bc

Te Amo, Forever and Ever (Completed)

book_age0+
4.4K
FOLLOW
32.5K
READ
billionaire
possessive
friends to lovers
drama
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Keith James and Jeg were best friends. Mula pagkabata ay sila na ang magkasama. Keith was handsome, responsible, and a real charmer. Kahit sino ay mai-in love dito.

Jeg thought she was the only exception and seh was immuned to his charms. Pero nagbiro ang tadhana, natagpuan na lang ni Jeg ang sarili na nagmamahal ng lihim sa kaibigan. Ang masakit lang, may iba ng minamahal si Keith. She opted ot hide her feelings and buried it deep in her heart. Peor isang trahedya ang nagpabago at sumira sa uhay ni Jeg. Gaya ng isang bestfriend na palaging tumutulong sa kanya, iniligtas siya ni Keith sa malaking kahihiyan at inalok siya nito ng kasal...

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“BEAST,” mahinang sabi ni Jamie Elaine Grassner, o Jeg, sa best friend niyang si Keith James. Inirapan niya ito. Naiinis siya rito dahil wala siyang kaide-ideya na isasama siya ni Keith sa isa sa mga escapade nito. Maaga pa lang ay nasa condo unit na niya ito sa Alabang. Magpapasama raw ito sa kanya at hindi siya tinigilan nito hangga’t hindi siya naisasakay sa kotse nito. Sa pagkamangha niya ay isang private hangar ang pinuntahan nila at umiikot na ang elise ng twelve-seater chartered plane na naroon. Keith almost dragged her to the plane and made her sit on a seat next to the window. He even fastened her seat belt. Before she knew it, the plane was already taking off the runway. Ni wala siyang ideya kung saan siya balak dalhin ni Keith. Keith chuckled. “Huwag kang sumimangot, pumapangit ka. I promise, Jeg, mag-e-enjoy ka sa pupuntahan natin,” sabi nito na tila hindi apektado kung magusot man ang mukha niya sa pagsimangot. Tila nagsasayaw sa pagkaaliw ang mga mata nito. “Where are we going?” nakairap na tanong niya. Kahit anong pagkaasar niya rito ay hindi niya magawang magtaas ng boses dito. Baka kasi kung ano ang isipin ng mga pasahero na kasabay nila. “We’re going to Palawan. To an island resort, to be more specific. Today is Saturday and we’ll be back on Monday,” nakangising sabi nito. Tila sinasabi ng ekspresyon ni Keith na naisahan siya nito. “Palawan? Island resort? For three days?” nanlalaki ang mga matang pag-uulit ni Jeg sa mga sinabi nito. Halos lumaki ang mga butas ng kanyang ilong. Sa sobrang pagkaasar niya ay hindi siya nakatiis at pinisil niya nang mariin ang ilong nito. “Aw, Jeg! That hurts!” nakangiwing sabi nito. At dahil pinipisil niya ang ilong nito ay nagbago ang tunog ng boses nito. Muntik na siyang mapahalakhak dahil doon, mabuti na lang at napigilan niya ang kanyang sarili. Mapulang-mapula na ang ilong nito nang bitiwan niya. “You love to do that!” reklamo pa nito. Hindi siya nakonsiyensiya. Humalukipkip siya at hindi ito pinansin para ipakita na naaasar pa rin siya. “Jeg,” tawag nito. Hindi pa rin niya ito pinansin. Imagine, dadalhin siya nito sa isang resort sa loob ng tatlong araw at wala man lang siyang dalang kahit ano. Ni hindi siya nakapag-empake ng mga gamit niya. “Okay, I’m sorry. I’ve been there; I mean sa resort. Nakarating na ako roon at nagandahan ako. So, I thought, why not share that magical place with my best friend? Trust me, you’ll love it there, Jeg.” “Sana man lang, sinabi mo agad sa akin. Why do you love doing this? I mean, why do you love to surprise me with this kind of stuff? Noong isang buwan lang, halos atakihin ako sa puso nang isama mo ako sa pagba-bungee jumping mo,” reklamo niya. He sighed. “Pinagsisihan ko na `yon, remember? Isang linggo mo akong hindi pinansin. This time, hindi naman kita tatakutin. Gusto ko nga na mag-enjoy ka, eh.” “Whatever, Keith!” pagtataray niya, sabay irap. Pagkatapos ay pumikit siya. That was her way of saying that she didn’t want to talk to him anymore. Alam ni Keith ang ugali niyang iyon. Kapag nagpumilit ito na kausapin