bc

Rosario Academy

book_age18+
2.5K
FOLLOW
11.2K
READ
arrogant
brave
confident
student
drama
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Ivo always gets kicked out of school because of his filthy attitude. He loves to fight. He smokes. He drinks. He's an 18-year-old delinquent who's stuck in Senior High School. But he discovered "Rosario Academy", a school full of weird and creepy students and got himself enrolled there. What will happen to him in his new school with new friends? New love? New hardships? What if he finds out that he's different and there's a tremendous power hiding inside him?

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Aling school na naman kaya ang pag-e-enroll-an ko?! First day of school  pa lang kick out na ako! Aba! Nanuntok lang naman ako ng principal eh! Masama ba ʼyon? Pilit niya kasing pinatatanggal ang stud ko sa tenga at pinapaayos ang uniform kong bukas ang tatlong butones at maluwang na necktie. Nilait-lait pa ang buhok ko! Kesyo bakit daw brown at ang haba pa! Hindi ko raw sinusunod ang rules ng school nila. Dinaig pa niya ang babae sa pagtalak. Dahil doon napikon na ako. Hindi lang naman ako ang lumalabag sa rules pero palagi niya akong pinag-iinitan. Kinuha ko ang isang stick ng sigarilyo sa bulsa ko at sinindihan ito. Palagi na lang akong naki-kick out. Kundi first day, mga ilang araw lang kick out na agad ako. Bukod sa nanununtok, nakakapanira rin ako ng gamit. Masama kasi akong magalit, eh. Naglalakad ako ngayon sa kawalan. Hindi ko na alam ang paglalagayan ko. Labing walong taong gulang na ako pero 4th year high school pa rin ako. Hindi man ito big deal sa ʼkin, lagot pa rin ako sa erpats ko nito. "Ano naman kaya ang ipapalusot ko sa tanders na ʼyon?" bulong ko sa sarili ko. Panigurado mag-aaway na naman kami ng tatay ko. “Hoy!” Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ilang kanto pa bago ako makarating sa ʼmin. Naubos ang pera ko kaya hindi ako makasakay ng tricycle. “Hoy!” Sino ba ʼyon? Hindi ako tumigil sa paglalakad. Hindi naman “Hoy” ang pangalan ko. “Hoy!” sigaw na naman ng kung sinong hinayupak pero hindi ko pa rin pinansin. Baka naman hindi akong tinatawag, masabihan pa akong assuming. “Primitivo Lerman Raques!” Napatigil ako sa paglalakad habang nanlalaki ang aking mga mata. Lumingin ako sa paligid para malaman kung sino ang walanghiyang isinigaw ang buo kong pangalan na mas mabaho pa sa septic tank! Ivo dapat, hindi Primitivo! Kapag nadidinig kong tinatawag akong Primitivo, sinisigurado kong uuwi silang may pasa sa mukha. “Sino ka?! Paano mo nalaman ang pangalan ko?!” Inilibot ko ang aking tingin sa paligid pero wala akong makitang tao. Maya-maya pa’y may nadinig akong parang bumubulusok pababa. Napatingin ako sa itaas at nakitang may pigurang pumapatak mula sa langit. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko kung ano ang pumapatak. Isang tao... Nag-landing siya sa harap ko pero nauna ang mukha niya. “A-aray...” Dahan-dahan siyang tumayo, pinagpagan ang kaniyang sarili at nag-unat na parang walang nangyari. Nang matapos siya ay ngumiti siya nang malawak sa ʼkin. Isa siyang lalake. Ano ba ʼyan? Akala ko chix. “Ikaw ba ʼyong tunawag sa buo kong pangalan?” Tiningnan ko siya nang masama. Pilit siyang tumawa. “Ako nga.” Hinawakan ko ang kaniyang kwelyo. “T-teka! Hindi away ang gusto ko! I-ito! Gusto ko ʼtong ibigay sa ʼyo.” Binitawan ko na siya at kinuha ang papel na hawak niya. Isa itong flyer. Kulay itim ang papel at kulay pula naman ang sulat. Mukha itong flyer para sa mga horror house sa amusement park. Enrollment in Rosario Academy is still ongoing! For more information, please call us at: (043) 402-2121 Or you can visit our website: www.rosarioacademy.edu.ph ENROLL NOW AND BE PART OF THE ROSARIO FAMILY! Pinagmasdan ko nang mabuti ang flyer. Baka niloloko lang ako nang lalakeng ʼyon? Tumunghay ako para magtanong sa lalake ngunit wala na siya sa ʼking harapan. Nasaan na ʼyon? Bumagsak siya sa lupa plus nawala na parang bula equals s**t, ang weird. Ang galing ko talaga sa addition. Itinupi ko na lang ʼyung flyer at inilagay sa bulsa ko. Walang ibang impormasyon tungkol sa school na nalagay sa flyer pero subukan ko kaya? Wala namang masama, eh. Rosario Academy, huh? ʼDi ba parang ang weird naman yata ng pangalan ng school na ʼyun?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
7.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
118.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
168.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
18.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook