bc

STILL US AMORE(On-going)

book_age16+
39
FOLLOW
1K
READ
possessive
student
bxg
serious
highschool
cheating
affair
gorgeous
selfish
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Merriam Bemerre, a twenty-year old girl who is still a senior high school student. Because of the bet with his cousin, Efron, she had no choice but to accept the consequence. Until she discovered the truth behind her family's secrets.

In her last year in senior high school, she unexpectedly met her ex-boyfriend. She used to love him more than herself and her family. Hendrixson Morres was assigned as the history teacher at ASHS When he was planning to return to the Philippines, he used his connection to find his ex-girlfriend. However, Zacharias Austria didn't expect that his girlfriend would meet his ex-bestfriend. That's why he made an excuse to return to Villa Amore as soon as possible.

What will happen when the ex-boyfriend meets the present boyfriend? Is there any chance for Merriam to forget his past just to make Zacharias happy? Or will Hendrixson stop pursuing his ex-girlfriend?

Date started: 06-28-22

Date ended:

chap-preview
Free preview
Chapter 01
"Merriam Bemerre!" Nagulat ako nang sigawan ako ni sir Morres. Masama ang tingin niya sa akin na animo'y ano mang oras handa na niya akong sugurin sa kinauupuan ko. Nakakatakot ang bawat pagtitig niya- nanginginig ang magkabilang kamay ko. "Hindi kaba talaga titigil sa pag i-imagine mo, ha? Kanina kapa tulala. Kung ayaw mo sa klase ko makakaalis kana." Ginalaw ko ang aking balikat at huminga ng malalim. Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat. Sa akin na nakatuon ang atenyon ng buong klase. Ramdam ko ang bawat pagtitig nila, iba't-ibang klase ng paraan ng pagtitig pero iisa lang naman ang gustong ipahiwatig. Kakantiyawan na naman nila ako at mapupuno ng sari't saring panunukso at halakhak ang buong silid. Nakakarindi. Ayokong magkaroon ng koneksyon sa kanya. Hindi na. Hindi na mauulit kung ano man ang nangyari noon-sa amin. "E-hhh...wala po, sir!" "Sus. Imposibleng wala, Merriam, sa tagal mong tulala walang pumapasok sa isipan mo?" Sinamaan ko lamang ng tingin si Efron-ang siraulo kong pinsan. Wala na siyang ibang ginawa kun'di ang asarin at pag-trip-an ako. "Manahimik ka nalang, okay?" sambit ko, kung hahayaan ko siyang magsalita hindi na nila ako titigilan. Mas lalo lang hahaba ang usapan hanggang sa wala na akong mukhang maihaharap sa lalaking iyon. "Sir, alam ko po kung bakit napapadalas ang pagiging tulala ni Merriam!" sabat ni Schelsie-ang best friend ko na natitipuhan ni Efron. "Ano iyon, Schelsie?" Tanong sa kanya ni sir Morres. Namumula ang pisngi ni Schelsie nang lapitan siya ni sir. Malapad ang ngiti niya at kumikinang ang mga mata. Tumagal din ng sampung segundo ang pagtitinginan nilang dalawa saka nagsimulang maghiyawan ang buong klase. Pansin kong naiinis si Efron sa nakita niya. Mukhang nagseselos sa atensyon na binibigay ni Schelsie para kay sir Morres. "Nice one, Schelsie! Nagagawa mo pang dumamoves kay sir, ha." Pang-aasar ni Michael. Ang pangalawa sa pinagkakatiwalaan ko. Nag apir lang silang dalawa ni Schelsie na kinakunot ng noo ko. Umiling ako saka tinuon ang atensyon sa whiteboard. Nagsimula na akong magsulat ng lecture tungkol sa history. Ang paborito kong subject sa lahat. Feeling ko kapag history na ang pag-uusapan malaya akong ibahagi ang saloobin ko. Nagkakaroon ako ng pagkakataon na mas maintindihan pa ang kasaysayan noon. Ngunit baka hindi ko na rin magustuhan dahil sa lalaking iyon. "Class dismissed!" Sabi ni sir Morres nang tumunog na ang bell. Natutuwang tumayo si Michael at nilapitan ako- kasama niya si Schelsie na naglalagay ng lipstick. Para siyang sinapak sa sobrang pula ng labi niya. Kung 'di ko lang siya kaibigan i-isipin ko na nagta-trabaho siya sa club. Sa paraan palang ng pananamit niya halos lumuwa na ang malulusog niyang dibdib. Isama mo pa ang maikli niyang palda na halos makita na ang pisngi ng kanyang pwetan. "Gusto mo mag lipstick?" Tinabig ko ang kamay niya nang ilapat niya ang pulang lipstick sa labi ko. "Sorry, hindi ko sinasadya." Inabot ko sa kanya ang nahulog na lipstick. "Sorry? Hindi pwede. Hindi ko tatanggapin ang sorry mo, Merriam." Here we go again. Kunwari naiinis siya sa akin pero in the end nagda-drama lang pala siya. Kabisadong kabisado ko na ang ugali ng kaibigan ko. Sinabi niya sa akin noon na gusto niya raw mag-artista. Kaya after namin grumaduate sa kolehiyo kakausapin niya ang kanyang auntie na nagmamay-ari ng isang talent company. 'Di nga lang ako sigurado kung ipagpapatuloy ko pa ang pag-aaral ko rito sa Pilipinas. Ilang beses na rin akong kinukulit ni mommy na bumalik sa Canada at doon na lamang mag-aral. Sinabihan ko siya na pagkatapos ko sa Senior High School doon na ako maninirahan at isasama ko si Lola Nimfa. "Okay." Tinalikuran ko na siya at niligpit ang mga gamit ko. Kailangan ko ng umuwi sa bahay baka inaantay na ako ng aking mahal na Lola. "Mahal 'tong lipstick ko, Merriam, bayaran mo 'to." Pagmamaktol ni Schelsie. "Ako ang nagbigay sa iyo niyan at alam ko kung magkano iyan. Nabili ko lang iyan sa tiangge, buy 1 take 1, tig-isa kayo ni Michael." Pagbibiro ko. Nagkunwaring pupunasan ni Schelsie ang kanyang labi at nilagay nalang sa kung saan ang lipstick na regalo ko sa kanilang dalawa ni Michael. "Merriam Bemerre!" Agaw pansin na sigaw ni sir Morres sa labas ng classroom. Akala ko ba aalis na siya? Ano pa ang ginagagawa niya rito? "Why?" tanong ko na kinangiwi niya. "Sumunod ka sa office ko,"aniya saka walang galang na umalis. Lumapit sa akin si Schelsie na masama ang tingin. Kinurot niya ang baywang ko at hinila naman ni Michael ang buhok ko. Hindi ko pinansin ang ginawa nila at umakto na hindi sila napapansin. "Hoy, Merriam! Ano 'yan, ha?" Nakapamaywang na tanong ni Schelsie. Nagsi-uwian na ang mga kaklase namin at kaming apat nalang ang nasa loob ng silid. Abala si Efron sa pagkalikot sa cellphone niya. "Ano?" "Bakit ka pinapasunod ni sir Morres sa office niya? Nililigawan kaba niya?" Gulat akong napatalon dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang at kami nalang ang nasa silid, baka may makarinig at kung ano pa ang ipagkalat na chismis. "Mind your own business, Schelsie." Tumayo na si Efron at tinalikuran kami. "Baby Efron! Uuwi kana? Hindi mo kami aantayin?" Habol sa kanya ni Michael. "Uuwi na ako. Ihatid niyo na lang si Merriam sa bahay." Saad niya saka tumingin sa direksyon ko, "Merriam, ako na muna ang magbabantay kay Lola. Pumunta kana sa office ni sir baka may ipapagawa siya sa iyo." Tinanguan ko siya at naglakad na siya palayo. "Ano ba'ng problema niyong mag pinsan? Bakit ang iinit ng mga ulo niyo?" Iritadong tanong ni Schelsie habang pumapadyak. Kumuha siya ng tissue sa shoulder bag niya at pinunasan ang kanyang labi. Tiningnan niya ang kanyang mukha sa salamin sabay tingin sa'kin. Natawa ako nang ngumuso siya na tila'y nagpapaawa. "I hate you, Efron!" Sigaw ni Schelsie. Tumingin ako kay Michael at ganoon din siya sa akin at sabay kaming tumawa. "Bakit? Anong tinatawa tawa niyo riyan?" Naiiyak na sambit ni Schelsie. "Sinusumpa ko talaga ang pangit na lalaking iyon," dagdag niya. Pinauna ko na silang lumabas ng silid at antayin na lamang ako sa labas ng school. Iniwan ko muna ang gamit ko at nilock iyon bago dumiretso sa office ni sir Morres. Limang minuto rin ang inabot bago ko narating ang office niya. "Oh, Merriam, what's brought you here?" Tanong ni ma'am Savyrie, ang biological sister ni Schelsie na isa ring P.E instructor. Bigla akong napaisip sa kanyang tanong. May point naman siya. Ano nga ba ang ginagawa ko rito? Sasabihin ko ba sa kanya na pinatawag ako ni sir Morres? Kapag sinabi ko iyon tiyak na bibigyan niya ng malisya. "Ibibigay ko lang po itong susi kay sir Morres." Pinakita ko sa kanya ang susi ng classroom namin. Wala na akong maisip na dahilan dahil iyon lang naman ang dala-dala ko pagpunta ko rito. "Okay, ako nalang ang magbibigay sa kanya." Kinuha niya ang susi na hawak ko at sinara ang pinto ng office ng mga teachers. Huminga muna ako ng malalim bago nilisan ang lugar na iyon. Balak ko sanang kunin ang gamit ko sa classroom nang maalala kong nilock ko pala iyon. "Ang tanga mo talaga kahit kailan, Merriam!" Pinalo ko ang noo ko nang mapagtanto ang katangahan na ginawa ko. Maya maya biglang bumuhos ang malakas na ulan. Paano ako uuwi ngayon? Nasa bag ang cellphone at pera ko. Tiyak na naiinip na sila Michael at Schelsie kakaantay sa akin. Magdidilim na rin at hindi pa rin humihinto ang ulan. "Bahala na!" Sigaw ko at sinugod ang malakas na ulan. Ilang kilometre pa ang layo ng gate sa classroom namin. Sana lang maabutan ko pa sila sa labas. "Manong Jude!" Sigaw ko nang makasalubong ko ang security guard ng school, kasama niya ang kanyang anak na si Juri. Pauwi na rin silang dalawa. "Merriam, andiyan kapa pala. Ano pang ginagagawa mo rito?" "Naabutan po ako ng ulan manong. Nakita niyo po ba sina Schelsie at Michael?" "Ay oo, iha, kanina pa sila umuwi. Sinabay sila ni...Sino nga ba ulit 'yon? Ah! 'Yung babaeng suplada na kapatid ng kaibigan mo." Nawalan ako ng pag-asa sa sinabi niya. "Papa, uwi na po tayo." Pangungulit ni Juri sa kanyang ama. "Sige po, manong. Mag-iingat po kayo." "Paano ka, iha?" "Patitilain ko nalang po muna iyong ulan. Salamat po." Pag-papaalam ko. Lumabas na ako ng school at sumilong sa waiting area. Nakasakay na rin ng trisikel sila manong Jude at Juri. Maliwanag naman sa labas ng school kaya ayos lang na mag-antay ako. Kaya lang nilalamig na rin ako, sobrang basa na ang damit ko. Paniguradong lalagnatin ako mamaya pag-uwi ko. Kung maglalakad ako ngayon baka hindi na ako umabot sa bahay. Baka bigla nalang ako mahimatay dahil sa lamig na nararamdaman ko. Isang oras din ang byahe patungo roon kaya impossible na kayanin pa ng katawan ko. "Merriam!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki, tumatakbo siya palapit sa akin. Nang makalapit na siya agad niyang binalot sa katawan ko ang jacket na suot niya. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa lamig. Ramdam ko na rin ang panghihina ng katawan ko. "Merriam!" "Merriam!" "Merriam!" Malinaw sa pandinig ko ang boses niya pero malabo na ang mata ko. Hindi ko siya mamukaan-kilala ko ang boses niya. Kilalang kilala ko ang boses ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Binuhat niya ako na parang bagong kasal. Hinawakan ko ang mukha niya. Tumigil siya sa paglakad nang gawin ko iyon. Nginitian niya ako at hinalikan ang aking noo. "Matulog kana muna para makapagpahinga ka." Dahan-dahan niya akong inupo sa back seat ng kanyang sasakyan. May nilagay siyang makapal na tela sa katawan ko. "Nilalamig ako..." sambit ko, hinimas niya ang noo ko at muling hinalikan. "Mawawala na iyan mamaya. Matulog kana muna. Gigisingin nalang kita kapag nakauwi na tayo sa bahay." Tinanguan ko siya. Bumalik na siya sa driver seat at nagsimula ng magmaneho. Nang masiguro kong nakaalis na kami sa tapat ng eskwelahan saka ako pumikit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
70.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook