MOONLIGHT ?Alam mo ba ang ibig sabihin ng salitang Moonlight? Eh kung gaano kalalim ang sinisimbolo ng Buwan? Isa ka ba sa mga parating tumitingala sa langit para pagmasdan at kausapin ang maliwanag na Buwan? Katulad ka rin ba ng ilan na nakakaramdam ng kapayapaan tuwing gagawin iyon?Mula sa daan-daang libong kilometrong layo ng Buwan ay naroon ang isang simpleng babae na lagi nalang nakatanaw rito. Siya si Kazumi Yuna Dela Cuesta, isang ordinaryong studyante na naniniwala sa mga fairytale lovestories at mayroong mga Prince Charming, para sakaniya balang araw ay darating din ang kaniyang Prince Charming na katulad ng kanyang Papa.Nakilala niya ang isang Marfh Finn Villaneuva, ang ultimate crush niya mula second year highschool.. Para kay Kazumi ay si Marfh Finn na ang kaniyang first love Pero paano kaya kung ang kanyang first love ay maging kaniya ding first heart break? Maituturing pa rin kaya niya itong Prince Charming? Mag kakaroon pa rin ba kaya siya ng happily ever after? Ano ang mangyayari kung sa isang iglap ang pinapangarap niyang Happily ever After ay manatili nalang talaga sa pangarap?