bc

Story of Us Trilogy Book 2: A Tale of Forever (Completed)

book_age0+
6.7K
FOLLOW
50.0K
READ
billionaire
revenge
possessive
second chance
arrogant
CEO
drama
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Iisa lang ang nasa isip ni Patrice nang magbalik siya sa Pilipinas pagkalipas ng labindalawang taon--- ang maghiganti kay Ezekiel. He was her first love who gave her the most painful heartache possible. Isinumpa niyang magbabayad ito ng mahal para sa lahat ng iniluha niya dahil sa paglalaro nito noon sa damdamin niya. She would give that heartless man a dose of his own medicine.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
North Cotabato, Mindanao. NAPAPIKIT si Patrice nang sipain ni Señor Artemio ang lalaking nasa harap nito. Nakaluhod ang lalaki habang ang magkabilang kamay nito ay pigil-pigil ng dalawang armadong lalaki na miyembro ng private army ng señor. Nasa Kidapawan City siya nang mga sandaling iyon para bumili ng ilang grocery items nang hindi sinasadyang makita niya ang kaguluhang iyon. Maraming tao ang nakakakita pero walang nais makialam dahil lahat ay natatakot na mapagbalingan ng galit ni Señor Artemio Moreno. Kilala ito sa kalupitan. Makapangyarihan ito dahil sa angking yaman at impluwensiya. Marami na itong kinamkam na lupain sa Cotabato. Hindi lang iyon, isa ito sa mga taong may sariling private army sa Cotabato. He was formidable. He destroyed what he couldn’t control. Wala itong posisyon sa gobyerno pero ito ang nasa likod ng pagkapanalo ng mga local officials na nakaupo, hindi lang sa Cotabato kundi maging sa ibang parte ng Mindanao. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ito magalaw-galaw ng mga pulis. Bukod sa private army nito na laging may nakasuksok na baril sa baywang o kaya ay may hawak na Armalite, nakakatakot din ang hitsura ng señor. Makapal ang mga kilay nito at maiitim ang mga mata na kung tumingin ay nagpapahayag ng kabagsikan. Ang mga labi ay palaging tikom at nakataas ang noo sa pagmamalaki. “A-ano raw po ang kasalanan ng lalaki?” mahinang tanong niya sa katabing babae na napahawak sa braso niya. Ramdam niya ang nanginginig na kalamnan nito dala ng takot. Siya man ay natatakot din. Bata pa lang siya ay naririnig na niya kung gaano ito kalupit. At sa hindi iilang pagkakataon ay nasaksihan na niya ang kalupitan nito sa maliliit na taong gaya nila. Nasaksihan na niya noon nang tutukan nito ng baril ang isang lalaki sa harap ng karamihan. She was ten years old then. Hindi na niya matandaan kung ano ang dahilan at ginawa iyon ng señor, pero ilang gabi rin siyang hindi nakatulog dahil doon. Bali-balita rin na walang anuman dito ang pumatay. Ang akala niya ay sa pelikula lang nangyayari ang ganoon, hindi pala. “Wala. Hindi lang pumayag `yang si Berting na ipagbili ang sakahan niya dahil iyon lang ang tanging kabuhayan ng pamilya niya. Mabuti sana kung hindi madedehado si Berting sa bayaran, kaya lang alam mo naman kung anong klase ng tao si Señor,” mahinang wika nito. Pasimple pa itong nagpalinga-linga para tiyakin na walang nakarinig sa sinabi nito. Kung ganoon, nanggigipit na naman ang señor. Kapag hindi nito nakuha ang gusto, tiyak na may kalalagyan ang lalaki. Kagat-labing napatingin uli si Patrice sa binubugbog na lalaki. Binitiwan na ito ng mga tauhan ng señor na may hawak dito. Parang lantang gulay na nalugmok ito sa lupa. May dugong umaagos sa mukha ng lalaki pero tila siyang-siya pa ang mga tauhan ng señor sa nakikita. Nang hindi na niya makayanan ang nakikita ay pasimpleng umalis na siya sa kulumpon ng mga tao para umuwi.   “O PATRICE, bakit napakatahimik mo yata?” puna ng nanay niya sa kanya habang naghihiwa ng mga gulay na iuulam nila mamaya. Nakauwi na siya noon mula sa paggo-grocery. Bumuntong-hininga siya. “`Nay, hindi ba ilang kilometro mula rito ay lupain na ng mga Moreno? Iyong gubat na madalas kong pinupuntahan kapag gusto kong manguha ng mga prutas, katabi ang lupain ng mga Moreno, `di po ba?” Ang kanyang ama ang talagang tubong-Cotabato. Isa itong dating manlalaro sa PBA na marahil ay hindi na matatandaan ng mga tao ang pangalan dahil hindi ito sumikat. Nang magka-injury ito at hindi na puwede pang maglaro ng basketball, iniuwi sila nito ng nanay niya sa Cotabato kung saan may maliit na lupain ito na pamana ng namayapa nitong mga magulang. Sampung taong gulang na siya noon. Sa kasalukuyan ay magpipitong taon na silang naninirahan sa Cotabato. Ilang buwan na lang din at magdidisisiyete na siya. “Oo. Bakit bigla-bigla mong naitanong iyan?” tanong ng nanay niya. “K-kasi po kanina, may binugbog na lalaki si Señor Moreno sa Kidapawan. Ang sabi ng napagtanungan ko, gusto raw bilhin ni Señor ang lupang sinasaka ng lalaki pero tumanggi kaya binugbog. Nakakaawa `yong lalaki, napakaraming nakakakita pero walang gustong tumulong.” Naalala uli ni Patrice ang kaawa-awang hitsura ng lalaki. Bumuntong-hininga ang kanyang ina. “Kahit gustuhin natin o ng mga taong nakasaksi na tumulong, hindi natin magagawa. Masyadong makapangyarihan dito ang señor. Bulag at bingi ang mga opisyal ng bayan dito pagdating sa kasamaang pinaggagawa niya.” “Kaya nga po natakot ako sa naisip ko. `Nay, paano kung pag-interesan din niya ang maliit na lupa natin? Hindi malabong mangyari iyon lalo pa at malapit dito ang lupain ng mga Moreno.” Natigilan ito. Mayamaya ay tumingin ito sa kanya. “Patrice, anak, yamang nabanggit mo na rin lang ang lupain ng mga Moreno, may ipapakiusap sana ako sa iyo. Huwag ka na uli sanang papasok pa uli sa gubat para manguha ng prutas. Oo nga at walang guwardiya o private army na gumagala roon pero paano kung matiyempuhan ka nila?” “Inay, nag-iingat naman po ako at saka paminsan-minsan lang akong pumasok doon.” “Hay, anak, huwag mo na sana akong pag-alalahanin pa. Disisais ka pa lang pero malaking bulas ka. Dalagang-dalaga na ang katawan mo. Idagdag pang matangkad ka. Walang mag-aakala na disisais ka pa lang. Baka kung sinong walanghiya ang makakita sa iyo roon at kung ano ang gawin sa iyo.” Kinilabutan siya. “Sige po, `Nay.”    “I CAN almost see it, that dream I’m dreaming, but there’s a voice inside my head says you’ll never reach it. Every step I’m taking, every move I make feels lost with no direction…” bigay- todong pagkanta ni Patrice habang nasa itaas siya ng puno ng santol at nangunguha ng mga bunga niyon. Nawala na sa isip niya na dapat siyang mag-ingat. Nangako siya sa nanay niya na hindi na siya pupunta ng gubat para mamitas ng prutas pero kanina ay sobrang natatakam siya sa santol. Hindi siya matahimik hangga’t hindi siya nakakakain niyon. Nasa Kidapawan ang nanay niya at nagtitinda ng mga ani nilang gulay. Bakasyon na sa eskuwela. Dapat sana ay sasama siya rito pero hindi na siya nito pinasama, tutal naman daw ay kakaunti lang ang ititinda nito. Nang mangibabaw ang kagustuhan niyang kumain ng bagong pitas na santol, nagpasya siyang pumunta ng gubat. Mag-iingat na lang siya at magiging alisto kapag may narinig siyang taong palapit. Hindi rin siya magtatagal doon. Pero kanina nang maglakad-lakad siya ay nakakita siya ng isang puno ng santol na hitik sa malalaking bunga. Sabik na inakyat niya iyon. Nakalimutan na niya ang bilin ng nanay niya habang sarap na sarap siya sa pagkain ng santol.  Lumipat siya ng sanga pero nagkamali siya ng tantiya sa sanga dahil medyo bumuway iyon. Isang maling kilos lang ay siguradong babagsak siya sa lupa. Tumingin siya sa ibaba. Napasinghap siya nang mapagtantong mataas na pala ang naaakyat niya, kaya pala maliliit na ang mga sanga. Siguradong mababalian siya ng buto sa sandaling malaglag siya. Huminga siya nang malalim at pilit pinatatag ang sarili. Kaya mo `yan, Patrice. “Ano’ng ginagawa mo riyan?” “Ay, kalabaw!” gulat na bulalas niya dahil sa baritonong tinig na bigla na lang nagsalita. Dahil doon ay nawalan siya ng balanse. Napapikit na lang siya at nanalangin na