siya ay tiyak na lalong sasama ang mood niya. She heard him sigh. Matalik  na kaibigan niya si Keith mula pagkabata at magkaibigan din ang kanilang mga pamilya. Parehong eskuwelahan ang pinasukan nila noong elementary at high school. Pagdating ng college, she took up Business Management while Keith took up Engineering. Nagkahiwalay sila nang pareho silang mag-take ng master’s degree sa kani-kanilang mga kurso. Siya ay sa University of the Philippines, samantalang si Keith ay pumunta sa Chicago at doon nagpakadalubhasa. Nang maka-graduate si Jeg ay tinulungan niya ang kuya niyang si Redd sa pamamahala ng kanilang family business na chain of restaurants. Bukod doon ay may sarili rin siyang all-girl accessories boutique. Nag-hit ang business niya at sa katunayan ay dumarami ang inquiries tungkol sa pagfa-franchise niyon. Her parents were now travelling around the globe, enjoying the fruits of their labor. She had already proven herself kaya nang magpaalam siya na gusto niyang tumira sa isang condominium unit ay pinayagan siya ng kanyang pamilya. She was spending her own money like Keith. Nag-iisang anak si Keith kaya nang makatapos ito ay ito na ang namahala sa construction firm ng mga ito. Bukod doon, naging abala rin ito sa paglalagalag. He was a traveler and he loved the adrenaline rush. Kung saan-saan na ito nakakarating. Gayunman, napakamakabayan nito dahil mas gusto nitong i-explore ang Pilipinas. Kapag nagandahan ito sa isang lugar ay paulit-ulit nitong pupuntahan iyon. “Everybody, may I present to you the top view of the Peace Island. Please enjoy the view...” Ang malamyos na tinig na iyon ng isang magandang babae na nakatayo sa harap ng eroplano ang pumutol sa pagmumuni-muni ni Jeg. Dumilat siya at dumungaw sa bintana. Napasinghap siya nang makita ang tanawin. It was a breathtaking view down below. Naiintindihan na niya kung bakit “Peace Island” ang pangalan ng isla. Mula sa chartered plane na kinalululanan niya ay kitang-kita niya na hugis-kamay na naka-peace sign ang islang iyon. Maayos iyong nababalanse ng greeneries na nakikita niya habang sa mga parteng hugis-daliri naman ay walang ibang makikita kundi mga puno ng niyog. Napakaputi ng buhangin doon at ang dagat ay kumikislap na tila may mga diyamante. There was actually a world class resort down below. Nasabik si Jeg na makita nang malapitan ang isla. Naisip tuloy niya na baka siya na lang ang hindi nakakaalam sa lugar na iyon. She was not sure if it would be too much to say that what was down there was a playground of the rich and the famous. Bumaling siya kay Keith. Pakiramdam niya ay nagniningning ang mga mata niya. “So?” agad na tanong nito. She could see that he was pleased by her reaction. “Ano? Gusto mo pa akong awayin?” Ngumiti siya. “Gusto mong awayin pa kita?” balik-tanong niya. Bigla siyang na-excite sa adventure na iyon. Hindi na problema ang mga damit o swimsuit niya dahil nahuhulaan niya na ang resort na iyon ay kompleto sa mga shop at boutique. Thank God she brought her wallet. Keith smiled, exposing a perfect set of white teeth. “Tama ako na magugustuhan mo rito. Ikaw kasi, eh, masyado kang subsob sa business n’yo bukod pa sa boutique mo. I bet, ngayon mo lang nalaman ang lugar na ito. Well, actually, wala pang kalahating taon mula nang maging operational ang resort na ito. Hindi pa ganoon kaingay ang promotion pero nakita mo naman, `di ba, marami nang tao sa isla. Island-hopping is more fun in the Philippines, isn’t it?”  Napahagikgik siya. Patriotic talaga si Keith. “Ginamit mo pa talaga ang slogan ng turismo ng Pilipinas, ha? Pero tama ka, it’s more fun here in the Philippines.” Kumapit siya sa braso ni Keith. “Thank you, Keith!” pasasalamat niya bago hinagkan ang pisngi nito. The kiss was meant to land on his cheek pero hindi sa pisngi nito lumapat ang mga labi niya. Sa halip ay dumapo iyon sa mga labi ni Keith. Nanlaki ang mga mata niya, ganoon din si Keith. Naglapat ang mga labi nila sa loob ng ilang segundo. Tila naestatwa si Jeg at hindi siya makagalaw. Naramdaman niya nang lumunok si Keith at tumama sa ilong niya ang hininga nito. Kinabig siya ni Keith nang makabawi ito. She rested her head on his shoulder as his hands lightly stroked her back. Naitago niyon ang pamumula ng mukha niya. “Y-you’re welcome, Jeg,” sabi nito, his voice a little troubled. What happened? Nakatingin sa unahan si Keith nang hawakan niya ito sa braso at halikan sa pisngi. Pero marahil ay bumaling ito sa direksiyon niya kaya sa mga labi nito dumapo ang halik na iyon. Sigurado siya na hindi iyon sinasadya ni Keith dahil katulad niya ay nabigla rin ito sa nangyari. Was it her fault? Napatingin siya sa upuang katapat nila. An elderly couple was looking at them. Lalo siyang namula nang ngumiti ang mga ito sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang ngumiti rin. “Keith, what was that?” hindi napigilang tanong ni Jeg. Bumitiw siya rito at umaktong tila walang nangyari. “What?” balik-tanong naman nito. His smile suggested that they should just forget it. Aksidente lang naman iyon. Isa pa ay naglapat lang ang mga labi nila at hindi talaga totoong kiss ang nangyari. Pero namumula ang magkabilang tainga nito. God, he’s as affected as I am! She tried to smile and thank God she did it convincingly. Ngumiti rin si Keith at tila ang mga ngiti nila ang pumalis sa nakakaasiwang pakiramdam na iyon. Namalayan na lang niya na lumapag na ang eroplano. Unti-unting bumagal ang takbo niyon hanggang sa tuluyang tumigil. “Ladies and gentlemen, welcome to Peace Island! The airstrip is located at the southern part of the island and is four kilometers away from your cabins. From here, you will be travelling using a coaster. Please enjoy your stay here and mabuhay!” sabi ng flight attendant. Kanina ay nabanggit nito ang iba pang mga impormasyon na dapat malaman tungkol sa islang iyon. It had no hotel rooms, only cottages and cabins that were scattered all over the island. The island had a reception area, though.  Tumayo na ang mga pasahero. Nagpahuli sila ni Keith kaya napansin niya na may kasabay pala silang mga dayuhan. Nagawa niyang mabilang ang lahat ng sakay niyon. Lima ang foreigner, ang dalawang matanda na nakaupo sa tapat ng upuan nila, dalawang teenager na babae, at isang lalaki na kung hindi siya nagkakamali ay lokal na artista. Kaya pala napansin niya nang sumakay sila kanina na tila kinikilig ang dalawang teenager na iyon. Tumayo si Keith. Hinawakan nito ang kamay niya at inalalayan siyang makababa. Dati nang hinahawakan nito ang kamay niya pero ngayon ay nakaramdam siya ng pagkailang. Bakit pakiramdam niya ay hindi iyon kamay ng best friend niya? Bahagya siyang umiling para itaboy ang isiping iyon. Tuluyan nang nawala ang atensiyon niya sa bagay na iyon nang makababa siya ng eroplano at matunghayan ang lugar. Sinalubong sila ng ilang resort staff at isa-isa silang sinabitan ng kuwintas na sampaguita. “Mabuhay! Welcome to Peace Island. Please enjoy your stay here,” nakangiting sabi ng mga ito. She smiled back. Napansin niya na sa airstrip lang mainit dahil pagkatapos ng clearing na iyon ay nagsisitayugan na ang mga puno na siyang nagbibigay lilim sa lugar. Sa pathway na kinaroroonan ng coaster ay nagkalat ang mga namumulaklak na halaman, bukod pa sa native orchids at waling-waling na nakadikit sa mga puno. It was so difficult to ignore them because of their scent. Inalalayan pa rin siya ni Keith sa pagsakay sa coaster. Habang nasa biyahe ay busog na busog ang mga mata niya sa mga tanawing nadaraanan nila. Hindi niya naiwasang mapasinghap nang maging matarik ang tinatahak nilang daan. Saka niya napagtanto na paakyat sila sa isang tulay. Nasorpresa siya dahil sa ilalim ng tulay na iyon ay isa palang canal. Hindi abot ng kanyang paningin ang dulo ng canal na iyon. Natatabingan iyon ng magkabilang pader at sa pagkamangha niya ay may mga turista roon na nakasakay sa mga bangka. Hinabol pa niya ng tingin ang lugar na iyon nang lumampas na roon ang coaster. “Ano’ng meron sa magkabilang pader?” naiintrigang tanong niya kay Keith. Malamang ay alam na nito ang sagot dahil nakarating na ito roon. “Paintings. Parang gallery ang canal na iyan and mind you, all the paintings are original and made by famous names. Sa dulo ng canal, you’ll see a lagoon full of swans at its finest. Teka, bakit ikinukuwento ko na? You’re supposed to see them and discover them yourself!” sabi nito, saka pumalatak. “Ah, don’t worry, you’re not spoiling me,” nakangiting sabi niya, Muli niyang itinuon ang tingin sa labas ng coaster. Marami pa siyang nakitang magagandang tanawin na pumukaw sa kuryosidad niya. She was rich in her own right but this place awed her and caught her interest big time. “Keith, pagkatapos nating mag-check in, `punta muna tayo sa shop o boutique na puwedeng bilhan ng mga gamit, ha? Kasalanan mo `to, eh, hindi ako prepared!” Keith laughed and she couldn’t help but notice how enchanting his laughter was. It was so masculine and…sexy. Jeg! Stop it now! saway niya sa kanyang isip. Why was she thinking of Keith as an attractive, sexy man all of a sudden? Alam niya na mahirap hindi mapansin ang kaguwapuhan nito. Why, Keith possessed charming looks. Expressive ang mga mata nito kahit medyo singkit ang mga iyon. His eyes had a happy expression. Matangos ang ilong nito at sa tingin niya, asset ni Keith ang may-kanipisang mga labi nito. Hindi kailanman tumikim ng sigarilyo si Keith kaya ang mga labi nito ay natural na mapula. Yeah, his lips were kissable and sexy. Binatilyo pa lang si Keith ay marami nang nakakapansin sa kaguwapuhan nito, lalo na at magaling itong magdala ng kasuotan kahit gaano kasimple ang mga iyon. Alam niya ang mga katangiang pisikal nito pero kailanman ay hindi nagulo ng mga iyon ang isip niya katulad ng nangyayari ngayon. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin niyon. “Let’s go? Nagpa-reserve na ako ng cottage, kukunin na lang natin ang susi, `tapos, pupunta na tayo sa store. You’ll be surprised. Makikita mo rito ang lahat ng kailangan mo. Kaya nga hindi na ako nag-abalang mag-empake ng gamit natin.” Nawala na naman si Jeg sa sarili. Narating na pala nila ang reception area ng isla at sila na lang ni Keith ang naiwan sa coaster. Hinayaan niya na si Keith ang makipag-usap sa clerk tutal ay ito ang nagpa-reserve ng cottage nila. Pagkatapos ay nagpasya na silang pumunta sa shops na bibilhan nila ng mga gamit. Gusto sana niyang maglakad na lang papunta roon pero ang sabi ni Keith ay may-kalayuan daw iyon kaya kailangan nilang umarkila ng sasakyan. Napangiti siya nang makita ang cute na cute na sasakyang sinabi nitong maghahatid sa kanila roon. Pinagandang bersiyon iyon ng tricycle. Narating nila ang shops at tama nga si Keith, lahat ng kailangan niya ay makikita niya roon. Mula sa toothbrush, mga sabon, at iba pang personal na gamit, hanggang sa iba’t ibang damit na kakailanganin nila sa tatlong araw na pananatili sa isla ay nabili nila roon. Pagkatapos mamili ay dumeretso sila sa kanilang cottage na di-kalayuan sa dalampasigan. Napangiti siya nang makita iyon. It was native and cute.Yari iyon sa mga kawayan at malalapad na kahoy maliban sa banyo. Dalawa ang kuwarto at mayroon pang maliit na sala kung saan tila masarap tumambay. Ang mga bulaklak na santan na maayos ang pagkaka-trim ang nagsisilbing bakuran ng cottage. Maputi at pino ang mga buhangin sa ibaba ng cottage. Sa tingin niya ay hindi na nila kailangan ng air conditioner dahil kitang-kita niya kung paano magsayaw ang maninipis na kurtina sa bintana dahil sa hanging pumapasok doon.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
618.5K
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
337.5K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.8K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
499.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook