bc

Behind Her Chalk: The Mafia's True Face Of Zhaine

book_age16+
13
FOLLOW
1K
READ
revenge
teacherxstudent
fated
second chance
mafia
gangster
tragedy
campus
like
intro-logo
Blurb

Siya ang pinuno ng isang lihim na samahan na nagtutuwid ng mga maling kalakaran. Siya ay naulila dahil sa maagang pagpanaw ng kaniyang mga magulang. Bitbit niya, ang pangarap ng mga ito para sa kaniya—ang maging isang guro na kagaya nila. Siya ay natanggap na teacher sa isang eskuwelahan at naging school class adviser ng mga outcasts na mga kabataang walang pangarap at direksyon sa buhay. Hanggang sa nakilala niya ang isang lalaki—isa rin niyang estudyante. Hindi maganda ang kanilang unang pagkikita at puno ng tensyon, ngunit sa pagdaan ng panahon ay kusang nahulog ang loob nila sa isa't-isa, bagama't ito ay labag sa patakaran ng eskuwelahan. Lumipas ang panahon. Ang misyon ng dalaga ay patuloy pa rin. Gusto niyang matagpuan ang taong pumatay sa kaniyang mga magulang. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakakuha siya ng impormasyon mula sa taong matagal na niyang hinahanap—ang taong pumatay sa kaniyang mga magulang—na ang kaniyang bagong kaibigan ay may sarili ring lihim. Hanggang sa napatunayan niya. Sa paghahanap niya ng hustisya, siya rin ang magiging daan upang manganib at malagay sa bingit ng kamatayan ang kaniyang buhay.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Chapter One Third Person Point of View Habang mag-isa si Zhai sa kanyang silid, malalim ang iniisip nito. Hindi niya maiwasang balikan ang isang bahagi ng kanyang nakaraan—isang alaala na kailanma’y hindi kumupas sa kanyang isipan. Throwback “Papa…” umiiyak na tawag ng limang taong gulang na si Jhai habang mahigpit na nakakapit sa laylayan ng shirt ng kanyang ama. Nagmamadali si Lion noon—wala nang oras. Alam niyang anumang saglit ay matatagpuan na sila ng kanyang mga kaaway. “Lion! Yuhoo! Lumabas ka na riyan sa pinagtataguan mo!” sigaw ng lalaking marahas na pumasok sa kanilang tahanan. Takot na takot si Jhai. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Lumuluhang napayakap siya sa kanyang ama habang nanginginig ang katawan. “Anak… Jhai, makinig ka kay Papa,” mahinahong sabi ni Lion habang pinupunasan ang luha ng anak. “Huwag kang lalabas dito, kahit anong mangyari.” “Papa, natatakot po ako…” nanginginig na sagot ni Jhai. Ramdam ni Lion ang kaba at takot sa kanyang anak. Hinawakan niya ito sa balikat at tumitig sa mga mata nito. “Anak, hangga’t buhay si Papa, hinding-hindi kita pababayaan. Ngunit kung sakali man… ito, ingatan mo.” Iniabot niya ang dalawang katana. “Po? Ano po ito?” inosenteng tanong ni Jhai. “Ito ang aking katana… at ang isa ay kay Lolo mo. Simula sa araw na ito, ipinagkakaloob ko sa iyo ang dalawang katana bilang bagong pinuno ng ating samahan. Tradisyon ito, anak. Sa oras ng panganib, kailangang may tagapagmana. Pag-ingatan mo ito. Huwag mong pababayaan.” Hindi makasagot si Jhai. Tanging “Papa…” lamang ang naibulalas niya habang nanlalambot sa takot. Pinipilit ni Lion na manatiling matatag. Ayaw niyang makita ng anak ang kanyang pangamba. “Tandaan mo, anak… mahal na mahal ka ni Mama at Papa. Lumaki kang may dangal at prinsipyo. Magpakatatag ka kahit wala na kami. Alagaan mo ang ating nasasakupan. Magpakalakas ka para sa kanila.” Hinaplos ni Lion ang pisngi ng anak, saka idinagdag, “Ipitin mo ang bibig mo. Huwag kang iiyak. Huwag kang lalabas, kahit anong marinig o makita mo.” Dahan-dahan niyang isinilid si Jhai sa loob ng isang lihim na kabinet—espesyal na inihanda para sa ganitong pagkakataon. Saka niya kinandado ito. Kinuha ni Lion ang kanyang katana at matapang na hinarap ang mga kalaban. “Nandito ka lang pala! Pinahirapan mo pa akong maghanap!” galit na sigaw ng lalaking sumugod sa kanya. “Gawin mo na ang gusto mo. Kahit mamatay ako, wala kang mahihita sa akin,” mariing sagot ni Lion. Bigla siyang sinaktan ng marahas. Bugbog ang katawan, duguan. Kitang-kita ito ng batang Jhai mula sa siwang ng kabinet. Pigil man ang iyak, hindi niya kayang panoorin ang nangyayari. Namumuo ang galit sa murang damdamin ng bata, at ramdam ito ni Lion. “Hindi pa panahon!” sigaw ni Lion, isang senyas para sa anak na pigilan ang sariling damdamin. “Papa…” bulong ni Jhai. Alam niya ang ibig sabihin nito. Hindi siya lumabas, kahit na gusto niyang tulungan ang ama. Lumapit ang kalaban kay Lion, marahas na hinila ang buhok nito. “Sumuko ka na. Pirmahan mo ang kasunduang ito. Ikakasal ang anak mo sa anak ko—kapalit, bubuhayin ko siya.” Ngumisi si Lion. “Ang nakatakda para sa anak ko ay hindi mo anak. At huli ka na. May bago nang pinuno ang samahan.” “Wala kang kwenta! Kahit patayin kita, ako pa rin ang magwawagi!” “Hindi! Kahit kailan ay hindi mapapasakamay mo ang samahan. Naipasa ko na ang lahat sa tagapagmana—at siya ang magtatapos sa kasamaan mo!” Sa tindi ng galit ng kalaban, pinaulanan siya ng bala. Lahat ng iyon ay nasaksihan ni Jhai—ang bawat tama, ang bawat patak ng dugo. Dalawang kamay na ni Jhai ang hawak sa katana. Nanginginig, ngunit pinipigilan ang sarili. Nangako siya sa kanyang ama—hindi siya lalabas. Tumigil ang putukan. Muling nagtanong ang kalaban. “Nasaan ang anak mo?” Tahimik si Lion. Ilang ulit pa siyang pinahirapan hanggang mapansin ng kalaban ang kabinet. Nakita ni Lion iyon. Alam niyang nasa panganib na si Jhai. Kahit sugatan, pinilit niyang pigilan ang kalaban. Ngunit biglang… “Wiw... wiw... wiw...” —tunog ng paparating na police mobile. “Boss, paakyat na ang mga pulis!” “Tsk. Pagsinuswerte ka nga naman, Lion. Babalikan ko ang anak mo.” Dumating ang mga pulis kasama ang matalik na kaibigan ni Lion—si Rodger. Nahuli na sila. Patay na si Jhai’s mama. Agad niyang hinanap ang mag-ama. “Pare! Sumagot ka!” sigaw ni Rodger. Narinig siya ni Lion. Dahan-dahan siyang gumapang, pilit gumawa ng ingay. Lumapit si Rodger. “Pare! Sino ang may gawa nito?” “Pa… pare… pakisuyo… ilayo mo… ang anak ko,” hingal at luha ang kapalit ng bawat salita. “Saan mo siya itinago?” “Cabinet… Rood… andoon siya…” “Nangangako ako. Pero sino ang may gawa nito?” “Si… si… Blu…” —iyon ang huling salitang lumabas sa kanyang bibig bago siya tuluyang nalagutan ng hininga. “Hindi, pare! Huwag ka! Gumising ka!” iyak ni Rodger habang niyayanig ang katawan ng kaibigan. Tinayo siya ng mga pulis. Binuksan niya ang kabinet… At naroon si Jhai—mahigpit na yakap ang katana, matalim ang titig, umaagos ang luha. “Hiha…” mahinang tawag ni Rodger. “Huwag kayong lalapit!” sigaw ng bata. “Hiha… kaibigan ako ng Papa mo. Hindi kita sasaktan,” maamo niyang sabi. Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang nakuha ni Rodger ang tiwala ng bata. Karga niya ito at dinala sa bahay ng lolo nito, kung saan apat na tauhan ni Lion ang naghihintay. --- “Pinatay nila ang Papa ko! Pagbabayaran nila iyon!” matapang na pahayag ni Jhai. “Hiha… darating ang panahon. Pero ayaw ng Papa mong makita kang puno ng galit. Dalhin mo sa puso ang kanyang mga pangaral.” Lumingon si Rodger kay Senko. “Senko, may iniwang sulat si Lion sa loob ng katana. Ikaw na ang bahala sa lahat.” Tumango si Senko. “Makakaasa ka, Boss Rodger. Aalagan namin siya. Paglilingkuran namin siya tulad ng ama niya. Handa kaming mamatay para sa kanya.” Napangiti si Rodger. Panatag na ang kanyang loob. “Huwag ka na umiyak, Hiha. Ligtas ka na rito. Alam kong hindi ka nila pababayaan… at darating ang oras—muling magkikita tayo.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Kuya Obsession Series 3: Taming my Rude Seniorito(Spg)

read
178.4K
bc

Make It Harder (SSPG)

read
294.2K
bc

Salatin Mo, Doc. Demetrius (SPG)

read
89.6K
bc

ELEAZAR GUSTAVO'S, FORBIDDEN AFFAIR

read
8.1K
bc

MANO PO, NINONG (The Forbidden Love)

read
260.7K
bc

Pleasuring my Senyorita (SPG)

read
89.7K
bc

The Arranged Bride of the Moravilla

read
3.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook