bc

Diamond's Affair

book_age18+
1.1K
FOLLOW
4.4K
READ
billionaire
contract marriage
age gap
goodgirl
powerful
independent
drama
sweet
bxg
nurse
like
intro-logo
Blurb

Diamond has a big dream, and in order to fulfill that, ay kailangan niya ng sponsor, at nasa katauhan iyon ng isang milyonaryo na si Honn Zamora na matagal na niyang kilala. Wala sa plano nya ang mahulog dito, bigla na lang nangyari at huli na para pigilan pa ang kanyang sarili.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Life is not a matter of luck or fortune. If we up to chance, chances are, we'll fail."   Hindi ko maiwasan na mapabuntong-hininga habang binabasa ang quote na nakita ko isang magazine. Life is not a matter of luck or fortune? I doubt. Bakit may mga tao na ayon sa kanila ang likas na suwerte? Is that really based on luck o nagkataon lang? Maybe maganda ang ginawa nila noong past life nila kaya biniyayaan sila ngayon.   Past life? Seriously Diamond? Ganito ba ang napapala kapag isang linggo ng walang matinong tulog?   Napailing ako sa mga naiisip ako at ibinaba ang magazine na hawak ko. Sumimsim ako sa black coffee na nabili ko sa convenience store sa tapat saka muling huminga ng malalim. Sumandal ako sa swivel chair kung saan ako nakaupo at pumikit.   Nakakapagod din pala ang mabuhay.   "Nurse Diamond! Nurse Diamond!" napabalikwas ako ng marinig ang pagsigaw mula sa kung saan. Mabilis akong tumayo at agad na lumabas mula sa nurse office.   “Nurse Diamond!” dinig kong sigaw pa ni Josie na ngayon ay papalapit sa akin. "Bakit?" kinakabahan na tanong ko nang maharap ko siya. Nakita ko pa ang pagbuntong hininga niya bago magsalita.    "Si Mr.Zamora nasa E.R! Road accident!" sabi naman nito. Hindi ko na nagawang magpaalam pa sa kanya. Mabilis na kumilos ang mga paa ko at agad na tumalikod.   Agad akong tumakbo sa hallway ng Ybaniez Hospital at nagmamadaling tumungo sa E.R. Sobrang kaba ang nararamdaman ko nang matanaw ko ang silid at makita sa hallway ang kanyang ina at ama na nakatayo doon habang nakatulala sa pintuan. Dahan-dahan akong lumapit hanggang sa makita ako ni Mrs Zamora at walang isang salita na sinampal niya ako ng malakas dahilan para mapabaling sa kabila ang ulo ko.  "Ang sabi mo ay babantayan at aalagaan mo siya, Diamond. Pero ano ‘to?! Mas inuuna mo pa ang trabaho kaysa sa asawa mo!" malakas na sigaw nito.  "Ma—“   Hindi ko na natuloy pa ang anuman na sasabihin ko ng muli siyang sumigaw.  "Bakit? Dahil ba sa natupad mo na ang pangarap mo kaya wala ka ng pakialam sa kanya? Ganun bay un, ha?! Manggagamit ka! Mukhang pera! Hampaslupa!" naghi-histerikal na sabi pa nito. Sunod kong naramdaman ang paghila nito ng malakas sa buhok ko ngunit wala akong ibang ginawa kundi ang tanggapin ang lahat ng masasakit na salita at gawa mula dito.   Manggagamit? Mukhang pera? Totoo naman. Ginamit ko lang siya at pinakasalan dahil sa pera niya. "Tama na, mahal,” dinig kong pag-awat ni Papa Angelo sa asawa nito saka ko naramdaman ang pagtanggal ng kamay sa buhok ko. Nakayuko lang ako at dahan-dahan pinulot ang nahulog mula sa ulo ko na tanda ng pagiging isang nurse.   "Nag-aagaw buhay siya, Angelo! Nag-aagaw buhay ang anak natin at dahil iyon sa babaeng ito! Minahal ka ng anak ko pero bakit mas pinili mo pa na saktan siya?!" sigaw pa rin nito habang tinulak-tulak ang balikat ko. Napaatras ako at mahigpit na napahawak sa pader ng E.R na naatrasan ko.  Kung alam lang nila kung sino ba talaga ang mas higit na nasasaktan. Kung alam lang nila ang nararamdaman ko ngayon. Kung alam lang nila…   Bumuntong hininga ako at sinalubong ang tingin ng mga magulang ng asawa ko. Tipid ko silang nginitian. "Makakakaya po ni Honn ang operasyon, magagaling po ang mga doktor dito. Ngayon po ay magpapaalam po muna ako dahil mag-ra-rounds pa po ako. Excuse me po,” magalang na sabi ko pa. Hindi ko na sila hinintay na magsalita at nagtuloy-tuloy sa paglalakad, nang medyo nakakalayo na ako ay dali-dali akong pumasok sa CR at ni-locked iyon.  Tuluyang bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan nang makita ko ang sarili sa salamin.  Wala na akong pakialam kung lahat ng tao ay tingin sa akin mukhang pera at manggagamit. Wala na akong pakialam sa kung ano pa ang sabihin nila. Pagod na pagod na ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at humantong kami sa ganito pero ginawa ko ang lahat. Hinndi ako kailanman nagkulang, siya ang kusang lumayo at naghanap ng iba. Naging mabuting asawa ako sa loob ng limang taon, kaya sobrang sakit sa akin na mangyari ang mga ito. Hanggang kailan ko ba titiisin ang sakit?   Yes, I am Diamond. The precious sweet gem na kinainggitan ng lahat nang pakasalan ako ng billionaire at may-ari ng Zamora Air na si Honn Lyndon Ybaniez Zamora. I became who I am today because of him at hindi ko alam na siya rin pala ang dahilan nang pagwasak ng pagkatao ko.    I am Diamond, and this is my story for having an affair with my husband.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.4K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
415.7K
bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
454.0K
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
424.9K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook