil sa pag titig
"teh kain ka muna mamaya sya makain mo" biro ng kaibigan nitong si liz
"sana nga" nagsimula na syang kumain ng pagkaing binili nya, marami yun kaya hindi nya naubos. sanay na ang mga kaibigan ni gail sakanya feeling nga nila ay nabubusog ito sa pagtitig kay feil o felipe louise.
hawak hawak ni gail ang mga test paper na ginamit nila kanina sa exam nila sa math, pakiramdam nya'y natuyo na ang utak nya dahil sa mga tanong na hindi naman naturo ng guro nila math.
"cutie talaga ni sir no? bwisit na bading yun" nagdadabog at halos magyakapan na ang mga kilay nito kakasimangot ni liz
"homophobic ka ba?" nakatitig si andrea kay liz, seryoso ito at hindi palangiti.
"grabe ka naman hindi ba pwedeng nag rereklamo lang" hindi na sya pinansin ni andrea
lumulutang ang utak ni Gail at nag ooverthink na baka bumagsak sya dahil hindi nya alam yung ibang tanong, kasama sya sa honors student wala lang syang tiwala sa sarili nya
"ang dali ng tanong sa esp lalo na yung sa likod"
"lah meron sa likod girl?" akisedenteng nabangga nito si gail na lumilipad ang utak
"gago ka gail sorry bobo mo naman"pabiro nito, pinulot ni feil ang mga nahulog na test paper
"sorry feil kung ang gaslaw mo kaya na bangga mo ko, hindi ko sinasadya" ganti nito sa binata, umirap si feil at naglakad na bumubulong bulong pa ito nang kung ano ano sa mga kaklase
pagkauwi nya ay tinitigan nya ang litrato ni feil na naka save sa gallery nya, nag iinit ang katawan nya at hindi napigilang isipin ang bagay na malabong mangyari
kinabukasan ay maagang pumasok si gail para sa exam, natapos nya yun kaagad dahil madali lang naman kaya umakyat na lang muna sya sa rooftop. Humiga sya at dinama ang malamig na hangin na dumadampi sa balat nya
"dito ka rin bakla?" nagulat man ay kilala na nya ang boses na yun. "sinundan mo ba ako? crush mo ba ako? sorry itlog din gusto ko" bumuntong hininga si Gail at tumingin kay feil
"hindi ko alam kung crush kita o gusto ko lang tanggalin isa mong kidney para ibenta" natahimik ang pareho at dinadama ang hangin
pagtapos ng ilang minuto ay bumaba na sya para tignan kung tapos ng mag exam ang mga kaibigan nya at tapos na nga.
"Gail truth or dare?" hinarang sya ng kaklase nyang lalaking bully para tanungin ang walang kwentang bagay sa mundo
"tabi" tinapakan nya ang paa ng kaklase nya para umalis pero di pa din to tumigil kaya pinagbigyan na nya "dare"
"i dare you na pakopya mo lahat ng sagot mo saakin sa susunod na exam" umirap sya at di pinansin ang pinagsasabi nito "biro lang gail ang sungit mo naman kiss kita e"
"bilisan mo at kakain kami" pumipili sya ng mga kakainin, wala syang gana ngayon dahil diet sya
"i dare you na mag jowa ka ng bakla tutal madaming bading dito, bakit puro aral lang ba kaya mo?" kasabay nyang pumipili ng mga pagkain ang kaibigan nya pati si zane na nag didare sakanya
"paano pag nagawa ko?" umupo sya sa upuan nya at umupo din naman si zane at ang mga kaibigan nya dun
"papakopyahin kita"
"umalis kana dito" tumawa ng malakas si zane, singkit ito kaya nawawala ang mga mata kapag tumatawa
"bibigyan kita ng isang libo" mayabang na sabi nito, mayaman si zane anak sya ng isa sa investor ng school namin kaya....
"Deal"