sana ay hindi masyadong malala ang pinsala na matatamo niya. Subalit hindi lumapat sa lupa ang katawan niya. Sa halip, dalawang bisig ang sumalo sa kanya. Pero hindi kinaya ng sumalo sa kanya ang bigat niya kaya nawalan din iyon ng balanse at natumba. Ang likod ng lalaki ang tumama sa lupa habang siya ay nasa ibabaw nito. Sa kabila ng kaba niya, hindi nakaligtas sa pang-amoy niya ang suwabeng amoy ng cologne na gamit nito. And for a moment she was lost. “What are you doing here?” tanong nito. Mabilis siyang tumayo at pinagpagan ang kanyang damit. “N-nangunguha lang po ng prutas,” nakayukong wika niya. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Natatakot din siyang mag-angat ng ulo para alamin kung sino ang nakahuli sa kanya na namimitas ng mga santol doon. “Hindi mo ba alam na delikado rito? Maraming ligaw na hayop dito. Isa pa, trespassing ang ginawa mo. Sakop na ito ng property ng mga Moreno. Maaari kang mabaril nang walang kalaban-laban sa lupaing ito,” masungit na sabi nito. Kinilabutan si Patrice sa sinabi nito. Sa kakalakad niya marahil kanina, hindi na niya napansin na sakop na pala ng property ng mga Moreno ang pinuntahan niya. Pero lumaki siyang halos labas-masok sa gubat na iyon para manguha ng prutas pero wala siyang nakita roong gumagala na mga tauhan ni Señor Artemio para bantayan ang property na tinutukoy nito. Ngayon lang may nakakita sa kanya. “Nasaktan ka ba?” Nag-angat siya ng tingin dahil sa nahimigang pag-aalala sa boses nito. Muntikan na siyang mapasinghap nang mabistahan ang hitsura ng may-ari ng baritonong boses. Bumilis din ang t***k ng puso niya. Napakaguwapo nito! Matangos ang ilong nito. Bumagay ang mga kilay nito sa bilugang mga mata at mapupula rin ang mga labi nito. Nakasuot ang lalaki ng itim na polo shirt kaya lalong tumingkad ang fair complexion nito. Nakasuot din ito ng maong na pantalon at kulay-abong boots. Halata rin sa tindig nito na anak-mayaman ito kaya sigurado siyang hindi ito isa sa mga tauhan ng señor. Pero sino ito? Sa loob ng magpipitong taon na paninirahan nila sa Cotabato, ni minsan ay hindi niya ito nakita sa bayan nila. Bisita kaya ito ng señor? “H-hindi. S-salamat sa iyo,” kiming sagot niya. Ngumiti ito. Lumitaw ang malalim na biloy sa kaliwang pisngi nito. Muntik na niyang mahigit ang hininga dahil lalo itong gumuwapo, idagdag pang abot hanggang mga mata nito ang ngiti nito. Agad nawala ang masungit na aura nito kanina. “Actually, nahihiya ako sa iyo dahil natumba ka pa rin nang tangkain kong saluhin ka.” Tiningnan nito ang katawan. “Sa tingin ko ay kailangan ko na talagang magpalaki ng katawan. I hope hindi ka na-turn off sa akin,” anito bago mahinang tumawa. His voice and his gaze convey seduction and flirtation. Hinawi pa nito patalikod ang buhok nito na lumawit sa noo. “H-hindi naman. Ang i-ibig kong sabihin, wala kang dapat ikahiya. A-ako nga ang dapat mahiya kasi trespassing ako rito. Hindi ko na kasi napansin na lagpas na pala ako sa gubat. A-ano, ahm… k-kung bisita ka ng mga Moreno, maaari bang huwag mo na akong isumbong kay Señor Artemio? I’m sorry, hindi na mauulit,” kandautal na pakiusap niya. “Wala iyon. And don’t worry, hindi ito makakarating kay Señor Artemio dahil hindi naman sa kanya ang lupaing ito kundi sa kapatid niya na si Andrew Moreno. Iyon ang dahilan kung bakit walang gumagala ritong guwardiya o private army.” Kung ganoon ay kay Andrew Moreno pala ang lupaing iyon. Nakababatang kapatid ito ni Señor Artemio. Ayon sa mga tao, exact opposite ito ng señor dahil mabait ito. Lumapit sa kanya ang binata at inilahad sa kanya ang kamay nito. “I believe hindi pa tayo magkakilala. Let me introduce myself. Hi, I’m Ezekiel Moreno.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
325.4K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.4K
bc

Contract - Tagalog

read
753.2K
bc

His Cheating Heart

read
40.5K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook