bc

My Ex-Husband's Hot Uncle! (SPG)

book_age18+
461
FOLLOW
7.0K
READ
billionaire
dark
forbidden
love-triangle
family
HE
age gap
dominant
neighbor
stepfather
heir/heiress
drama
sweet
bxg
lighthearted
small town
like
intro-logo
Blurb

Lumaki si Tanya sa isang orphanage. Pag-aari iyon ng pamilya Miller na walang sariling anak. Nagkaroon ito ng matalik na kaibigan sa orphanage na itinuring niyang kapatid--si Gela. Sa ika-20'th anniversary ng orphanage, nagdesisyon ang mag-asawang Miller na umampon ng isa sa mga naroon na bata. At ang inirekomenda sa kanila ng mga madre ay si Tanya. Hanggang nagdalaga ay patuloy sa pagdalaw si Tanya sa orphanage. Masayang ikinukwento kay Gela ang mga nangyayari sa kanya sa labas. Ngunit ang hindi alam ni Tanya, ang kaibigang itinuturing niyang kapatid. . . ay malaki na pala ang inggit sa kanya at naghahangad agawin ang buhay na meron siya!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
LUMAPIT si Tanya sa isang batang katulad niyang dinala sa orphanage. Lugar kung saan dinadala ang mga batang walang pamilyang mag-aalaga. Nasa mahigit isangdaan silang bata sa orphanage. Ang iba ay kaedaran nila at ang iba ay mas matanda o mas bata sa kanila. Walong taon pa lang si Tanya. Namatay ang mga magulang niya sa isang car accident. Dumating ang kanyang lola na siyang kumuha sa katawan ng mga magulang niya sa morgue, pero iniwan si Tanya. Dahil ito ang sinisisi ng matanda kung bakit sila naaksidente--kung bakit namatay ang mga magulang nito. Dinala ng mga staff ng hospital ang bata sa isang malapit na orphanage. Pag-aari ng mag-asawang Miller na hindi nabiyayaan magkaroon ng anak. Kaya ang kinikita nila sa kanilang mga negosyo, napupunta sa orphanage kung saan maraming bata ang umaasa sa kanila. "Hi, ikaw 'yong kasabayan kong dinala dito, 'di ba?" saad ni Tanya na ngumiti at naglahad ng kamay sa batang nakaupo sa sulok ng kama nitong doubledeck. "Ako nga pala si Tanya. Ikaw, ano ang pangalan mo?" Kiming ngumiti ang batang babae. Inabot ang kamay nito na ikinalapad ng ngiti ni Tanya at naupo sa gilid ng double size bed nito. "Ako si Gela." Simpleng sagot ng bata. Tumango-tango si Tanya na nakangiti pa rin dito kahit walang kangiti-ngiti sa kanya ang kausap. "Okay lang ba na makipag kaibigan sa'yo, Gela? E kasi. . . tayong dalawa ang baguhan dito at wala pang mga kaibigan." Saad ni Tanya dito, umaasa na pumayag ang bata. Napahinga pa ito ng malalim na marahang tumango. "Oo ba. Wala din naman akong planong makipag kaibigan sa iba dito. Natatakot ako. Baka katulad lang sila ng mga pinsan ko na nang-aaway at nananakit." Mababang saad nito na bakas ang lungkot sa mga mata. Napalunok si Tanya na nakamata dito. Kita ang pagdaan ng kirot at awa sa mga mata nitong inosente. "Ako naman, may mga dating kaibigan ako. Mabait ang mga magulang ko pero hindi ang lola ko. Heto nga at. . . iniwan na lang ako basta sa hospital. Hindi niya ako isinama pauwi. Namimis ko na ang mommy at daddy ko. Hindi ko na sila makakasama pa. Wala na akong pamilya at heto. . . kailangan kong ipagsiksikan ang sarili ko dito sa orphanage na ito." Pagkukwento ni Tanya dito na malamig ang mga matang nakatitig sa kausap. "Ayaw sa'yo ng lola mo?" tanong ni Gela na ikinatango nito. "Ayaw niya sa daddy ko. Dahil mahirap daw ang daddy ko. Pero dahil mahal ng mommy ko si daddy, wala siyang nagawa. Pero kasi. . . namatay ang mga magulang ko sa aksidente at himalang nakaligtas ako. Noon pa man ay ayaw sa akin ni lola. Kaya hindi na ako nagpumilit nang iwanan niya ako sa hospital at wala naman siyang pakialam sa akin. Mas matutuwa pa nga siya kung pati ako. . . namatay sa aksidente." Mapait nitong turan na tumulo ang luha. Napayuko ito. Namigat ang dibdib na naiisip ang mga magulang na namatay. Sariwa pa ang sugat sa puso niya pero kailangan niyang magpakatatag. Dahil hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya bukas. Nagulat ito nang yakapin siya ni Gela. Akala niya kasi ay ayaw sa kanya ng bata dahil hindi manlang ito ngumiti. Para siyang nakahanap ng bagong kakampi nang marahang tinatapik no Gela ang kanyang likod habang yakap siya nito. Napahikbi ito sa balikat ng bagong kaibigan. Inilabas ang bigat sa kanyang dibdib sa pag-iyak. "Ako rin, Tanya. Ayaw nila sa akin sa bahay. Wala na rin kasi ang nanay at tatay ko. Pinagpapasa pasahan ako ng mga tito at tita ko pero. . . ayaw talaga nila sa akin. Kahit ang mga pinsan ko, inaaway ako at pinagdadamutan ng laruan at pagkain. Kaya nang magdesisyon sila na ibigay ako sa mga madre at dito sa orphanage manirahan, pumayag ako." Wika ni Gela na naluha. Kumalas si Tanya na naglahad ng kamay. Tinanggap naman iyon ni Gela. Luhaan na ngumiti sa isa't-isa. "Kung ayaw nila sa atin, hwag nating ipilit. Dito sa orphanage na ito, ito ang bagong bahay natin. Ikaw at ako, tayong dalawa na ang magkakampi ngayon. Magiging successful din tayo balang araw at ipakita sa kanilang lahat kung ano ang halaga ng batang itinapon nila." Wika ni Tanya dito na tumango-tango. "Tayong dalawa. . . hanggang dulo, Tanya." 5 YEARS LATER. LUMIPAS ang limang taon at dumating ang ika-20'th anniversary ng orphanage na pinaghandaan ng mga madre at mga bata doon. Kalat ang balita sa buong orphanage na darating ang mag-asawang may-ari sa bahay ampunan at may kukunin silang isang bata na magiging anak nila! Excited ang lahat ng bata doon. Umaasa na sila ang mapipili ng mag-asawang Miller. Dahil makakalabas na sila sa orphanage at magkakaroon ng maginhawang pamumuhay sa piling ng mag-asawang Miller. "Tanya, iyan ang isusuot mo?" tanong ni Gela sa kaibigan. Kiming ngumiti si Tanya na tumango. Sa nakalipas na limang taon, naging malapit at magkasangga ang dalawa. Nag-aaral sila sa katabing public school ng orphanage at dahil magkaedad lang sila, magkaklase ang mga ito. Ang kaibahan lang, matalino si Tanya sa klase habang si Gela? Nahihirapan ito. Kung wala si Tanya na tumutulong sa kanya ay puro bagsak ang mga grades nito. "Hindi naman ako umaasa na mapipili ng mag-asawang Miller e. Isa pa, masaya naman dito. Wala tayong kaaway dito at hindi rin tayo nagugutom. Oo, hindi branded ang mga damit at laruan natin dito pero maayos naman ang buhay natin dito e. Kaya bakit pa ako maghahangad na umalis dito, 'di ba?" sagot ni Tanya habang hinahaplos ang lumang bestida na paborito nito. Napanguso naman si Gela. Tumango na lamang sa kaibigan. "Kung sabagay. Marami tayo dito. Tiyak na hindi tayo mapapansin." Pagsang-ayon ni Gela na tinapik sa balikat ang kaibigan. "Magbihis ka na. Nagsisimula na ang mga palaro sa labas. Sayang naman kung hindi tayo makasali. May mga premyong pera, damit, laruan at chocolate mula sa mag-asawang Miller." Tumango si Tanya na tumayo na at kinuha ang lumang bestida nito. Pumasok siya sa banyo at nagbihis doon. Kung titignan lahat ang mga bata sa orphanage, si Tanya ang may pinaka angelic ang mukha. Napakaamo ng bilog at magandang mukha nito. Likas itong maputi dahil may lahing Italiano ang kanyang ina. Habang ang ama niya ay purong pinoy. Nakuha niya ang hulma ng magandang mukha ng kanyang ina. Mestisa itong bata. Matangos ang ilong, dark blue ang mga mata at malalantik ang mga pilikmata na parang buhay na manika. Mabait ito at matalino. Kaya gustong-gusto ito ng mga madre dahil magalang at masunurin itong bata. Sa lahat ng mga batang alaga nila sa orphanage, si Tanya ang katangi-tangi. Ito rin ang hindi lumalabag sa mga rules at palaging mataas ang marka sa school. MAGKAHAWAK kamay na lumabas ng kanilang silid si Tanya at Gela. Tumuloy sila sa garden ng orphanage at naroon ang mga kasamahan nila. Nagsimula na rin ang programa. May mga kasamahan na sila na nakisali sa mga naunang palaro at sa stage sa harapan, naroon ang ilang madre at staff ng orphanage kasama ang mahalagang bisita nila. Ang mag-asawang Miller! Napangiti si Gela na makita ang mag-asawang may-ari ng orphanage. Sa isip nito, kailangan niyang galingan sa mga palaro para humanga at mapansin siya ng mag-asawa. Dahil kung si Tanya, wala sa kanya na may pipiliin ang mag-asawang Miller sa kanilang mga nasa orphanage? Iba ito. Dahil pangarap niyang makaalis na sa orphanage at may umampon sa kanyang mayamang mag-asawa. Ito na ang pagkakataong hinihintay niya. Kaya kailangan niyang magpakitang gilas para makuha ang attention ng mag-asawa at siya ang ampunin. "Sister Zae, sino ang batang iyon?" tanong ni Mrs Talita Miller na mapansin ang dalawang batang babae na bagong dating sa venue. Napasunod ng tingin ang madre sa tinitignan ng ginang. Napangiti ito na makita si Gela at Tanya. "Ah, sila po ba, Mrs Miller?" Anito na napatango-tango at magkatabi sila ng upuan ng ginang. "Yong batang nakalugay ang buhok at nakangiti, si Gela po iyon. Iyong nakapusod ang buhok na mestisa na kasama niya si Tanya po. Magkaibigan ang dalawa at nasa limang taon na rin sila dito sa orphanage natin." Pagbibigay alam nito sa ginang. Napangiti ang ginang na nakamata. . . kay Tanya. Unang kita niya pa lang sa bata ay nakuha na nito ang kanyang attention. Napatango-tango sa isipan. "Ano ang katangian ng batang iyan, sister?" tanong nito na inginuso ang dalawang bata sa harapan nila. Abala na nanonood sa mga kasamahang naglalaro. May mga mesa at upuan naman na para sa lahat. Sa harapan nila naroon ang stage at sa gitna, doon naglalaro ang mga sumali sa patimpalak. "Sino po sa kanila, madame?" tanong ng madre para hindi siya magkamali. "Yong nakabestida at mestisang bata. Gusto ko siya." Sagot ng ginang dito na napangiti. "Ah, si Tanya po. Naku, kung si Tanya ang maiibigan niyo pong kunin ay hindi po kayo magsisisi, madame. Mabait na bata 'yang si Tanya. Magalang siya, masipag at matalino sa klase. Marami nga ang gustong umampon kay Tanya pero hindi namin ito basta-basta ipinapamigay. Dahil natatakot kami na mapunta siya sa masamang tao." Tugon ng madre ditong napatango-tango na lalong namamangha sa bata. Kinalabit nito ang asawa sa tabi niya at bumulong. "Hon, I think I found the right one. I want that child to become our own daughter. What do you think?" tanong niya sa asawa na itinuro ang gawi ni Tanya at Gela. Napasunod ng tingin ang asawa nito at napangiti na makita ang tinutukoy ng kanyang asawa. "Kung sino ang maibigan mong kunin, honey. Iyon din ang kukunin ko. Ikaw ang mag-aalaga sa kanya kaya ikaw ang pipili kung sino ang maibigan mong ampunin natin." Sagot ng asawa nito na ikinangiti nitong nilingon muli si Tanya. "Thanks, hon. I like her. After the program, kakausapin ko siya at iuuwi na sa atin. Sana. . . sana pumayag siya."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
307.5K
bc

Too Late for Regret

read
271.6K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.6M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.2M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
135.8K
bc

The Lost Pack

read
374.6K
bc

Revenge, served in a black dress

read
144.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook