bc

My bestfriend's brother

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
family
HE
fated
opposites attract
stepfather
sweet
serious
small town
like
intro-logo
Blurb

Hindi lubos maisip ni Cassandra na may galit sa kanya ang kuya ng kanyang bestfriend na si Jacob gayong wala naman itong ginagawang masama. Matagal na silang magkaibigan simula pa grade school at talagang hindi maitago ng kuya nito ang pagkadisgusto sa kanya. Si Miguel Santillan ang pinakabatang naging Mayor ng kanilang lugar na. Sumunod ito sa yapak ng kanyang ama na isa ring politiko. Kilala si Miguel sa pagiging sobrang istrikto nito kaya lahat ng mga naninirahan sa nasasakupan ay may disiplina. Marami na rin itong nagawa para sa kanilang lungsod kaya nakilala ang kanilang lugar na isa sa pinakamaunlad na lungsod sa buong bansa. Pero isa ring kilala si Cassandra na palabang babae. Hindi ito basta-basta nagpapaapi. Hanggang saan kaya aabot ang puksaan ng dalawa ?

chap-preview
Free preview
Asar talo
Episode 1 "Jacob!..." gulat kong anas sa kaibigan kong bigla nalang sumulpot sa aking harapin habang ako ay nagbubukas ng aking munting coffee shop. Malapad ang ngiti nito sa akin kaya alam ko na agad na may kailangan ito. "Ayoko!.." tanggi ko agad hindi pa man siya nagsasalita. Sumimangot ito. "Ito naman, wala pa nga akong sinsabi.." Napairap ako. "Kilala na kita.. hindi ka pupunta dito ng biglaan kung wala kang kailangan.. Busy ako ngayon at sabado, maraming mga bagets ang mga lalampungan na naman sa harap ko. tsk." Tuwing weekends kasi dinaragsa ako ng mga kabataan na nakikipagdate. Syempre mga walang pasok kaya panay gala ang mga bata. "I'll buy your time. hehehehe... sige na please ???.." pagmamakaawa niya habang naka-puppy eyes pa, pero hindi tumalab sa akin. Wa-epek na sa akin 'yang pagpapaawa effect niya. "I have money, duhh.." pagtataray ko kunware saka pumasok na sa shop. Para siyang tutang sunod ng sunod sa akin habang nagda-drama at ako naman ay busy sa pag-aayos sa may counter para pagdating ni Debbie at Rico ay maayos na at kaunti nalang ang kanilang gagawin. Dalawa lang naman ang staff ko dito sa shop kasi hindi pa naman ito ganun ka laki. Nagbabalak palang akong palakihin ito. "Sige na please,, baka ito na rin kasi ang huling......" pambibitin niya. Napatigil ako sa ginagawa nang biglang maging malungkot ang kanyang boses. Hindi kasi ako sanay. "Huling ano ?.." "Haaayyy,, I'm sure you already knew the gossips.." tumulis lalo ang kanyang nguso na parang bata na hindi napagbigyan ng magulang. Ramdam ko na ang kanyang kalungkutan. At medyo may kirot sa puso ko na makita siyang ganita. Jacob is my bestfriend since grade school. Halos hindi kami mapaghiwalay noon pa. Noong nag college kami ay talagang sumunod siya sa akin kung saan ako mag-aaral kahit na ayaw ng kanyang parents sa pinapasukan ko. Nagkaproblema kasi kami noon financially kaya hindi namin kakayanin ang tuition sa university na dapat sana ay papasukan niya. Pero ang loko nagpumilit na lilipat siya sa school na papasukan ko. Buti nalang hindi nagalit ang parents niya sa akin. Well, hindi ko naman siya sinabihang lumipat. Kagustuhan niya talaga 'yun at naintindihan na rin ng mga magulang niya sa huli. Wala rin naman talaga silang magagawa kasi matigas ulo nito. Mababait din naman kasi sina tito Cedric at tita Olivia. Pwera lang sa kuya niyang ubod ng sungit. Tse! Ayaw kasi sa akin ng kuya niya. B.I daw ako kay Jacob. Na para bang ako ang sunod ng sunod sa kapatid niya eh si Jacob itong halos gusto ng tumira sa bahay namin dahil halos araw-araw nandoon. Hindi ko nalang pinapansin ang kasungitan ng kuya niya kapag nagpapang-abot kami. Wala rin naman akong paki sa kanya. Haahahaha "O sige na nga. Tsk, kung 'di lang talaga kita labs," pumayag na rin ako. Meron kasing night party mamaya sa bahay nila Anthony at gusto niya kaming dumalo. Si Anthony De Castro ay nag-iisang anak naman ng aming butihing Vice Mayor. At ang balita nga ay pupunta na ito ng America sa mama niya dahil mag-mamaster daw ito in medicine field. Taray! kayo ng masisipag mag-aral. Ako kasi noon okay na basta pasado lang. Bwahahahaha.. At sa awa ng Diyos ay nakapagtapos naman ng maayos. Hehehehe. "Susunduin kita mamayang 6 o'clock okay ?." "Teka! ang aga naman ata nyan... Alam mo'ng nag-iinventory ako tuwing Sabado 'di ba saka masyadong maaga naman kung iiwan ko na agad sila Debbie dito!,, ano ? ang lagay eh di paman nakakapagparty-party haggard na meee ???!.." reklamo ko. At alam kong dagsaan talaga ngayon kasi nga weekend. Saka may mga konteng event dito sa sentro kasi malapit na rin ang fiesta dito sa amin. "Fine... 6:30... sagad na.. hehehe..." saka siya kumaripas ng alis. Napabuntong hininga nalang talaga ako. Mabilis na lumipas ang oras at hapon na pero mas dumami pa nga ang mga customer. Nakakagulat na biglang puno agad dito sa loob. Parang dapat ko na talaga palakihin itong shop. Hindi naman sa pagmamayabang pero talaga kasing masasarap ang mga coffees and pastries namin dito kaya mas maraming bumabalik-balik dito. Idagdag mo na din ang ambiance na parang garden at nakakarelax talaga kapag tatambay ka dito. At syempre para ma-maintain ang kalinisan namin ay may policy kaming "Clean as you go". Disiplinado naman ang mga mamamayan dito kaya hindi na mahirap na sundin ang policy namin na iyon. Tulong na rin kasi nila ito sa amin. Pauwi na sana ako nang may biglang sumulpot sa shop. Agad na tumaas ang kilay ko kasi siya ang pinakaleast na taong inaasahan kong pupunta dito. Derederetso siyang pumasok at as usual sobrang sungit ng aura. "kyaaahhhh,,, ate Cas, ito na yata ang pinakaswerteng araw ko." impit na bulong sa akin ni Debbie. 'Di halatang die-hard fanney siya ng taong ito. Kung siya kinikilig kapag nakikita niya ang aroganteng taong ito, ako naman ay buryot at inis. Ewan ko ba kung anong ka hanga-hanga sa kanya eh halata naman pangit ang ugali, makikita rin talaga sa mukha niyang busangot. "Oh my... Ang gwapo talaga ni Mayor... ehhhh".. pigil ang kilig niya pang sabi. Palihim nalang akong napaismid sa kanyang sinabi. Habang si Rico ay napapailing nalang din. Halos lahat kasi ng mga kabataang babae ay pinagpapantasyahan itong tao na 'to. Animo'y artista kung pagkaguluhan pa minsan kapag nagbibisita ito sa bawat barangay. "Rico kayo na ang bahala dito ha, nagmamadali na kasi ako.." Sa kanya nalang ako nagpaalam dahil natulala na si Debbie sa taong kaharap na niya. "1 Espresso." matikas na order nito. "T-To go s-sir ?." utal naman na tanong ni Debbie. Lihim akong napabuntong hininga. "No," "O-Okay sir.. Pa wait nalang po saglit. Thank you.." Agad naman silang kumilos para ihanda ang order nito. Nang matapos ko ng maligpit lahat ng gamit ko ay aalis na sana ako ng harangin niya ako. Hindi ko tuloy naiwasang pagtaasan siya ng kilay. "Saan kayo pupunta ?." "Huh ??..." Maang-maangan ko. "You know what I am talking about." Humalukipkip ako sa harap niya. Hindi ko talaga mapigilan ang inis ko sa kanya. Sino ba naman kasing hindi maiinis kung lahat nalang ng bawat kilos at lakad namin ni Jacob ay dapat alam niya. Na para bang may ginagawa kaming masama kung makausisa. Jusko! Kahit nga lang noong birthday ko dapat reported sa kanya kung ano ang aming ginagawa. Nakakagigil 'di ba ??! Daig pa namin ang sanggol kung pabantayan niya. Ganun siya ka decided na "Bad Influence" ako sa kapatid niya. Kaya kahit na mayor pa siya at ginagalang dito sa amin, pwes! hindi ako. Talagang pinapakita ko sa kanya na hindi ako na iintimida sa presensya niya. Kahit pa may makakita sa aming tinatarayan ko siya. Wala akong pakealam! "Magde-date lang kami ni Jacob. Ang tagal na kasi naming hindi nagkita." pigil ang sarkastikong sabi ko. Nagsalubong ang kanyang kilay. Gusto kong mangiti kasi nakakatawang naaasar ko siya minsan. "Parang kahapon lang kayo hindi nagkita." See ??? updated talaga siya sa amin ni Jacob. My gosh! I have this feeling na pinapabantayan niya kami talaga. At nakakagigil talaga 'yun dahil talagang masama ako sa paningin niya. Eh di sige! panindigan ko na! "Hehehehe, ganun namin ka miss ang isa't isa eh,,.." pa-cute ko pang sinabi. "O sige na ha, baka ma-late pa ako.. Enjoy your coffee Mayor..." Lalong nagdilim ang kanyang mukha. Akma pa sana niya akong pipigilan pero sakto naman ang dating ni Debbie para sa kanyang order. Masaya akong lumabas ng shop kasi alam kong naasar ko na naman ang isang aroganteng mayor. Hahahaha... Ganun lang dapat! Nang malaman niyang hindi ako basta-basta ano! At tsaka wala naman kaming ginagawang masama ni Jacob. Hinding-hindi niya kailanman masisira ang relasyon naming dalawa. Matatanda na rin kami para pagmanduhan niya pa sa kung ano dapat naming gawin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yüzbaşının Cerrahı

read
1.2M
bc

The Silver Wolf

read
486.5K
bc

The Billionaire’s Intern

read
1.0M
bc

Chosen, just to be Rejected

read
863.7K
bc

Inferno Demon Riders MC: My Five Obsessed Bullies

read
1.1M
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.2M
bc

Unscentable

read
2.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook